Shoutout to @AniciaArellano this update is for you....thanks for voting for this story loveyahh!...🥰🥰
Dione Ramirez
...
Nakaupo kami ng tropa dito sa mga bench ng pathway sa tapat ng jail booth, may kumakanta sa gilid namin kaya madaming studyanteng nagkukumpulan at nag-rerequest ng paborito nilang kanta, booth iyon ng music club ng mga fourth year. At infernes! bongga ang boses ng mayor nila.
Pagkalipas ng ilang minuto lumapit na ang mga studyante na gustong kumanta..maganda nga ang boses nila..halos mga babae ang kumakanta pero may mga lalaki naman..yong isang kumanta galing pang ibang school..outsider mga mare.
Unti-unti din nawala ang kumpulan ng mga studyante at doon ko na nakita ang susunod na kakanta..walang iba kundi ang binabaeng mayor namin.
Si LUIGI KHYLER DELGADO.
Apaka-igop naman niyan!..
Kakanta ba siya?..para sakin?..eme
Imahe by Magnus haven ang kanta..shemmss nakakapogi naman ang pagitara ni Mayor..ang ganda din ng boses..nakakafall..
"Uhy bebs..si Mayor yon oh!" Kalabit ni Alexa samin.
"Kaya nga eh..naol marunong kumanta." sambit naman ni Rebecca habang nakatingin sa pwesto nila Mayor...huwag mong titigan masyado bebs, akin yan..
"Gagā..ikaw lang ang hindi nabiyayaan ng magandang boses satin hahaha" pang-aasar naman ni Ziara na kinatawa namin..napairap nalang si Rebecca.
Nakikinig ako pero ang atensyon ko ay nasa field..bakit? wala, nagpapabebe lang ako kunware wala lang sakin ang pakanta nya..isa pa, pansin ko ang pagtingin nya sa side namin..ayaw ko namang isipin niyang humahanga ako sa ginagawa nya..baka mamaya mag-assume sya na type ko sya, duh!.
Alam ko namang imposibleng magkagusto sakin yan..at hindi narin ako umaasa kaya nga..tinatago ko sa lahat itong nararamdaman ko para sa kanya..baka kasi mag-iba kapag nalaman nya o ng iba.
Ayaw ko yon..
Hihintayin ko nalang na mawala 'to ng kusa..kesa mawala nalang bigla..gusto ko ang ganitong pakiramdam..iyong may inspi ka pagpasok ng school, para gawin yong activities mo, para hindi ka tamadin.
Gusto ko 'to..kaya ayaw ko munang mawala..bawi nalang sa next life.
Natapos ang kanta at pinalakpakan naman sya, lalo na iyong malalanding nakapaligid sa kanya na akala mo eh close sila..
akin yan!!*sabunot*...emee.
"Thank you" sambit nya at ibinalik na ang gitara sa may-ari at akmang aalis na pero iyong mga haliparot na mga babaeng mga may gusto sa kanya eh ang kakapal ng mga mukha para magpapicture sa kanya.
"Aray!" namulat ako sa katotohanang mahigpit na pala ang pagkakakapit ko kay Fatima
"Shït, sorry!.." nagulat na saad ko..malay ko ba naman kasing nakahawak pala ako sa kanya
"Tsk..minsan kasi..lumingon ka sa iba para hindi ka nakakasakit" mataray ngunit makabuluhang ani nya..bakit tuwing magsasalita sya feeling ko may double meaning yon?..yaan na nga.
"Sorry na..ito naman ang sungit-sungit" pabiro ko syang tinapik sa balikan..hindi ko napigilan ang sariling mapalingon sa mga babaeng nagpapacute kay mayor ang sarap nilang tirisin isa-isa.
'kunin na sana sila ni lord'
Napairap nalang ako sa hangin ngunit nanlaki din ang mata ng magtama ang paningin namin ni Mayor. Hindi nagtagal yon dahil agad akong umiwas at tumayo para umalis, sumunod naman ang mga kasama ko at napunta kami dito sa cafeteria sa loob ng school.
"Ano palang gagawin natin dito?" bulong ni Rebecca sa akin na nasa harap ng fridge para mamili ng iinumin ko.
"Malamang..bibili!" mahina ngunit pasigaw kong sabi. Obvious naman kasi..ano namang ibang gagawin namin dito diba?!.
"Eh bakit dito!?" bulong nya pabalik.
"Eh kasi tamad akong lumabas!" sigaw ko sakanya pero mahina lang syempre baka marinig kami nong mga nagtitinda dito noh.. you know kasi mas mahal ang benta dito sa canteen kesa sa labas ng school..so mas prefer ng mga students sa labas pero syempre pag tamad kami dito kami bumibili.
Pumunta ako sa cashier at nandon nadin ang iba naming kasama. Si Rebecca naman ayun..ang daming tanong bibili din naman pala ang bruha.
Anyway..
'fastforward'
Nandito kami sa may table at kinakain ang mga pinamili namin..well, plano naming mag-halfday nalang..bakit?.. wala lang, tinamad lang ang mga lola nyo..wala din naman kaming gagawin maliban sa panonood ng mga games.
"Alam nyo ba?..napapansin ko si Rome at Joy parang nagiging malapit sa isa't isa.." chismis ni Ziara samin. Kami lang din naman kasi dito, busy ang iba sa panonood ng sports fest.
"Pansin ko din..pero diba may jowa si Joy?" sabat din ni Rebecca .
"Oo nga te..baka break na?" sagot din naman ni Ziara
"Ano yun?panakip butas nya si Rome?..kaya sila ganon?" kumakaing sabat ni Alexa.
"Huwag nga kayong mag-overthink malay nyo naman..friends lang talaga sila..mga makers lang kayo ng issue." saad ko na kinatango din naman ni Fatima bilang pagsang-ayon.
"Anyway, deretso uwi na ba kayo mamaya?" Biglang tanong ni Rebecca sasagot na sana ako nang...
"Bawal umuwi" singit ng kung sino sa likod namin ni Fatima. Agad akong lumingon at agad ding nagtama ang mga mata namin..shemms may spark eme..agad akong umiwas ng tingin at tinignan ang katabi ko na nakatingin din pala sakin. Agad syang ngumisi nang magtama ang mata namin. Fatima naman!may alam ka ba beshy ko?!..halata ba ko masyado?..napalingon ako kay Ziara nang magsalita ito.
"Ba't bawal Mayor?" tanong nya na may halong inis.
"Kailangan nyo pa magpastamp sa mga student council bago makauwi. Kung wala kayong stamp, wala kayong attendance.." umupo sya at agad kumuha ng pagkain ko na Mang Juan..ang baklang to!..tsk..pasalamat ka type ko yang style mo..kyaahhh.
"Ano ba naman yan!" reklamo naman ni Rebecca. Makareklamo to eh pumasok lang naman para sa baon..well, ako din naman.
"Ano yan?" tanong nya sabay kuha sa mga pinamili namin kanina sa mga booth
"Bili namin kanina dyan sa tabi-tabi" saad naman ni Ziara.
"Magkano?" curious na tanong nya mukhang type nya iyong taylor swift na keychain na binili ko.
"15 pesos yan..yong iba 25, yong iba 10 pesos, depende sa kanila." saad ko habang ngumunguya. Ang sarap pala ng mang juan. Mas matamis pagkatabi mo si crush.
"Ahhh...okay." simpleng sagot nya pero apakagwapo. I just respect his gender, he likes guys and I like him, wala naman akong magagawa kung yon yung gusto nya. All I can do for him is respect him as an individual.
Anyway nag-stay si mayor hanggang maubos namin yong pagkain namin nakipagchika din sya samin.
Well, masaya naman sya kasama and I can't deny to myself na mas lalo ko siyang nagustuhan.
YOU ARE READING
Let's Be Lowkey Mr. Mayor
General FictionStatus: COMPLETED!!! Love is unpredictable.. Love moves in mysterious ways they say.. She is Princez Dione Ramirez a college business administration student and a school dancer who had a crush with their class Mayor Luigi Khyler Delgado who is also...