Chapter 8

124 3 0
                                    

Dione Ramirez
.

..

Wala masyadong nangyari sa linggong iyon, bumalik ang klase at naging busy kami sa mga binigay na activities ng mga instructors. Thursday ngayon at puspusan ang paghahanda namin dahil bukas ang pinaka-inaabangan na students night kung saan magpeperform kami sa harap ng mga students at higher ups ng school na aattend.

Nag-excuse narin kami sa mga klase namin ngayong hapon dahil magpapractice kami ng sasayawin namin.

Sa gym kami magpapractice at dahil indoor iyon ay walang sinuman ang makakapasok doon bukod samin.

Nag-umpisa ang tugtog at sinabiyan namin iyon hindi ko masyadong ginagalingan dahil wala naman doon si mayor para panoorin ako, isa pa practice palang ito.

Grabe ang pawis ko at dagdag pa ang init na nararamdaman ko dahil sa kapal ng p.e na suot ko.

Lumabas kami..mga 5pm na at halos kukunti na ang mga studyanteng nakikita ko pauwi. Medyo mahirap ang pagsakay ngayon dahil 5pm na maswerte nalang at nakita ko agad ang jeep na palapit.

Pag-uwi ko ay nagbihis na ako, kumain, nagcellphone, napagalitan ng dragon, naghilamos pagkatapos maghugas ng pinggan, at natulog para fresh ako bukas.




KINABUKASAN.....



FINALLYYYYYY.....ang pinakahinihintay na students night ay ngayong araw na.. lahat ay excited, todo practice at paghahanda para sa event mamayang gabi.. syempre, dahil hindi lang students at instructors ang pupunta kundi ang president at ang chairman ng campus ay dadating.

Kung tatanungin nyo kung sino sila, sila lang naman ang Grandfather at Daddy ng aking ultimate crush na si Mayor. Well, isa yon sa rason kung bakit kailangan ko galingan mamaya syempre kailangan ko magpa-impress sakanila and ofcourse sa mama nya na super ganda daw.

Maaga kaming pumasok para magpractice at 12pm ay umuwi na kami para maghanda sa magaganap na students night mamaya. 8pm ang simula, dalawang beses ako magpapalit ng damit. Isa para sa sayaw namin at isang dress para sa party syempre. Baka ayain akong sumayaw ni crush dapat bongga. Eme

Napag-usapan na dapat bago 7pm ay nasa school na kami mahirap na baka traffic. Kaunti palang ang mga estudyante sa hall ng dumating ako nasa room naman sila Fatima para mag-prepare.

*fastforward*

8:30pm na at wala pa ang mga guest of honors. Kapansin-pansin din ang pagkainip ng mga estudyanteng pumasok lang para sa points.

"Dione!" hinihingal na banggit ni Pao, ang host ng party. 4th year student sya at talaga namang ang galing niyang mag-host ng mga event dito sa school.

"bakit?" gulat man ay mahinahon akong sumagot.

"mag-solo ka muna doon..kailangan ng stretch, wala pa kasi yong iba." Hinihingal na saad ng Mc ng event.

"eh diba meron ng gagawa non?" Iyon ang pagkakaalam ko dahil ipinaliwanag iyon sa amin umpisa palang.

"oo nga, kaso kasi hindi na sya makaka-attend dahil may emergency daw sa kanila" napakamot naman ako sa ulo bago unti-unting tumango. Wala akong choice.

"eh, anong sasayawin ko?!" wala ito sa plano..tsk.

"kahit ano, basta magperform ka muna. Malapit na din iyong ibang guest." wala akong choice..sinabi ko nalang sakanya kung ano ang sasayawin ko.

play: MONEY by LISA $_$

Pinatay ang ilaw kaya pumunta na ko sa gitna..pagkatapos non ay unti-unting binuksan ang ilaw dahilan para unti-unti din nila akong makita.

Let's Be Lowkey Mr. MayorWhere stories live. Discover now