Chapter Forty Eight (Part One)

1.3K 23 0
                                    

Chapter Forty Eight (Part One)

Kelly's POV

Its been a week nang pumunta kami dito sa bahay nina Jacob. Ganoon pa rin at walang pagbabago. We don't had a chance to talk in private. Ayaw kasing humiwalay ni Kell kay Jacob. Lagi na lang nakabuntot sa Daddy niya kahit nagtatrabaho si Jacob sa sakahan nakasunod siya. Nagiging moreno na tuloy ang Baby ko. Hindi rin makapagtrabaho ng ayos si Jacob.

Hindi na rin ako nakapunta ng Manila para makapag-meeting sa mga clients na demanding. Pinanindigan talaga ni Jacob na hindi ko pwedeng isama si Kell. Ayaw ko naman kasing iwan ang baby ko kahit alam kong maalagaan siya dito. Hindi ako sanay na mahiwalay kay Kell ng matagal. Kaya hinayaan ko na lang mawala ang mga clients. Hindi naman sila ganoon kahalaga and they are so demanding.

Now, we were having our lunch. Magkakasabay kami ngayon. Noong una, napansin ni Inay ang malimit na pagpunta si Nimfa. Nakasanayan na pala nila na kasabay sa hapagkainan si Nimfa. Tinignan nga ako noon ni Jacob. Na parang ako ang sinisisi niya. Pinanlakihan ko lang naman siya ng mata at inirapan niya ko.

Makapanghusga siya! Hindi ko naman kasi masisisi si Nimfa kung malimit na siyang pumunta dito. She's trying to move on. And it is Jacob's fault not mine.
"Lola, this is so delicious." Umakto pa si Kell na para siyang nasa isang commercial kaya napa-tawa kami. Napaka-pilyo talaga.

"May pinagmanahan." Narinig namin ang pagbulong ni Meng. Napa-tingin tuloy kami sa kanya. Ngumingiti na siya ngayon hindi katulad dati. Katabi niya ang anak niyang si Mae na anim na taong gulang.

"May sinasabi kaba, Meng?" Seryosong sabi ni Jacob pero alam mong itinatago ang pagngisi.

"Wala. Sya nga pala, uuwi daw si Macmac bukas. Hindi daw siya makauwi ng mga nakaraang araw dahil busy daw siya. Alam niyo na graduating." Mahabang saad ni Meng. Ngayon ko lang siya narinig magsalita ng ganoon kahaba.

Buti naman kung uuwi si Macmac. Gusto ko rin makita ang batang yon. Paniguradong binatang binata na yon.

Naikwento sa akin ni Inay na nag-aaral sa kolehiyo si Macmac. Kaya nasa Manila siya. Kumukuha raw ng Culinary. Gusto daw nito maging chef. Mukhang nahawa ito kay Inay na mahilig magluto.

"Mabuti naman kung uuwi siya. Gusto rin siyang makita ni Kelly." Sumulyap sa akin si Inay kaya ngumiti ako.

Natapos kaming kumain kaya niligpit na namin lahat ng pinagkainan. Si Meng ang magliligpit ngayon kaya I take the chance to talk to her. Siguro naman makaka-usap ko na siya ng ayos.

"I'll help you." Sabi ko pagkalapit ko sa kanya. Kami na lang ang tao ngayon sa kusina.

"Kaya ko na 'to." Malamig niyang sabi.

"Tutulungan kita. Marunong ako nito." Saad ko. Baka isipin niyang hindi ko kayang magligpit. Simula ng dumating sa buhay ko si Kell mas natuto ako sa gawaing bahay. I can cook too.

"Sinabi ko bang hindi." Pagtataray niya.

Keep calm, Kelly. Hindi makakatulong ang pagiging mainitin ng ulo mo. Inhale, exhale.

"Meng, okay I'm sorry." Simula ko. Tinulungan ko pa rin siya sa pagliligpit. Sinasabonan ko na ang mga baso habang binabanlawan niya.

"Hindi ka dapat sa akin nagsosorry." Malamig pa ring saad niya.

"I know, pero alam kong isa ka sa nasaktan nang saktan ko ang Kuya mo." Napatigil naman siya sa ginagawa niya pero agad ding nakabawi.

"Meng, I want you to know that I want him back. I'll do everything to win his heart again." Napakagat ako sa ibang lalabi ko dahil sa mga lumalabas sa bibig ko. Hindi ko napag-isipan ang mga sinabi ko because it comes from my heart.

Revenge for My Bestfriend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon