Chapter Twenty Eight

1.1K 30 0
                                    

Chapter Twenty Eight

Kelly's POV

Nagising ako sa nakakakiliting bagay na humahaplos sa aking paa. Inilag ko ang mga paa ko pero ayan na naman.

"Fvck! Ano ba?" Inis na sabi ko habang nakapikit pa rin. Nakarinig naman ako ng pagtawa. Kumunot ang noo ko. I know that voice. It's so d-amn early para mangulit siya. I didn't bother to take a glance at him.

Nakaramdam naman ako ng pagkiliti sa may leeg ko. Tinabig ko naman ang kamay niya. Sinigurado kong masasaktan sya.

"Aray!" Boses ng bata ang narinig ko. Kaya napaupo ako sa kama. Nakita ko si Baby Chi na papaiyak na. D-amn, what should I do? Ayan na, theere are tears in her cute eyes. She's holding her left hand. I think thats the part na natamaan ko. Mapula ito ng bahagya.

Napakagat ako sa labi ko. Naiyak na siya. Paano ko ba 'to patitigilin?

"Ahmm.." What now, Kelly? It's just a child.

Nakarinig ako ng pekeng pag- ubo. Nakita ko si Jacob na nagpipigil na ngiti. What's funny!? D-amn!

Nakatayo siya malapit sa paanan ng kama.

"Jacob, kapatid mo." Tinuro ko pa si Baby Chi na umiiyak na talaga habang tinatawag si Inay.

He just shrugged his shoulders. So, ako ang magpapatigil dito?


Tiningnan ko si Baby Chi. Napakagat na naman ako sa labi ko. Hindi ko alam kung paano magpatahan ng bata 'couz when I was in her age no one dare to comfort me to stop on crying.


"B-Baby Chi." Tawag ko sa kanya. I hold her hand na nahampas ko. Akala ko kasi si Jacob. Tsk.

"Stop crying. I-Im s-sorry, okay?." Tumigil naman siya ng bahagya sa pag-iyak. Humihikbi na lang siya.

"I'll buy ice cream, if you want?" Parang biglang nagliwanag ang mga mata niya pagkarinig niya ng ice cream.

"Stop crying muna." Mabilis naman niyang pinunasan ang luha niya and she smiled at me.

"Promise?" Natigilan ako ng marinig ang salitang yon. Promise? Salitang sinasabi ni Mama at Papa noong bata pa ko. Salitang nagpapaasa lagi sakin.

"Promise?" Ulit niya.

Nginitian ko si Baby Chi. "Promise." Parang may kirot akong naramdaman sa aking dibdib.

"Yey!" Tumalon talon pa siya sa kama. Inalalayan ko siya kasi baka mahulog siya bigla.

Maya-maya nagpaalam si Baby Chi na pupunta raw siya kay Inay para sabihin na ibibili ko siya ng ice cream.

"Saan ka naman bibili ng ice cream?" Sabi ni Jacob ng makaalis si Baby Chi.

"In a store." Pilosopo kong sagot.

"Walang ganoon dito alam mo namang liblib na baryo ito." Umupo siya sa gilid ng kama. Sapat para magkaharap kami.

Ngayon ko lang naalala wala nga pala ako sa siyudad.

"Malayo layo ang bayan dito. Siguro meron doon." Nakuha naman niya ang atensyon ko sa sinabi niya.

"Then, pupunta ko." I don't want to break my promise. Alam ko ang pakiramdam ng umasa. Psh! Enough for my stupid drama.

"Mukhang gusto mo si Baby Chi. I thought hindi mo gusto ang mga bata."

"Nagpromise ako that's why. Kailangan kong tuparin."

Revenge for My Bestfriend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon