Chapter 14

109 2 0
                                    

Dione Ramirez
.

..

A few months after that very long dream of mine.

Naging mahirap sakin ang pagpasok sa school.

Bakit?..

Dahil hindi na makatrabaho si papa at hirap din sa gastusin dahil maguumpisa ng mag-ojt si ate.

Masyadong madaming kailangan at madami ding gastusin dahilan para pati ako mawalan ng baon.

Sa isang linggo dalawang araw lang ako pumapasok halos hindi pa ako makakauwi kung hindi ako uutang sa mga kaibigan ko.

Sabi ni mama baka daw magstop muna ako kung hindi makakaya ng perang ibibigay nila ate ang pera para sa ojt ng ate ko.

Isang semester lang naman daw at siguradong makakahabol ako sa mga kaklase ko. Syempre ayoko non pero kung wala akong choice...anong magagawa ko?

It was 7pm in the evening when my mom receive a call from my aunt who was with her family in Switzerland.

Tinanong niya ako kung gusto ko ba daw pumunta doon at pag-aaralin daw niya ako doon. 3 years lang daw ang pag-aaral sa course ko doon at mauuna pa ako sa mga kaklase ko dahil second year na ako.

Hindi ako sumagot dahil hindi ko alam kung kaya ko.

Pero habang nasa klase tinawagan ako ni tita.

"Ano?.gusto mo bang pumunta?..may kakilala ako sa school mo ipapaayos ko agad ang papeles mo. Ipapakuhaan narin kita sa ate mo ng mga kailangan mo para makapunta dito" napapikit ako sa narinig. Bakit ba nagmamadali?

"P-pinag-iisipan ko pa po tita"

"Aba bilisan mo mag-isip-isip at baka mahuli ka na..malapit na silang mag exam dito kailangan makapagpa-enroll ka ng maaga" napatingin ako sa mga kaklase ko na nasa loob at nakikinig sa instructor namin. Napabuntong-hininga ako bago makasagot.

"O-opo"

"Dione, hindi naman sa pinipilit kita pero magandang opportunity to para sayo..alam mo naman na naghihirap ang mga ate mo para matustusan ang pangangailan ng nakakatanda mong kapatid. Isa pa, 1 year or 1 and a half gagraduate kana agad sa college mas mapapabilis ang proseso kesa dyan sa pilipinas. Kaya kung ako sayo lumipat ka na dito" pangungumbinsi ni tita. Tama naman kasi siya. Malaking opportunity nga iyon para sa akin..pero paano na iyong maiiwan ko dito?

"Pag-iisipan ko pong mabuti, tita"

"Oh, siya sige at may gagawin pa ako"

"Sige po" pinatay na ni tita ang tawag at pumasok na ako sa room. Nang tumabi ako sa mga tropa ko ay tinignan nila ako saglit pero binaling din sa harap ang paningin.

"Sino yon bebs?" hindi ako sumagot kay Rebecca at binigyan sya ng isang simpleng ngiti.

Lihim akong tumingin kay Mayor. Is it a sign para kalimutan na ang nararamdaman ko para sa kanya?..

Is it a sign na itigil ko na ang pagiging asyumera?..

Would it be better?...

Nag-aalinlangan ako...ayaw kong umalis.

Iiwan ko ang mga kaibigan ko, ang pamilya ko at ang gusto ko para makapag-aral sa ibang bansa.

Naglalakad ako papunta ng terminal gusto ko munang alisin ang mga alalahanin ko bago umuwi, dahil siguradong kukulitin ako ni mama at ni tita ganon din ang mga kapatid ko.

It was 3pm in the afternoon... tapos na ang klase at nagpaalam na ko kila Rebecca.

I was in the middle of thinking when suddenly I heard some voices near me.

Let's Be Lowkey Mr. MayorWhere stories live. Discover now