Dione Ramirez
...
Lumipas ang ilang araw at hindi ko parin nakakausap si Mayor..pēsteng weekend.
Mabuti nalang at lunes na...
Nagmadali akong kumilos at umalis na ng bahay para maaga akong dumating sa school. 9:00am pa ang klase ko pero mas maganda na yong maaga. Nakarating ako sa school ng 8:00am, oo, tama..malayo ang binabyahe ko araw-araw..minsan 30mins. lang, depende kung traffic..nagkataon na traffic ngayon dahil may nanghuhuli.
Anyway hinihintay ko pa ang barkada dito sa 1st floor ng building namin. Busy ako kaka-cellphone nang....
"ohy, Dione ba't di kapa umaakyat?" si Zian iyon..napatingin ako sa kanila at na tigil iyon sa KANYA..hindi sya nakatingin sakin at abalang nakatingin lang sa cellphone niya.
"hinihintay ko lang sila Fatima" sagot ko na lamang at pilit na ngumiti..tumango naman sya na parang may kung ano sa isip.
"let's go...sunod ka ah?!.." tumango lang ako habang nakatingin sa kanila na paakyat..nahuli sya, pero hindi nya ko binigyang pansin at dumeretso lang paakyat habang nakatingin parin sa cellphone nya..nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa tuluyan ng mawala ang rebolto nya..
ano yan Mayor?...joke mo lang yon?..
'"class remember, AN OBLIGATION IS A JUDICAL NECESSITY TO GIVE, TO DO AND NOT TO DO. It means naka-depende sa tao kung gusto niyang gawin yong isang bagay or ayaw nya. Maliban nalang kung may kontrata, it is his/her own personal decision'" pangangaral ng prof namin sa obligations and contracts..mabuti nalang at ligtas kami sa recitation ngayon dahil kung meron man ay lagot ako dahil hindi ako nakapag-review.
Habang may klase ay kinukulit ako ng nasa tabi ko which is ang pangit na si Wendell. Wala sya sa proper seat nya. Tinignan ko sya ng masama at muling itinuon ang paningin ko sa prof namin.
Sa totoo lang gusto ko ang pakikinig sa lectures nya bukod kasi sa abogado ay magaling talaga syang magturo. Napatingin muli ako sa gilid ko nang tapikin ako ng makulit at unggoy na katabi ko..tulad ng nauna ay sinamaan ko lang sya baka kasi mapansin kami ng prof namin mapahamak pa ako.
Iniwas ko na ang tingin ko pero natigilan at saglit akong nagulat nang makitang nakatingin sakin si babyloves ko na nasa tabi ko lang din..well, may isang epal lang sa pagitan namin which is yung irregular student na bagong transfer lang sa school.
Pagkatapos ng klase ay pumunta na kami sa karenderyang pinagkakainan namin tuwing tanghali. Sila Fatima ang nag-order ng pagkain namin. Natapos kaming kumain at talagang wlaa ako sa mood at naiirita...oo, dahil sa kanya.
Hindi nya ako pinapansin, hindi din nya ako nililingon..nakatutok lang sya sa ginagawa, kung minsan ay may sarili pa syang mundo. Nag-groupings kami sa art appreciation namin at ka-group ko sya. Pero parang wala naman syang pakialam.
Kailangan daw namin gumawa ng roleplay at kagroup namin si mayor.
This is awkward ang hirap itago ang nararamdaman ko lalo pagmalapit si crush(kilig ne nemen) anyway highway, ang movie na nabunot namin ay ang pelikulang ginampanan nila Liza Soberano at Enrique Gil na My Ex and Why's.
Dahil impromptu ang activity 10 mins. lang ang binigay na oras para pag-aralan namin ang moves at acting na gagawin namin, si ma'am ang mismong bumunot kung sino ang gaganap na bida at sa talaga namang hindi itinadhanang pagkakataon ako ang nabunot na bidang babae at si mayor naman para sa lalaki..nagresearch kami sa mga internet at grabe ang aktingan ng iba pang-artista kaya naman napag kasunduan namin na gayahin ang isang video na talagang nagalingan kami.
Group 5 kami at dahil pang-huli kami may oras pa kami para nagpractice at isa-ulo ang kanya-kanya naming script. Habang nagbabasa ako, nakita kong sumulyap si mayor pero hindi ko yun pinansin dahil hindi ako assuming baka kasi si Grace lang ang tinitignan nya na nasa likod ko kaya naman pinagpatuloy ko lang ang pagbabasa at pagsasaulo ko ng script ko. Habang nagbabasa ako naramdaman kong may lumapit sakin kaya naman napatingin ako sa harap ko at ang taong yun pala ay si mayor.
"I-practice natin ung script" mala baklang sabi nya. Nakakaturn-off ang isang yun, I know crush ko sya pero hindi ko kasi alam kung beki ba si mayor or what let's just say his paminta hehe. Tumango naman ako at hinintay ang line nya.
"My god Cali! ang tagal na non!" umpisa nya na agad ko naman sinundan.
"Pero yong matagal na yon nandito parin.." sagot ko habang nakatingin parin sa script. Mahina lang ang pagbabasa namin dahil practice lang naman at nagpeperform na ang group 3, binabasa lang namin ang script at wala pang halong feelings dahil sinisave namin yon para mamaya.
"That's just one mistake!"
"Ki-isa, dalawa, pareho lang yon!"
"Panget ba ko? Kapalit-palit ba ko?"
"No"
"Then why?" plain na sabi ko bilang pagtatapos sa aming practice na talaga namang kinakunot ng nuo ni mayor.
"Then why?" gaya nya sa akin na syang kinatawa ko dahil baklang bakla sya dun sa part na yun. Pero natigil din ako agad. Anyway hanggang doon lang naman ang script namin.
At kami na ang susunod na group kaya naman naghanda na kami para sa pang-malakasang aktingan namin.
Natapos na ang group 4 na gumaya sa movie na She's Dating the Gangster kung saan naging totoong mag-on na sila.
"Group 5." Usal ni ma'am hudyat na pumunta na kami sa harap at maging ready. Nagforward na kami at nagsimula sa part na naghang-out ang mga lalaki dahil ikakasal na ang isa sa kanila at dahil ako ay bitter nagpadala ako ng mga babae at start na para magkagulo dahil nakita ng magiging bride ang mga dancers and akala nya nagchecheat si groom sa kanya.
Then. Sumunod na yong part na napractice namin kanina.
"My god Cali! ang tagal na non!" malakas nyang banggit. Mala Enrique hehe wait. Focus muna.
"Pero yong matagal na yon nandito parin!.." ay pak, mala Liza
"Wew...galing"
"Best actress goes to...." komento ng mga baliw naming kaklase."That's just one mistake!" bato niya sa linya niya.
"Pang Oscar's ang aktingan ni bakla" komento ng kaklase kong isa ding bakla.
"Ki-isa, dalawa, pareho lang yon!" at dahil nga plano naming galingan ang acting, ginalingan ko narin.
"Ahy pak! may luha si ate gurl"
"Wohohhh" hiyawan ng aking mga kaklase sekreto naman akong napangiti dahil dun.
Nagtuloy ang batuhan namin ng linya hanggang sa...
"Panget ba ko? Kapalit-palit ba ko?"
"No"
"Then why!?"
"Huwag kang umiyak.." napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi nya. Wala yun sa script. Wait mayor! hindi ako ready sa adlib!.
"A-anong.." magsasalita dapat ako pero hinawakan nya ang pisngi ko at unti-unti...
Unti-unting....
Lumapit ang mukha nya
And.....
he kissed me
On my precious lips....
Infront of everyone in our classroom....
Infront of our Instructor....
(A/n): Ayieee! Kinilig ka no? Ako din ehhh!...
But, anyways. Magiging busy ako for the time being..always busy naman. Gagawa din kami ng Case Digest for our subject so I hope this update makes you feel kilig din like me. By december siguro i-tatry ko matapos tong story after namin mag-final exam. Thankyou so much everyone wishing na dumami pa ang makabasa. 🥰🥰
YOU ARE READING
Let's Be Lowkey Mr. Mayor
General FictionStatus: COMPLETED!!! Love is unpredictable.. Love moves in mysterious ways they say.. She is Princez Dione Ramirez a college business administration student and a school dancer who had a crush with their class Mayor Luigi Khyler Delgado who is also...