Chapter Twenty Nine
Kelly's POV
Nag-unat unat ako ng maka-upo ako sa kama. Kagigising ko lang kasi. Inikot ikot ko ang ulo ko and I massaged my nape. Bumangon ako at nag-streching sa harap ng malaking salamin. Syempre para makita ang sarili ko. Beautiful as ever kahit bagong gising.
Dahil sa pag-iistretching ko may napansin ako sa may likuran ko. I mean sa may pwetan ko. Ohmy! Why now? May TAGOS ako! Fvck! The hell!!!
Wala akong napkin. Ugh! Meron naman sigurong napkin dito kahit probinsya 'to.
"Kelly, Anak!" May kumatok sa pinto ko and thank God si Inay ang kumakatok ar hindi ung pervert na boyfriend ko. Sanay na rin akong tawaging Inay ang mother ni Jacob. Nakaka gaan lang sa loob na may tinatawag kang Inay. It's what I feel.
"Nay, Can I ask something?" Bungad ko agad. Wala ng good morning.
"Ano yon, Anak?' Ang sarap din pakinggan na may tumatawag sayo ng Anak.
"Hmm. Meron po ba kayong n-napkin?"
"Ay, sya teka tatanungin ko si Meng. Teka lang, Anak." Umalis naman agad siya.
Hindi naman nagtagal may kumatok ulit. Mabilis kong binuksan akala ko kasi si Inay.
"Bakit ang tagal mo namang bumaba?" Kailangan pa ba kong puntahan dito? Para namang may mangyayari sakin dito.
"Can't you see? Hindi pa ko nakaka-ayos?" Pagtataray ko.
"Okay na yan. Tara na sa baba." Hinila niya pa ung braso ko.
"Ayaw ko. Mamaya na. Umalis ka muna." Iritang irita naman siyang tumingin sakin. Siya pa ngayon ang naiirita.
"Anak, wag mo munang kulitin iyang si Kelly. Doon ka muna sa baba."
"Ano bang meron? May nililihim ba kayo sakin?" Ang OA niya.
"Wala, Alis!" Tinulak ko pa siya. Sinamaan niya naman ako ng tingin. Pinagtaasan ko siya ng kilay. Umalis din naman.
"Anak, Isa na lang yan. Ibibili na lang kita----."
"Hindi na po. Ako na lang ang bibili. Salamat po dito."
Sumang-ayon naman siya at nagpaalam. Ako naman ay naligo na at inayos ang sarili ko.
Bumaba ako at sumabay sa pagbebreakfast. Kinukulit ako ni Jacob kung ano daw ang inililihim namin. Napaka-chismoso. Hindi ko na lang siya pinansin. Napikon ata kaya hindi na ko pinansin hanggang umalis siya para pumunta sa field. Fine! Walang pansinan. Arte!
"Kelly, Anak, sasamahan ka ni Meng na bumili ng stock na gagamitin mo para sa period mo."
"Ako na lang po." Tanggi ko. I don't like that girl because I can feel that she hates me.
"I insist, Kelly. Kahit isang linggo kana dito hindi pa rin sigurado kung may maloko kang makasalubong tska malayo layo rin ang lalakarin. Pasensya na rin kung naubusan kami ng stock."
"It's okay, Nay." Nginitian ko siya.
Wala na rin naman akong nagawa. Labag sa loob na sinamahan ako ni Meng. And of course, ayaw ko rin na samahan niya ko.
Nauuna siya sakin sa paglalakad kaya sinabayan ko siya. Ano ako? Sunod-sunuran?
Malayo pa ba? Urgh! Ayaw ko makasama ang babaeng to. Wala pa siguro kaming isang minutong naglalakad, ang kaso lang ayaw ko talaga sa kasama ko!
BINABASA MO ANG
Revenge for My Bestfriend [COMPLETED]
RomanceIstorya ng isang babaeng nais mag-higanti para sa kanyang bestfriend. Ano kaya ang magagawa niya para lang sa pagkawala ng nag-iisang taong nakakaintindi sa kanya?