This chapter is a flachback everyone!!para hnd kayo maguluhan.
from your dearest author....
...
Dione Ramirez
...
"Dione!!!"
I heard someone shouted my name so I turn around and saw someone I know from high school, she is Kyla.
She was running towards me so I waited for her to walk beside me.
"Anong meron?" tanong ko sa kanya
"Hayy..alam mo na ba?" agad naman nangunot ang aking noo "may chika ako sayo" at nag-umpisa na nga nyang i-kwento ang na-marites nya tungkol sa kakilala niyang girl.
"Nga pala, kailangan pala nating magpasa ng picture kay mayor" banggit ni Kyla, sa totoo lang wala pa kong masyadong nakakasama sa mga kaklase ko maliban kay Kyla dahil kakaumpisa palang ng klase at mahiyain din ako.
"May picture na ako dito. Ano ba itsura ni mayor?" Tanong ko dahil hindi ko pa talaga kilala ang mga kaklase ko
"Hindi ko din alam eh hehe" napakamot nalang siya ng ulo habang nag-iwas tingin sakin. Kung sabagay ngayon lang din sya pumasok magkachat lang kami at napamilyaran ako sakanya dahil pareho kami ng high school na pinag-aralan.
"Saang room tayo ngayon?" tanong ko habang nagpapatuloy sa paglalakad sa pathway.
"Sabi sa gc sa 2nd floor ng Educ. tayo magkaklase" sagot nya.
"6:50 am na, hindi na tayo aabot hintayin nalang natin sila dito" sagot ko at umupo sa may hagdanan.
It's the 26th day of September at isang linggo palang mula ng mag-umpisa ang klase, ngayon lang kami pumasok tutal wala pang mga instructor at kakaumpisa palang ng klase para less hassle at tipid pamasahe narin dahil mahal ang gas ngayon.
Ilang minuto lang ay nakita ko na ang mga nakilala ko noong miyerkules..
pumasok ako, pero halfday lang heheh...
may bago silang kasama...
Ngumiti ako at tinaas ang kanang kamay bilang pagbati. Ngumiti din sila habang papalapit samin.
"Hi Dione!"
"Hello..kamusta?"
"Okay lang..bakit di kayo pumasok?"
"Late na kami eh ahhaahha"
Napansin ko naman ang pananahimik ni Kyla marahil ay nahihiya pa.
"Anong pangalan mo?" Singit kong tanong sa bagong kasama nila habang nagkukwentuhan sila ng isa pang hindi ko nakikilala.
"Cianelle Ventigan...ako yong may anak" agad ko naman syang nakilala dahil sa pagbanggit nya sa anak nya.
"Ah..ikaw pala yon..akala ko lalaki ka yong pangalan mo kasi..." hindi ko tinuloy ang aking sasabihin dahil nakita ko ang lockscreen ng phone nya at napansin kong 7 Korean iyon na talaga namang kinaaadikan ko at ng madaming babae sa buong mundo ang 7 normal boys from korea..ang BTS!
"Oh my ghad! BTS!" sabay turo pa sa phone nya. Ang totoo bago akong army. 2020 nong una akong nakanuod ng tatlong lalaking magagaling sumayaw at don ko lang din nalaman na BTS pala ang mga iyon, naririnig ko na sila noon pa lalong lalo na si jungkook pero hindi ko pinapansin then, nagdownload ako ng tiktok since doon na hohook lahat and then baam! ang daming videos ng bts ang lumabas then nung una dalawa or tatlo lang gusto ko then, habang mas tumatagal mas nakilala ko sila and nagustuhan ko na silang lahat. Anyway highway napadami na yong kwento ko.
"Army ka din?" agad naman akong tumango-tango sa kanya "magkakasundo tayo" agad naman akong napangiti mabuti nalang may co-army ako may kamarites na ko sa layp.
*few moments later*
"Anong next subject natin?" tanong ko habang nakatingin sa aking cellphone
"12-1 pm pa beh matagal pa tayong tatambay dito since asynchronous tayo sa 11-12 natin" habang patuloy din sa panunuod sa kanyang cellphone pareho lang naman kami ng ginagawa nagtitiktok, tulad ng sabi nya magkakasundo nga kami pareho kami nanunuod ng BTS.
"Kain na tayo kung ganon..tara?" tanong ko mga kasama ko at agad naman silang sumang-ayon at nagsitayuan. Lumabas kami sa School at dahil sarado at bawal pang dumaan sa harap na gate..syempre dumaan kami sa likod at naglakad papuntang tapat ng school.
Habang naglalakad masaya kaming nagkukwentuhan tungkol sa aming mga sarili..parang close na close na nga kami eh...sobrang saya..
Napagdesisyunan naming kumain sa tapat ng school. Isang karenderya..masarap naman ang mga ulam na nandoon pero paborito ko ang bopis heheh... (sana alam nyo ung putahing yun readers heheh)..
Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa loob ng school. Paano ko ba i-dedescribe ang school na 'to?.. malawak ang school sa totoo lang.. wala pa kaming room pero if I'm not mistaken merong building ang bawat course. Kulang lang sa room. Merong bagong ginagawang gusali palibot sa field. In short, tatanggalin nila ang pathway para gawing building. Anyway, madaming nag-aaral dito sa University hindi lang dahil may palibreng pag-aaral and its the Main Campus of DU or should I say..Delgado University its because they are doing their best to achieve their mision and vision for the school.
Well, not that sure tho..
I'm sure madami ding magagaling na instructor sa Campus that's why isa ito sa sikat na University sa Pilipinas.
12 pm already and dahil may klase nga kami ng 12 andito na kami sa room kung saan kami magkaklase..kunti lang kami..madaming hindi ko kilalang tao..may iba tingin palang mukhang masungit na, ung iba naman ay tingin palang mukhang manyak na, at ung iba mukhang joker.
Nag-umpisa ang klase at tulad ng ibang normal na estudyante ay wala akong maipasok sa utak ko kahit anong gawin kong pakikinig. Sa totoo lang ay inaantok ako at gusto ko ng umuwi.
After class, pagbaba nmin mula sa 2nd floor ay biglang tumunog ang cellphone ng aming kaklase. Tinignan nya ito at galing iyon sa Mayor namin na nagchat sa gc nmin.
"Everyone!ung 1x1 pic nyo plssss! I'm here sa 1st floor ng Technology building! I need it now!" Basa ko sa isip ko. Tsk, chat palang mukhang masungit na..anyway, andito naman kami kaso hindi ko sya kilala. Nakita ko naman ang iba na naglakad papunta sa isang direksyon kung saan may nakaupong lalakeng payat na nakasuot ng reading glasses at mag-isa lang sa table.
Is he the Mayor?!!!
YOU ARE READING
Let's Be Lowkey Mr. Mayor
General FictionStatus: COMPLETED!!! Love is unpredictable.. Love moves in mysterious ways they say.. She is Princez Dione Ramirez a college business administration student and a school dancer who had a crush with their class Mayor Luigi Khyler Delgado who is also...