Chapter 12

126 3 0
                                    

Khyler Delgado
.

..

She's infront of me....

crying just because of this gøddāmn roleplay, it makes me want to wipe her tears but her lips are tempting.

"Pangit ba ko? pangit ba katawan ko? kapalit-palit ba ko?" sambit nya sa linya nya habang patuloy parin sa pag-iyak. I suddenly felt something inside me I suddenly felt the pain.

"No"

"Then why!?"

"Huwag kang umiyak" nakita ko kung paanong bahagya syang naguluhan sa sinabi ko dahil alam nyang wala iyon sa script. I just suddenly feel bad seeing her cry infront of me, it makes me in pain.

"A-anong..." hindi na nya natuloy pa ang sasabihin nya nang hawakan ko ang pisngi nya at dahan-dahang lumapit sa kanya. Kahit pa kinakabahan ako sa susunod na gagawin nya ay ginawa ko parin.

I am...

Giving up...

Everything to her...

I felt her lips with mine and heard the loud screams of our classmates. Magkalapat lang ang aming mga labi at iyon na ang pinakamagandang pakiramdam na naramdaman ko.

But then...she pushed me a little and the next thing happened was....

A loud slap was echoed at the whole classroom that gives silence to everyone....

"O-oh my g-god...s-s-sorry" after that she took her bag and leave... napahilamos ako sa aking mukha at napasabunot sa aking buhok.

Why the fūck did I even do that!?stūpid!

I have to follow her..

Kinuha ko ang bag ko at agad bumaba mula sa 2nd floor pero pagbaba ko hindi ko sya nakita kaya dumeretso ako sa exit gate at don nakita ko syang naglalakad sa daan papuntang baywalk kaya mabilis akong tumakbo papunta sa kanya.

"Dione, sandali!"  hinablot ko ang kamay nya at pinaharap sakin, agad naman akong naghabol ng hininga dahil sa pagod sa pagtakbo.

"A-ano...k-kasi..." bakit?bakit hindi sya makatingin sakin?hindi ba kami pareho ng nararamdaman?

"Yong k-kanina...k-kasi...ano..."  bakit?bakit hindi ako makapagsalita?bakit hindi ko masabi?..

" ka-kalimutan nalang natin yun..oo tama..." mahinang sambit nya.

"Ayoko...hindi ako papayag" agad syang napatingin at nanlalaki ang matang tumingin sakin dahil sa sinabi ko

"A-anong ibig mong..."

"Gusto kita...ginawa ko yon dahil gusto kita" matapang na sambit ko. Nasabi ko din..yong matagal ko nang gustong sabihin sa kanya, nasabi ko din.

"P-pero...hindi tayo pareho ng nararamdaman..s-sorry Mayor.." agad syang tumalikod sakin at hindi ko sya nagawang habulin dahil masyado akong nabigla sa sinabi nya.


Dione Ramirez
.

..

Tulala ako nang makaupo ako sa isa sa mga bench malapit sa beach na malapit din sa school dahil dito ako dinala ng mga paa ko...muntik na kong himatayin kanina pero nawala yong kilig ko.

Dahil nakiki-marites ang mga kaklase namin sa gilid ng gate kanina, kung hindi sila umeksina ay malamang napaamin narin ako kay Mayor tungkol sa nararamdaman ko.

Habang nakatingin sa dagat ay muli kong naalala ang eksina kanina, agad akong napahawak sa aking labi at napangiti ng maalala ang paghalik sakin ni Mayor kanina. Ang lambot ng labi nya.

*time skip*

4pm na pero nandito parin ako sa baywalk at pinagmamasdan parin ang dagat at nilalanghap ang sariwang hangin...after a minute napagdesisyonan ko ng tumayo para sana umuwi pero nagring ang phone ko, kaya kinuha ko yun at tinignan kung sino ang caller at yun ay ang kaklase ko na si Criza kaya sinagot ko ang tawag nya.

"Hello?"

"Dione"

"Ehmm?!ano yun?"

"Kasi ano...pauwi na dapat kami ni Khy ang kaso kasi inaya sya nila Pat uminom and kakatawag lang nila, ayaw daw paawat ni Khyler sa alak.. lasing na daw sya.. ang problema hinahanap na siya ng parents niya at hindi nila maihahatid si Khy kasi nakainom din sila..so kung pwede puntahan mo si Khyler..hinahanap ka din nya kasi and nagsiuwian na din yong iba si Khy nalang talaga ang naiwan don.." napabuntong hininga ako dahil sa narinig ko

"Hindi ko alam ang boarding house ni Pat o ang bahay ni Khy paano ko sya pupuntahan at ihahatid? isa pa gabi na hahanapin din ako sa bahay." sagot ko.

"Isesend ko sayo ung address..sandali lang naman eh, ihahatid mo lqng si Khy sa bahay nila pleaseee..." hindi na ko sumagot dahil alam kong talo ako, pinatay ko na ang tawag at nareceive ko naman ang address ni Pat at ni Khyler.

Sumakay na ko sa bus papuntang boarding house nila Pat ang sabi sa text nasa may looban lang daw which is nahanap ko naman agad dahil nasa dulo lang ng daan ang boarding house isa pa nakita ko si Khyler na nakatingin sa kanyang baso bago nito ininom ang alak doon...agad akong lumapit sakanya at kinuha ang baso na nilalagyan nya ng panibagong alak.
Napatingin sya sakin at seryoso lang ang mukhang nakatitig sakin.

"Ikaw!...sinaktan mo ko..." mahina ngunit sapat para marinig ko ang sinabi nya. Papikit-pikit na ang mga mata nya at pagiwang-giwang na ang ulo nya, hinawakan ko ang ulo nya at pinaharap yon sakin.

"Sa anong paraan ba kita nasaktan?" Seryosong tanong ko sa kanya.

"Hindi mo ko gusto..masakit dito.." sabay turo nya sa dibdib kung saan ang puso nya..hindi ko alam kung maiiyak ba ako dahil sa drama nya o matatawa dahil ang cute nya.

"Sino bang may sabing hindi kita gusto?sasapakin ko" mayabang ngunit nagbibirong usal ko.

"Ikaw.."  naluluhang sagot nya..in that moment I feel his pain and with that, I felt the urge to kiss him and so I did.

"Sasapakin ko na ba ang sarili ko?...I lied..gusto din kita matagal na.." pag-amin ko after separating my lips on his, sasagot na sana sya ng dumating si Pat at hawak nito ang phone ni Khyler. Umupo sya bago  magsalita.

"Nakausap ko na yong mom nya since gabi na I told them na dito muna sya may one room pa namang available sa taas and pumayag naman sila" agad nitong sabi.. "gabi narin dito kana matulog two beds naman yon."  saad nya. Tatanggihan ko sana kaso gabi narin. Tumawag ako kila mama at nagsinungaling nalang sa kanila na may project kami na kailangang tapusin.

Let's Be Lowkey Mr. MayorWhere stories live. Discover now