Chapter 2

222 4 0
                                    

Dione Ramirez
.

..

Sinundan ko ang mga kasama ko palapit sa table kung nasaan ang lalaki..nanlaki ang mga mata ko nang bigla syang humarap at magtama ang mga mata namin.

I was amaze by his face more specifically his eyes. In that moment...everything around became slow..at namalayan ko nalang na nakalapit na pala kami sa kanya.

Hindi to maaari...napahawak ako sa kwentas ko at iwinaksi ang kakaibang nararamdaman. Hindi ito ang oras para dyan. Agad kong iniabot ang 1x1 picture ko sa kanya ng hindi tumitingin sa mukha nya.

"Pangalan" banggit nya na nagpatigil sakin sa pag-alis. Alanganin akong tumingin sa kanya at huminga na lamang ng malalim bago magsalita.

"Ramirez..." banggit ko sa surname ko bago muling magsalita at sabihin ang buong pangalan... "Princez Dione Ramirez" sambit ko. Nagtama naman ang mga mata namin..nahaharangan man ng pang-instructor niyang salamin ay kapansin-pansin pa rin ang magandang hubog ng mukha nya at ang magkasalubong nyang kilay.

"Okay" tanging sambit nya nakahinga naman ako ng maluwag at agad umalis mula sa kumpulan ng mga kaklase ko.

Pagkatapos non ay umuwi na ako kasama si Kyla dahil magkasunod lang naman kami ng barangay..mauuna lang siyang bumaba kesa sa akin.


Kinabukasan.....

Nagmamadali na akong umakyat sa 2nd floor kung saan kami magkakaklase dahil late na naman ako nagising..palagi naman. Medyo malayo kasi ang university sa bahay, ang estimated time kong bumyahe ay isang oras lalo na kapag traffic. Hayst ano ba naman wala ng bago sa buhay ko 1st year college na ako ganito pa rin.

Anyway, nakahabol naman ako at nakapag-attendance. Sa totoo lang mahigpit sila sa school na'to, swerte nalang at nakapasok ako. Mura lang ang tuition dito pero magaganda naman ang courses na ino-offer kaya madami ding gustong makapasok sa University na'to. Unfortunately, hindi ako nakapasa sa mga in-aplayan ko na scholarship kaya heto..isa akong palamunin hehe.

Next subject na namin and its about Communication chuchu. At nagulat ako dahil pagpasok namin sa room ay nandoon ang Mayor ng section namin. Ang alam ko kasi ay transferee sya at isa siyang irregular..in short, kaklase lang namin sya sa ibang subjects namin.

Umupo ako sa tabi ng mga kaibigan ko at hindi ako mapakali, alam ko naman na gwapo sya kaso hindi pa ko ready to be in a relationship..NBSB ako eh..tumingin ako sa kanya at agad ding pasimpleng umiwas nang makitang nakatingin din sya sa akin.

Ang ganda ng mata nya..talaga naman. Pero hindi ko dapat iniisip yun kasi andtio na yong instructor namin. Well, mukha namang mabait yong instructor namin..hindi siya matangkad pero hindi din naman maliit, hindi sya pangit pero hindi din naman gwapo hehe...ang masasabi ko lang eh wala syang buhok...kalbo bah.

Mukhang matalino ang Mayor namin dahil panay recite sya at panay din ang tingin ko sa kanya..may ganto pala kagwapo sa Pangasinan bakit ngayon ko lang nalaman?...yong mga kaklase ko kasi dati hindi kagwapuhan hahaha...

Pagkatapos ng klase ay agad kaming kumain sa karenderya kung saan kami kumain kahapon dahil talaga namang nasarapan kami sa mga putahi nila.

Anyway, masaya kaming kumakain at nagkukwentuhan..kung ano-anong bagay lang naman. Then, bago kami bumalik sa loob ng school ay bumili pa kami ng fishball at kikiam sa harap ng school..yon ang kinakain namin habang naglalakad.



*Present*

Mahigit 1 taon narin pala noong una ko siyang makilala..2nd year na kami ngayon at hindi ko itatanggi na siya parin ang gusto ko hanggang ngayon. Sa totoo lang, hindi naman siya ang una kong nagustuhan pero..sa kanya lang tumagal ang pagkahumaling ko..bukod kasi sa gwapo..matalino sya at sya lang ang nag-iisang PL sa buong school. Hindi ko mareach ang taas nya dahil literal na matangkad sya.

Pero..hindi na din ako umaasang magiging kami..

"Hoy bakla!..ung papel mo akin na!.." sigaw nya at pabalang na kinuha ang papel ko. Ang sungit ng baklang to!di naman nya bagay!.

"Maka-hoy naman Mayor!.." oo..ang gwapo at ang nag-iisang PL sa buong school ay isa lang namang paminta. Naalala ko pa kung paano ko nalamang..hindi naman pala sya straight..

*Flashback*

It was our 2nd and last class in the afternoon and nagdidiscuss sa harap ang instructor namin sa history kung paano pinatay ang GomBurZa. It was fun hanggang matapos ang discussion not until...

"Meron bang time na hindi ninyo maexpress yung sarili nyo sa pamilya nyo pero nagagawa nyo yon kapag kasama nyo yong mga kaibigan nyo?" agad namang nagtaasan ang mga kamay ng aking mga kaklase. Pero si Charles ang maswerteng unang nabunot.

"Yes po sir" sagot niya sabay tayo.

"Like what?" Tanong naman ng aming instructor.

"Kapag malungkot sir..yong nahihiya kang sabihin sa pamilya mo yong problema mo" nakarelate naman ako dun. Well, halos lahat naman ng kabataan ganon ang ugali.

"Ah-huh..ano pa?"

"Kapag nag-away kami ng ate ko sir!" Sagot naman ni Anica

"Madaming ganyan.." tumatango-tangong saad ni sir

"Tumpak kayo dyan sir!" Hiyaw naman ng isa sa aking mga kaklase

"Yes, Mr. Delgado? may idadagdag ka pa ba?" Ibinaba naman nya ang kanang kamay at tumayo mula sa pagkakaupo

"Sir, sakin po..parang ako po, kasi.." may pag-aalinlangan nyang umpisa "..sa bahay po lalaking-lalaki ako tapos dito sa school po yong actions ko po is malambot ganyan."

"If you don't mind me asking..Are you gay, Mr. Delgado?" Mahinahong tanong ng instructor namin.

"Oo..bakla talaga yan si Mayor!" Sigaw ni Amelia. Edgar sa umaga..

"I'm not sure po sir...but I just feel na... hindi ako attracted sa mga babae. I mean hindi naman sa nandidiri ako. I just prefer them to be my friends." nakangiting saad nya. Pasimple akong napangiwi sa nalaman.. si lods...isa palang baluktot na kawayan.

"So..hindi ka pa sure?..you haven't realize your gender identity?"

"Hindi ko po..sure Sir." tumatawa syang umupo but I'm sure na peke iyon.

Natapos ang klase na hindi ako makapaniwala sa nalaman.
I look at his back habang naglalakad kami sa corridor..kung hindi ka para sakin..para ka kanino?..

And that's how I figure out his gender identity. Although may pag-asa pa..hindi na ko umaasa dahil ilang months after that may kumalat na chismis sa gc na may nilalandi na si baks kaya kinaibigan ko nalang.

Let's Be Lowkey Mr. MayorWhere stories live. Discover now