Chapter 3

189 4 0
                                    

Dione Ramirez
.

..

Nasa canteen kami ng mga friends ko at kumakain.

"Nga pala..kailan tayo magpapractice?"

"Hayst..sayaw na naman...bakit kasi ang gagaling natin?"

malapit na nga palang mag-umpisa ang students fest sa school at kami ay magpeperform..hindi ko pa nasasabi.. kaya sasabihin ko na..actually kami ay mga..PASIKAT.. na dancers sa school..kaming limang magkakaibigan ay part ng dance troupe sa school at kami ang pinakasikat..hindi lang dahil sa magaganda kami..(#nagmamayabang) kundi dahil din sa magaling kami at talaga namang sinusuportahan kami ng mga students.

Nagstart ang pagiging part ng dance troupe namin nong may pa-dance project ang NSTP course namin, talagang napansin kami at dinumog ng mga students hindi lang dahil malakas ang tugtog ng radyo kundi dahil sa pinasayaw kami sa field ng teacher namin. Ang talino diba?..pinasayaw kami sa initan ayon, sunog mga balat namin pagkatapos. Ito namang baklang mayor namin tinawanan kami palibhasa wala na siyang NSTP subject.

Naalala ko pa ang araw na yon...bwahahah reaksiyon ni Mayor..it waszzzz prizeleszzz.

*first year*

"Okay groupings ninyo..since 28 students kayo hahatiin natin sa 3 na 6 at ang isang grupo naman ay 5 lang." Nag-umpisa ang pagbibilang para sa groupings nakuha ko naman ang numerong 4. So, group 4 ako ibig sabihin 5 lang kami sa grupo. Sana mga babae.

At dininig nga nya ang aking panalangin..

Rebecca Joy Gomez- the feeling ko ay mabait at makakavibes ko..nagkausap na kami nyan once.
Fatima Dela Cruz - the maldita vibes sa klase..siya yong kaklase mong bida-bida pero magaling naman.
Alexa Montes - maganda, maputi pero mukhang mahiyain.
Ziara Grace Queroda - the madaldal at malakas ang tawa.

Sila ang mga kagrupo ko. Sinabi naman ng prof namin kung ano ang proyektong gagawin namin...

At ang napunta samin ay...sasayaw. trending songs daw sa tiktok ang gusto nya...anyway hindi ako kabado..hindi sa pagmamayabang pero may talent ako sa dancing. Hindi ko na alam kung ano yong sa iba dahil hindi naman sa wala akong pakialam pero wala talaga.

Anyway sa biyernes daw kami magpeperform since MWF ang klase namin sa kanya. Napag-usapan namin na kila Fatima kami magpapractice since malapit lang sa school ang bahay nila.

*Fastforward*

Andito kami sa pinakagitna ng field at sobrang init. Naka-suot ako ng p.e ng school na kulay black at ng sombrero na itim at ipinares ko sa puting Nike na sapatos ko. Ang angas ng pormahan ko tapos pina-araw lang ako ni Sir?..apakagaling!.

"Okay..let's start..you guys wait for my signal before nyo ipatugtog yung music."

"Ready?"

"1,2,3 go!" Malakas na tugtog ang namutawi sa amin.. sinabayan naman namin ng snap sa kamay..bago tuluyang maging kagiliw-giliw ang sayaw ay humarap na kami sa aming propesor at aming mga kaklase na nanunuod.

*Play the song Insomnia by Craig David*

"Never thought that I fall inlove..
love,love,love,lovee.." umpisa palang ay hiyawan na ng aming mga kaklase ang aming narinig pero nagfocus kami sa pagsasayaw at hindi iyon gaanong pinansin. Ako ang nasa gitna at nasa harap naman si Rebecca at si Fatima, sa likod naman sina Alexa at Ziara.

Nasa kalagitnaan na kami ng mapansin ang pagdami ng mga nanunuod na malamang ay naghihintay ng oras ng kanilang klase.

Hindi ko sila pinansin at tumutok sa pagsayaw. Nasa pangalawang chorus na kaya naman mabilis akong pumunta sa harap habang dalawa sa magkabilaan ko its a v-shape. Seryoso lang akong nagsasayaw ng makita ko ang aking hinahangaang lalaki na nanunuod sa harap kasama ang aking mga kaklase. Sheeems..dapat galingan ko pa!..kaya naman..

Mas nilambutan ko pa ang galaw at sumayaw ng super smooth..sa sobrang smooth madudulas ka.joke.
Humiga kami sa damuhan at ipinukpok sa damo ang aming nakasarang kamao habang ang bewang ay sumasabay sa pagbayo.. tumingin ako sa kanya at tinignan ang reaction nya..napa-smirk nalang ako sa nakita..

Anyway, natapos ang sayaw with a twist..syempre hindi pwedeng mag-end ng walang pasabog. Tinanggal ko ang aking sumbrero at agad naming ginawa ang finale namin..nag-ala cheerleader kami sa human pyramid na aming ginawa..syempre hindi mabubuo ang pyramid kung lima lang kami kaya naman may back up kaming isa and its Megan..pagkatapos naming mabuo ang pyramid syempre kunting kembot at sway ng kamay tapos nagtumbling na ako pababa.

Pagkatapos non ay narinig namin ang malakas na palakpakan at hiyawan mula sa aming mga audience. Ngumiti naman kami ng todo bago agad umalis dahil mahihilo na ko sa sobrang init.

*End of flashback*

Kung titignan, isa iyong magandang alaala. Lalo na't nakita ko ang napakagandang reaksyon ng crush kong kawayan.

"Hoyy!nakikinig ka ba?!"

"A-ano yon ulit?"

"Tinatanong ko kung anong sasayawin natin. Diba pinatawag ka kanina?"

"Ah..BTS" sagot ko nagkatinginan naman sila..ngumiti naman ako ng nakakaloko "butter" patuloy ko napangisi naman sila sa sinabi ko..bukod kasi sa mahilig kami sa blackpink eh trip din nqmin ang bts lalo na ako.

Pagkatapos naming kumain eh pumasok na kami sa klase namin at ayon na naman si Mayor na kung makatingin ay napakagwapo na may pagkamaganda..

#nagmamaldita.

Kakatapos lang ng Midterm Exam namin luckily pasado naman ako..kahit isang point lang ang lamang sa kalahati ng isa kong test paper.

"Dione!" Napatingin ako sa taong tumawag sa aking napakagandang pangalan..pero isang hindi pamilyar na mukha ang nakataas ang kamay na malawak na nakangiti sakin.."hi!" hindi nawawala ang ngiting nakalagay sa mukha nya kahit nakita niyang nakakunot ang noo ko dahil hindi ko sya makilala.

"Magkakilala kayo?"

"Dione!.kilala ka nya." pasigaw na saad ni Zian ang kaibigang straight ni Mayor.

Nilapitan ko sya at hindi pinansin sila Mayor na nakatingin lang din samin.. selos ka Mayor? yieee..sayo lang ako.

Agad lumaki ang aking mga magagandang mata nang magtanto kung sino ang lalaking nasa harap ko ngayon..pero agad din yong nawala at napalitan ng maarteng pagtaas sa gilid ng labi ko..umalis na ako at umupo na kasama sila Rebecca. Ang mga loka, agad naman akong nilapitan para mag-marites..pero hindi na ko nagbigay ng comment.

It's WENDELL KURT MUÑOZ the one who broke my heart for the first time...ganyan talaga pagbumabalik ung mga alaala napapa-english ka nlng. Well, hindi ko na ikukwento kung paano nya winasak at dinurog ang pinakamamahal kong puso..basta ang dapat niyo lang malaman ay..hindi nya ako gusto.

Bakit kaya nagtransfer ang mokong na iyan dito sa DU?..eh mas maganda sa school nilang napaka-private.

Nag-umpisa ang klase at doon ko nalang itinuon ang isip ko..pero hindi ako makapagfocus dahil nararamdaman ko na meron nakatingin sakin. Ang mga pares ng mata nyang nagustuhan ko unang beses ko palang makita. Tinapatan ko ang titig nya at tinaasan sya ng kilay agad naman syang umiwas ng tingin at ibinaling ang paningin sa harap.

Mukhang crush ni Mayor si Kurt inirapan ako ng slight eh.

Wag sya Mayor! kahit AKO na lang huwag na sya o yong iba..akin ka nalang!.huhu..

Pa'no ba mang-akit ng paminta?





A/n:) hello everyone, who already read this chapter namali po ako sa description na nilagay ko para kila fatima and alexa. Ngayon ko lang nacheck sorry po.thanksz

Let's Be Lowkey Mr. MayorWhere stories live. Discover now