CHAPTER 1
After one year....
NAIINIS kong inaabot ang nagi-ingay kong alarm clock. Ang bilis naman mag-umaga parang kapipikit ko lang, e!
Matapos kong mapatay ang alarm ay tinatamad akong umupo sa kama ko at nag-inat muna sandali ng aking braso. Ang dami kong nireview kagabi dahil ilang araw nalang ay exam na namin sa school, kaya hindi ko namalayan na ilang oras nalang ay sisikat na si haring araw.
"Ray, Almusal na'raw!" Sigaw ni ate Linda sa labas ng aking pintuan. Tinapunan ko ng tingin ang pituan bago na pagpasyahang tumayo na ako.
"Susunod na po, ate. Salamat po!" Sagot ko at naglakad na papunta sa banyo para maghilamos at magmumog bago bumaba.
Habang pababa na ako sa hagdan ay hindi ko maiwasan humikab ng humikab. Antok pa talaga ako! Parang 30 minutes lang ako natulog.
"Good morning, mahal na Prinsesa!" Napaigtad ako sa sigaw ng kilala kong boses. Huminto ako at tiningnan ko siya habang inaantok pa ang aking mata. Naglalakad na'rin siya papunta sa dining area at nilagpasan lang ako. Umirap ako sa likod niya.
"Saan ka galing?" Walang ganang tanong ko sakaniya dahil bihis na bihis 'yata siya ngayun? May maagang lakad si kumag! Nilingon niya ako at inantay. Umakbay siya saakin dahil close na kami, hindi ko na inalis 'yung kamay niya sa balikat ko. Ngumiti siya saakin at ngumiti 'rin ako sandali sakaniya tapos balik simangot ulit.
"Kakauwe ko lang galing sa galaan. Sinamahan ko si Leomar, dahil birthday ng iba naming tropa, eh!" Sagot niya at tiningnan ang nakabusangot kong mukha. Nalukot ang kilay niya. "Bakit ang aga-aga nakalukot ang pagmumukha mo?" Curious niyang tanong habang pinisil pa ang pisngi ko. Pasaway talaga!
"Antok pa 'ko dahil buong gabi ako nag-aral! Mabuti kapa matalino kaya kahit hindi na mag review, papasa parin!" Naa-asar kung tinabing ang kamay niya. Gusto ko pang matulog pero hindi na puwede dahil nakapangako na ako kay Lola na ako ang mamamalingke ngayung araw.
"O, e, linggo naman ngayun, ah. Bakit hindi ka matulog muna? Mamaya kana dapat gumising." Nilagay niya ang kamay niya na tinabing ko sakaniyang bulsa. Ang bagal niyang maglakad! Salaki ng mansyon na'to malayo pa ang dining area! Ngumuso ako dahil sa sinabi niya.
"Hindi puwede, ako ang ma mamalingke ngayun." Gusto ko ako ang mamalingke dahil nakakapili ako ng mga sariwang gulay, prutas at isda. Minsan kasi ako ang nagluluto kapag nag re-request si kumag! Tapos gagatungan pa ng mga matanda. Kaya ako na nagluluto pagganun. Okay lang naman saakin dahil masaya ako sa tuweng sarap na sarap sila sa luto ko!
"Ahh, ganun ba? Tama lang pala ang pag-uwe ko. Masasamahan kita!" Natutuwa niyang sabi. Pero kinurot ko lang ang tagiliran niya. "Ang sakit Ray, ah!" Nag kunyari siyang nasasaktan talaga at tumigil sa pagalalakad. Hinimas niya ang pinagkurotan ko habang tumatawa naman ako, dahil ang sarap niyang asarin.
"Hindi na, Adrian. Matulog kana nalang dahil mukhang saating dalawa...ikaw ang puyat diyan at kailangan ng tulog!" Inirapan ko siya at inalis ang kamay niya sa balikat ko saka naunang naglakad sakaniya. Ang bagal niya maglakad tatanghaliin ako sa pag-alis!
"Huy, Ray! Hindi ako inaantok, no!" Sigaw niya habang hinahabol ako. Talaga lang ha?! Napangisi ako.
"Tingnan mo nga ang mata mo!" Pang-aasar ko naman pero totoo na puyat siya. Na pangiti ako ng sawakas narito na ako sa kainan. Ngumiti agad ako sa dalawang matanda at nilapitan sila upang bigyan ng 'Goodmorning kiss'. "Good morning po La, Lo." Halik ko sa pisngi nilang dalawa.
"Good morning 'din, apo. Teka, nariyan na ba si Adrian? Narinig ko kasi ang boses niya na sumisigaw." Kumpermang tanong ni lola Nora. Tumango naman ako bilang tugon at umupo na sa tabi niya.
BINABASA MO ANG
Save The Memories ( COMPLETED )
Romance"Save the Memories" ay isang kwento na puno ng emosyon at pag-ibig. Ito ay tungkol sa isang dalawang taong nagtatagpo muli matapos ang matagal na panahon. Sa kabila ng mga pagbabago at mga pangyayari sa kanilang buhay, ang kanilang mga alaala at mga...