CHAPTER 56

310 19 8
                                    

CHAPTER 56


RED's POV (RJ)


Pagkapasok ko sa dormitory namin ay naabutan ko silang nag aalmusal - si Dos, Silas, at Phoebe.


"Anong ganap doon sa tweet mo?" tanong ni Silas na nakatayo sa may gilid ng ref habang umiinom ng tubig. Nasa may gitna ng kama namin sila Dos at Phoebe, sa may lapag, na busy naman sa pagkain.


Bumuntong hininga ako at naglakad papunta sa tabi ni Phoebe. Binato ko ang susi ng kotse ko sa may kama ko saka ko ipinatong ang ulo sa balikat ni Phoebe.


"What's wrong?" si Phoebe naman ang nagtanong habang kumakain.


"Diamond turned me down."


"Nanliligaw ka ba?" tanong ni Dos.


"Hindi pero nagka-aminan kami kanina."


"Patawa ka. Araw-araw mo ngang sinasabihan na gusto mo siya. Hindi ka pa pala umaamin no'n?" natatawang wika ni Silas. Umupo siya sa kama niya, sa likod namin ni Phoebe.


"Umamin si Dia sayo?" - Phoebe


"Hindi kasi direct 'yung pagkasabi niya eh. Basta ang sabi niya, may nararamdaman daw siya sa'kin at hindi niya alam kung pagkagusto ba 'yon bilang kaibigan o may malisya na."


"Hindi niya talaga alam dahil if she ever likes you, ikaw pa lang ang unang babae na nagustuhan niya. She's confused." - Phoebe


"I don't know how to react to this. It's not that I'm not used to rejection. Some people have rejected me in the past and hindi ko naman ginawang big deal 'yon. But this time, I don't know," mapaklang saad ko at tumawa ng mahina.


"Teka, kung gano'n naman pala na parehas 'yung feelings niyo, bakit ni-reject ka?" - Dos


"Tinanong ko kasi siya kung gusto niya ba maging kami, i-try ba kaso tinanggihan ako."


"Ano bang usapan niyo?" tanong ni Silas. "Para kasing may kulang sa kwento mo. Kung gusto ka niya, bakit iri-reject ka? Sa anong rason?"


Tumingin si Phoebe sa likuran kung nasaan si Silas at binalingan niya ang huli na parang naaasar.


"Beanstalk, what do you think is Diamond's reason for rejecting her? Syempre, they'll be sisters-in-law. Just as I told you before, Dia goes by her book. Hindi marunong sumuway 'yon."


Inalis ko ang pagkakasandal kay Phoebe at kay Silas ko naman ngayon isinandal ang ulo ko.


"Yeah, that's exactly what she said to me. Natatakot siya na sumuway dahil nakataya ang pagiging doktor niya rito. Negotiation niya kay General na papayagan siya mag doktor kapalit ng pagpapakasal kay kuya."

Diamond and Red (Socmed AU) | RYEJIWhere stories live. Discover now