Dione Ramirez
..
.
"Dione!.." hindi ko nilingon ang tumawag sa akin dahil naka-focus ako sa ginagawa kong activity at bukod doon ayaw ko sa asungot na'to.
"Hoyy..pakopya naman.." kalabit nya sakin, tinignan ko naman siya ng masama at hindi na siya pinansin. Ang mokong na'to kala nya kung sino sya pumasok-pasok dito, humingi pa ng papel ng kaklase eh ang yaman nya!.
Natapos namin ang activity at buti nalang nilubayan na ako ng asungot dahil kung hindi ay baka masapak ko pa sya. Anyway, palabas na kami papuntang karenderya..don parin sa dati. Sa harap na ang daan ng mga studyante ngayon mabuti naman, dahil sa harap talaga ang building namin.
Nawala ang mood ko ng makita ang baliw na nanggugulo sakin kanina pang umaga.
"Dione!..saan kayo pupunta pwede bang.." hindi ko na siya pinatapos pang magsalita.
"Pwede bang lumayo ka sakin?.." I cross my arms. Bored ko syang tinignan..
"Hindi. Ikaw lang kilala ko dito eh" ngumuso pa ang baliw..akala nya ata eh kina-gwapo nya.
"Wala akong pakialam..makipag-usap ka sa iba at huwag mo akong istorbuhin..may mga nakilala kana kanina diba?..sa kanila ka sumama at manggulo huwag mo kong idamay..nanahimik ako..gets?" tinaasan ko sya ng isang kilay at inirapan sya..tinalikuran ko na sya at ganon din ang mga kasama ko. Nawala tuloy ako sa mood.
"Badtrip ka?" tanong ni Alexa..na halata namang gusto lang makichismis.
"Sino ba kasi yon?" tanong ni Ziara..if I know gusto nya lang din ng chismis.
"Huwag nyo ng tanungin" saad ko.
"Curious ako e..may past ba kayo?.." chismosa talaga tong si Rebecca
"Past life. Pinatay kita noon, baka maulit ngayon kapag nagtanong ka pa.." masungit na saad ko at tinapos na ang pagkain..bumibili ng candy ang tatlong chismosa at naiwan naman kami ni Fatima sa gilid.
"May itsura ang lalaking yon..pero mukhang nasaktan ka sakanya.." gulat akong napatingin sa kanya at hindi makasagot. Ang bossy pa rin kasi nya...
"Masyado kang obvious para sa'kin..naranasan ko din yan.." at tinapik-tapik pa ang likod ko."Hindi na sya ang gusto ko..ang totoo niyan wala na akong nararamdamn para sakanya maliban sa sakit na binigay nya sakin." ang sakit kayang ma-reject ng crush mo..yong feeling na hindi ka kagandahan pero maganda ka naman at alam mong sya talaga yong gusto mo pero meron siyang ibang gusto..ang sakit kaya non!.
"Well, mukhang hindi naman siya ang para sayo..malay mo nasa room lang din pala yong may gusto sayo..engot ka lang talaga"
"What's engot?.." maarteng saad ko kunyari upang maiba ang usapan seryoso naman nya akong inakbayan.
"Yon yong tāe sa ilong" seryosong saad nya at tumingin sakin. Tumingin din ako sa kanya at natawa.
"Baliw...kulangot 'yon!" at mahina syang binatukan habang tumatawa.
"Pero...alam mo...masyado kang gustuhin..madaming nagkakagusto sayo..pati nga marshmallow nagkagusto sayo eh" ewan ko pero parang may ibang ibig sabihin ang sinabi nya pero hindi ko nalang yon pinansin dahil nakabalik na ang tatlong chismosa.
"Aba..aba..aba!..anong meron!?" Alexa said. Maingay talaga tong isang to..hindi pwedeng i-low volume ang bibig.
"Tara na..huwag kana magtanong" sabay hila sa kanila at tumawid na ng kalsada para makapunta na sa susunod na klase namin. Luckily, hindi na ako ginulo ng asungot na yon..naging payapa ang kalahating araw ko sa school pero hindi sa bahay.
Well, lahat naman ng student nararanasan to sa kanya-kanyang bahay in a different way.
"Buti umuwi kana..yong hugasin mo naghihintay na sayo!" mataray na saad ng ate ko.
'kadarating ko lng eh!'
reklamo ko sa isip..hindi na ako sumagot at nagbihis na para matapos ko na ang trabaho ko dahil may assignment pa kami.
Hindi kami mayaman pero hindi rin kami mahirap..kumbaga nasa middle class kami. Si papa namamasada ang ginagawa, minsan may kita, minsan wala..well, inuubos lang din nya sa paninigarilyo..tapos yong tira syempre binibigay niya sa alaga naming dragon. Tumigil na sa kakainom si papa..matagal na, minsan nalang kapag may okasyon sa bahay.
Si mama naman siya ang nag-aasikaso sa bahay...pagod yan siguro sa kakalaba at paglilinis..hindi na din naman kasi sila bata. But, anyway minsan nasasagot ko si mama..just like the ordinary brat I am. Pero hindi naman ganon kasama ang ugali ko..sakto lang.
Pagkatapos ko ay kinuha ko na ang gamit ko para gumawa na ng assignment namin. Hindi na ko nagluto dahil..si ate ang may trabaho non hehe. Kanya-kanya kasi kami..pareho kaming college ni ate pero gagraduate na sya this year kaya maiiwan na nya ko sa school..masaya yon dahil wala ng reporter kay mama.
Minsan kasi na tyempuhan nya akong nasa jollibee kasama si Rebecca ayon..nireport ako kay mama kulang nalang gumawa sya ng ppt at i-present kay mama. Magrereport na nga lang kulang kulang pa sa details.
Well, anyway high way..Major ko ang isang assignment na to sa accounting..actually inaral na namin to noong first year pero ginagawa namin ulit. Kung paano gumawa ng journal entry..medyo mahirap sya pero naintindihan ko din naman lalo na noong nanood ako sa youtube. Ang payo ko lang kung may major ka ng accounting or yun ang course mo at pinag-aaralan nyo ang journalizing entry..basta pag may nabasa kang 'PAID' sa transaction ibig sabihin non is CASH ang gagamitin mo as CREDIT. Oh diba..dyan ko napatunayan na hindi ako ganon kabobø hehe...
Anyway natapos ko na ang aking homework by the time of 7pm. Syempre nagcellphone muna ako..scroll doon, scroll dito ganon bago ako natulog.
Kinaumagahan...
Asa school na ako dahil maaga ang first sub namin. Ang totoo nyan yon lang ang pang-umaga nmin. Mamayang hapon naman 3pm ang uwian namin. Dalawang subject pa at heto ako ngayon..nakaupo sa pathway at tambay. Wala pa sila Rebecca.
Siguro nagtataka kayo kung bakit hindi ko na kasama sila Kimberly at Liza..may hindi kami pagkakaintindihan noon ayon ang nakapagpabago samin..ganon din si Cianne. Akala ko nong una..sila yong grupong makakasama ko hanggang 4th year pero mukhang nagkamali ako.
Anyway, nakasama ko naman sila Rebecca and they were there..beside me when I was at my worst. Tanggap nila ako at ganon din ako sa kanila. Masaya ako na sila ang naging kagrupo ko sa performance na yon..ang totoo niyan hindi kami magkasundo noong una lalo na kay Fatima dahil nayayabangan kami sa kanya pero nagwork din naman lalo na noong kinilala namin ang isa't isa.
Sa isang group..mahalaga ang teamwork kaya dapat kilalanin mo muna ang mga kasama mo para mag work at maganda ang kalabasan ng performance nyo.
Hayst..ang dami ko nang nasabi..buti nalang dumating na si Rebecca late kasi gumising kaya ayan late din dumating. Sad tuloy ako ng ilang hours..pagkaupo palang nya ang dami na nyang chika. Hanggang matapos ang klase sa hapon habang pababa mula sa third floor ay nagsasalita parin sya pero bulong baka kasi marinig kami ng ibang instructor..pinag-uusapan kasi namin yong teacher namin na kwento ng buhay ang tinuturo hehe. Well, para sakin okay lang naman yon pero nasobrahan ata ni maam ang pagkukwento samin.
![](https://img.wattpad.com/cover/326642020-288-k867316.jpg)
YOU ARE READING
Let's Be Lowkey Mr. Mayor
General FictionStatus: COMPLETED!!! Love is unpredictable.. Love moves in mysterious ways they say.. She is Princez Dione Ramirez a college business administration student and a school dancer who had a crush with their class Mayor Luigi Khyler Delgado who is also...