Khyler Delgado
...
Ilang araw na ang lumipas pero hindi parin sya pumapasok.
Napabuntong hininga nalang ako ng makita ang bakanteng upuan sa parte nilang magkakaibigan.
"May problema ba?" I looked at Zian who look so worried about me.
"W-wala." tanggi ko at nagbuntong-hininga.
"You've been acting weird mula ng student's night did something happened?" tanong niyang muli. Bakit ba ang dami niyang tanong?
"W-Wala..don't mind me" sabi ko nalang.
Muli akong napatingin sa madalas niyang upuan bago ako bumaling sa harap kung saan naroon na ang instructor namin.
Napabuntong-hininga ako ng matapos ang araw na yon ng hindi ko sya nakikita.
nakakapanghina.
I was about to leave when this annoying guy stopped me.
"Luigi..mag-usap tayo please, let's fix this" this is so annoying. Umirap ako at pagod na tumingin sa kaniya.
"We already talked last time. Wala na tayong dapat pag-usapan pa" kalmadong ani ko.
"Come on, Luigi..please.." napatingin ako sa paligid at nakatingin ang ibang mga kaklase namin na nakikichismis.
"Pwede ba?...do you want to let others know about our fūcking past?" mahinang ani ko at inis na tinignan siya. Nakakainis ang mukha niya. Hindi ko pa nakakalimutan na umaligid-aligid siya kay Dione noong nakaraan.
Badtrip.
"Let's just talk somewhere..just...just let me talk with you privately." at hindi ko pa nakakalimutan iyong nakakadiring ginawa niya noong nakaraan.
"Gāgo ka ba huh?..the last time I let you talk to me PRIVATELY, you fūcking kissed me!.." inis kong singhal sa kaniya. Hindi ko alam kung anong problema niya. Siya iyong nang-iwan and I had moved on. Tapos lalapit siya at kukulitin ako?
"Luigi.." tinapik ko ang kamay niyang hahawak sana sa kamay ko.
"DON'T YOU DARE TOUCH ME!.."
"Don't raise your voice, Luigi!" suway niya pero hindi ko siya pinakinggan. Wala akong pakialam.
"PŪTANGĪNA, KURT!..may boyfriend ka!. May boyfriend ka and you act like this infront of me!?.." hirap akong kontrolin ang galit ko ngayon lalo na at hindi ko siya nakikita tapos dadagdag pa siya?
"I-I know but---"
"you have your boyfriend already and I have mine..those things happened between us in the past was just part of our memories now." diin ko ng magising naman siya. Kawawa naman iyong ipinalit niya sa akin kjng ganyan siya.
"Pe--"
"So, don't come near me anymore..or else ako mismo ang magsasabi sa bago mo, kung anong mga kalokohan ang ginagawa mo." syempre hindi ko gagawin yon. Hindi ko nga kilala iyong pinalit niya eh. Alam ko lang sa mukha.
"No, don't tell him, Luigi! Don't you dare!"
"Then stop chasing me." madiin at nagbabantang saad ko bago tuluyang bumaba sa hagdan at hindi na pinansin pa ang mga nagbubulungan. Iniwan ko nadin ang dalawang chismosong naroon.
I walk and found myself at the beach. It's near our school.
I wonder..
Ano kayang ginagawa nya ngayon?..iniisip din kaya nya ako?...bakit kaya hindi na sya pumapasok?...busy ba sya?..nagtatrabaho ba sya?..titigil na ba sya? Is it about financial?

YOU ARE READING
Let's Be Lowkey Mr. Mayor
सामान्य साहित्यStatus: COMPLETED!!! Love is unpredictable.. Love moves in mysterious ways they say.. She is Princez Dione Ramirez a college business administration student and a school dancer who had a crush with their class Mayor Luigi Khyler Delgado who is also...