Chapter 5

150 4 0
                                    

Dione Ramirez
.

..

Ngayong week na ang inaabangan na student fest at dahil student fest nga...walang klase!!!pero need pumasok para sa attendance. Gusto ko din pumasok para maglibot libot sa mga booth na nagbebenta.

Anyway..nandito kami sa may pathway dito kasi nakapwesto ang mga booth ng bawat course. Madami kaming nakikitang nagbebenta ng kpop items pero ang nagustuhan ko ay keychain na may picture ni taylor swift..yezz I'm a swiftie..

Magpeperform din kaming lima nila Rebecca sa Friday night bilang celebration para sa pagtatapos ng student fest. Tulad nga ng napag-usapan 'Butter' ng BTS ang sasayawin namin..hindi naman kami gaanong nahirapan sa steps dahil alam na namin ang steps, need lang namin baguhin yong iba. Anyway, pabalik na kami sa department namin para makapag-attendance na kami..umiinom kami ng juice na gawa ng mga nutrition and dietetics students..masarap naman siya then, kumakain din kami ng shomai..

"Hoy..si Mayor ba yun???" ngumunguyang sambit ni Ziara. Napatingin naman kaming lahat sa tinitignan nya at hindi sya nagkamali ng sinabi dahil ang binabaeng Mayor nga namin iyon na naglalakad patungo sa direksyon namin....'oh emzz..makakasalubong ko ang aking inspi!'.. (*she means inspiration*)

"Gagii..ang igop naman..hindi halatang nabali" komento ni Alexa ang mga baliw talaga na 'to pinagchichismisan si mayor.

'alam kong igop si mayor!akin lang yan!'

bulyaw ko sa kanila sa isip ko..pero syempre hindi ko naman sinabi yon dahil hindi naman nila alam na ang long time crush and dream kong jagiya ay si Mayor..

"Hi, Mayor!" pagbati ni Rebecca ng makalapit ito..ngumiti naman kami at ngumiti din sya pabalik samin.

"May nabili na ba kayo?" Tinaas naman namin ang mga pagkain na kinakain namin.. "masarap?..patikim nga" nagulat ako ng lumapit ang mukha nya..buset hindi na nya hinintay ang sagot..bigla-biglang lumalapit!

Kita ko ang pagsubo nya sa shomai..higop king shemsz!..meron pang sauce na naiwan sa gilid ng labi nya..inalis nya yun gamit ang dila nya..shemssz ang pogs naman!..gising ako at maliwanag pa sa maliwanag ang nakita kong pagtama ng mga mata namin ni Mayor..ang ganda ng mata kaso masyadong madaldal.

Nabalik ako sa reyalidad ng makita ko ang pasimpleng pag-ngisi ni Mayor napatingin ako sa mga kasama ko at masyado silang abala habang kausap ang mga baliw na kasama ni Mayor..hindi ko sila napansin kanina..masyado akong na-attract kay Mayor.

"Tara na..Erick and Zian, thanks sa inyo. Don't forget the attendance later" paalala ni Mayor at umalis na sila sa harap namin..napatingin ako sa toothpick na nakatusok sa nag-iisang shomai na natira.. 'shemz ito ba yong tinatawag nilang indirect kiss?kyaahhh' pasimple akong napakagat labi at nagpipigil ng ngiti dahil kasama ko ang mga kaibigan ko.

"Ay..bebz may isa pang igop oh!" turo ni Fatima..tinignan ko naman iyon at napasama ang paglanghap ko ng hangin dahil sa nakita..its Wendell Kurt again!..inilisan ko ang paningin ko at nilagpasan sya at ang mga kasama nya..

Hindi sa hindi pa ako nakakamove on sakanya..ayaw ko lang magselos si Mayor..charrr..pasensya na may pagka assuming ako eh..mabuti nalang at hindi na sya humarang sa dadaanan namin dahil kung sakali baka maging panda sya ng wala sa oras.

Nag-umpisang pumarada ang mga students bilang panimula ng student fest..ang init..ang usapan ala-syete naging ala-una pilipino din ang mga to..

Anyway, syempre nakibahagi din kami sa paglibot ng quadrangle dahil narin sa utos ng president at isa pa nasa unahan si Mayor namin.. nakipagsiksikan talaga kami para lang mapunta sa harap palusot lang na mas maganda sa harap..pero ang totoo gusto ko lang talaga matabihan si Mayor hehe..maharotz!..

Natapos ang paglilibot at hindi manlang ako kinausap ni Mayor buset!..

"Dione.." nilingon ko kung sino ang taong yon at talaga namang nawala ako ng todo sa mood makita ko lang ang mukha nya.

"Hi, Wendell!" bati ni Alexa..ang gagā nakangiti sakin ng mapang-asar.

"Hi din sainyo.." nakangiting saad din ng mokong na 'to.

"Anong kailangan mo?" masungit na saad ko. Well, hindi ko pwedeng ibaba ang guard ko malay ko kung trip lang nya ko ngayon tapos bukas makalawa may iba na ang buset..advance ako mag-isip.

"Pwede ba kitang makausap?" nakangiting saad nya habang nakatingin sakin at nakangiti.

"Tungkol saan?" Nag-aalangang tanong ko.

"Naku..gurl huwag kana magtanong..sumama ka nalang!" tinulak ako ni Ziara at agad tumakbo palayo.

"Kunin mo na sya Wendell, kahit mamaya mo na ibalik!"

"Bye." simpleng saad ni Fatima habang naglalakad papalayo. Inis naman akong tumingin sa lalaking kaharap..

Nang bigla nya din akong hinila sa sulok..nakaharap kami sa isa't isa..ramdam ko ang titig nya pero hindi ako makatingin ng deretso sa kanya..

"I'm sorry.." mahina pero sapat na para mapatingin ako sa kanya ng deretso..hindi ako makapaniwala na ang lalaking ito ay humihingi ng tawad sa harap ko.

"Para saan." mahinahon kong tanong nagkukunwaring walang alam sa sinasabi nya..

"about before..I've been wanting to say that..kaso kinakain ako ng hiya ko.." nakayukong saad nya.

"Yun ba?..wala na sakin yon..hindi ko na nga maalala.." sabi ko sabay pekeng tawa..sinong makakalimot don eh kahihiyan ko yon, duh?!

"T-talaga?.." naniwala naman ang shunga!..peke naman akong ngumiti sabay taas ng dalawang kilay.
"Then..can we be friends?..like how we used to be before?" Iniabot nya ang kamay para makipagshake hands..tumingin naman ako sakanya ng seryoso bago ngumiti ng kaunti.

"We can be friends..pero huwag mong asahan na ganon parin tayo sa dati.. imposible na yong mangyari.." I said at tinanggap ang kamay nya.
"Pasensya na..pero kailangan ko ng umalis..naghihintay ang mga kaibigan ko.."

"Yeah..sure..basta okay na tayo ah?!" may galak na saad nya.. 'okay na tayo pero huwag mo akong popormahan dahil kapag nagselos ang lalabs ko edi.. salamat sa tulong..' saad ko sa isip habang naglalakad papalayo sa kanya.

Hindi naman siguro masamang maging okay kami..since hindi naman na siya ang gusto ko at isa pa sa tingin ko naman napatawad ko na sya..hindi ko lang talaga inaasahan na magpapakita sya ulit.

Anyway, nakita ko na yong mga hināyupak kong mga fake friends..oo fake friends dahil f.o na kami mula ngayon..syempre joke lang yon.

"Kamusta?..may closure na ba?.." tumatawang saad ni Alex na bruha.

"Eh kung i-close ko yang mata mo habang buhay?!..mga būset!" Nilagpasan ko sila at tuloy-tuloy na naglakad papunta sa jail booth..ipapakulong ko sila..emee..

Let's Be Lowkey Mr. MayorWhere stories live. Discover now