CHAPTER 63
RED's POV (RJ)
"Pwede ba huwag kang tumitig sa'kin?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Po?" Ayan. Sinabihan kasi siya ni Diamond na gumamit ng po at opo sa'kin.
Gabi na at ako muna ang pinagbantay ni Diamond dito sa bata dahil hindi pa siya tapos at sinabihan din ako na late daw lagi dumadating ang nanay nito. Diamond is helping them para makapag hanap buhay 'yung nanay lalo na at kailangan ng malaking pera para sa operasyon ng bata. Nag offer naman ako na magbigay kaso ayaw tanggapin nung nanay. Balak ko nga na kausapin si daddy at mama para mabigyan sila ng donation kaso hindi ko naman makontak dahil laging busy ang mga linya ng telepono nila.
"Bakit naman kita susundin? Mukha ka pa namang sutil. Mamaya tumakas ka pa at kung ano na namang gawin mo dito sa ospital."
"That's a one-time thing. That female doctor keeps teasing me kaya ginantihan ko lang," dahilan niya pa.
"Hindi ka ba naturuan ng magulang mo na masama ang gumanti ha? Ang bata-bata mo pa marunong ka na magtanim ng sama ng loob."
"Huwag mo nga ako bigyan ng sermon dahil hindi ko kailangan niyan. Wala kang karapatan na pagsalitaan ako ng masama dahil hindi mo naman ako kilala."
"Edi ipakita mo kung sino ka," hamon ko sa kanya. "Ayaw mo pala ng pinagsasalitaan ka ng masama, edi ipakita mo ang totoo mong ugali. Sana lang ikaw 'yung tipo ng tao na 'there's more than meets the eye' kasi kung hindi, nakakaawa ka."
"Kung makapagsalita ka parang ikaw na ang pinakamabait na nabubuhay dito sa mundo," pagtataray niya sa'kin at inikutan pa 'ko ng mata bago niya ibalik ang atensyon sa libro niya.
YOU ARE READING
Diamond and Red (Socmed AU) | RYEJI
FanfictionBecause of her recklessness, Red Sandoval (RJ) is sent to a small town in Cebu for her whole vacation where she will meet, Diamond Acosta (YJ) who happens to be the daughter of the General... and her brother's future wife. - This is originally a soc...