CHAPTER 1
Warning: Violence (slight)
RED's POV (RJ)
"Gusto mo ba ng magic tricks?" tanong ko sa babaeng nurse na gumagamot ng mga sugat ko ngayon.
Tumingin lang saglit sa'kin 'yong nurse at ngumiti saka nagpatuloy sa panggagamot.
Kanina ko pa siya sinusubukan kulitin pero hindi niya naman ini-entertain 'yong mga tanong ko.
I'm not gonna lie, she's pretty.
Kapag nakakakita ako ng maganda sa paningin ko, hindi ko hinahayaan mawala ang opportunity.
I smirk at my thoughts.
"Gago pre, yari nanaman tayo nito kay doc Andi."
"Tanga e 'di sabihin natin na pinilit lang tayo ni Red na sumama sa gimik niya."
"Ano miss? Sige na. Rare 'tong magic trick ko kaya hindi boring 'to," pangungumbinsi ko ulit sa nurse.
"Ma'am, ilang araw lang po ang itatagal niyan," ngayon lang siya nagsalita tapos about pa sa sugat ko, ano ba 'yan. "Kung may maramdaman po kayong masakit, don't hesitate po na pumunta dito para ma-monitor po yung body niyo kung may bali kayo."
"Ikaw ba mag mo-monitor sa katawan ko?" nakangising tanong ko dito pero nginitian niya lang ako ulit.
"Tingnan mo nga 'yang tangang 'yan. May sugat na't lahat, nagagawa pa ding lumandi."
"May specific doctor po na mag mo-monitor para sa inyo," sagot ng nurse habang inaayos ang mga gamit pang-gamot niya.
"Then I don't need to come-"
"Kahit yata mamatay 'yan, mag la-landi pa din sa impyerno 'yan."
"Sinong lalandiin niya, asawa ni Lucifer?"
Napatingin ako sa kanilang dalawa na kanina pa 'ko pinag-uusapan. Tumatawa na sila ngayon. Akala nila hindi ko naririnig.
Kinuha ko ang nakarolyong gauze na hindi pa naaayos ng nurse at ibinato sa kanilang dalawa. Natigil sila sa pagtawa at tumingin nang masama sa'kin.
"Hindi ba kayo mananahimik? Baka gusto niyong mauna sa impyerno."
"Hindi ba kayo mananahimik?"
"Baka gusto niyong mauna sa impyerno."
They both said mocking me.
Mga demonyo na 'to.
Nagkatinginan kaming tatlo hanggang sa tumayo na 'ko at ganun din silang dalawa at tumakbo papalayo sa'kin.
Nahabol ko si Dos at ni-head lock siya para hindi makawala habang tumatawa naman si Silas mula sa malayo.
YOU ARE READING
Diamond and Red (Socmed AU) | RYEJI
FanfictionBecause of her recklessness, Red Sandoval (RJ) is sent to a small town in Cebu for her whole vacation where she will meet, Diamond Acosta (YJ) who happens to be the daughter of the General... and her brother's future wife. - This is originally a soc...