Chapter 20

113 2 0
                                    

DIONE RAMIREZ
.

..

Nag-umpisa narin sa wakas ang inaabangang students fest. Pero kasabay nito ang inaabangan ding midterm exams.

8:30 na at ako ang proctor nila Alexa. Tahimik lang silang sumasagot.

Nakapangalumbaba lang ako sa lamesa habang nakaupo at pinapanood sila. Lalo na ang lalaking gusto ko.

Oo, gusto. Usapan namin iyon. Hangga't hindi pa kami sigurado wala munang I love you sa isa't isa.

Nilihis ko ang aking paningin at muling iginala sa klase. Hindi ko napigilan at bigla akong natawa. Dahilan para mapatingin silang lahat sa akin.

"HAHAHHH Sorry..natawa lang ako." natatawa paring saad ko.

"Bakit po ma'am?" Saad ng isa. Di ko kilala.

"Wala. For sure kasi may source kayo Haha"

(A/n:) source - ay ang makabagong teknik po ng mga ninja/ estudyante ngayon. iykyk peace ✌️.

"Source?" nagtataka namang saad ni Beatrice na linta. Napataas naman ako ng isang kilay.

Napatingin ako sa katabi niya na mga kasama namin at nanlalaki ang mata nilang lahat lalo na ang nasa tabi niya na nanlalaki ang matang nakatingin sa akin.

Naintindihan ko naman agad ng pasimple siyang umiling at umiwas ng tingin.

Hindi nila siya binigyan ng source. Buti naman.

Inosente akong ngumiti sa kanila bago tumingin sa oras.

"15mins. more" agad naman silang nagsibalikan sa pagsagot ng test papers.
.

..

"times up. Finished or not finished pass your papers." saad ko at agad naman nilang pinagpasapasahan ang mga papel nila hanggang makarating kay Khy at tumayo para iabot sa akin.

Nakatalikod siya sa mga kaklase niya kaya hindi nila nakita ang ginawa nito.

Kinindatan niya ako ng pasimple at parang hindi iyon big deal sa kanya. Itiniklop pa niya ang kanyang mga labi para pigilan ang malakasang ngiti niya.

I cleared my throat and look away.

Mahina ko siyang pinasalamatan at nilagay na iyon sa bag na dala ko, inayos ko narin ang mga gamit ko bago ako tuluyang tumingin sa kanila.

"You did well. Goodluck sa exam niyo mamaya sa subject ko. I hope you guys reviewed those lessons we discussed. Pwede na kayong lumabas." Saad ko nagtayuan naman sila at kinuha ang bag.

"Hey!wait!." Pagtawag atensyon ni Khy. Lumingon naman ang mga kaklase niya at pumasok ang ilang nakalabas na.

Kinuha niya ang phone niya sa bulsa at lumapit sakin. "Let's take a picture." Hinila niya ako paharap sa mesa. Agad naman naglapitan ang aming mga kasama para sa picture. Magkatabi kami ni Khy, katabi naman niya ang mga kaibigan niya. Ang mga kaibigan ko naman ang tumabi sakin.

At dahil madami kami, inilagay niya sa mesa ang cellphone at sinandal sa bag ko na naroon sa mesa.

Inayos nya ang timer at umatras kami ng kaunti para magkasya umupo narin iyong iba sa harap.

"Ready?!" tanong niya.

"Readyy!!" Malakas na sagot naman nila. Agad niyang pinindot ang button at mabilis na bumalik sa pwesto niya.

Kinabahan ako ng kunti ng ilapit niya ang katawan niya sakin ngunit natawa din kalaunan.

Sa pangalawang litrato namin ay iyong nasa harap na ang pumindot. Nag-wacky kami at pare-parehong natawa.

Let's Be Lowkey Mr. MayorWhere stories live. Discover now