CHAPTER 27

15 1 0
                                    

Chapter 27

Ang liham na nakasulat sa papel sa loob ng pusong kwentas ni Adrian, para sa babaeng matagal niyang inibig.

"Mahal kong Raylene,

    Hi. Hehe hindi ko alam kong paano ba magumpisang magsulat ng confession later. Pero bahala na siguro si Bullpen no?!

Raylene. Wait gusto ko lang sabihin sayong ayoko talagang tinatawag kang 'Ray' dahil ang pangit. Hindi bagay sa maganda mong mukha at sa kabutihan ng puso mo. Dapat tawagin ka sa buo mong pangalan. RAYLENE. Ang ganda sa tainga at ang sarap bigkas ng paulit-ulit.

Ito na talaga, Raylene. May sasabihin ako sayo 'wag kang mabibigla, ah—mahal kita.

Oo, mahal kita. As in I LOVE YOU! Matagal na kitang gusto Raylene. Unang kita ko palang sayo ay nabihag muna agad ang mailap kong puso. Ang tindi mo nga, eh. Para kang ibong mandaragit sa bilis mong bingwitin ang puso ko. Ikaw alang ang nakagawa non kaya especial ka ng sobra saakin.

Alam mo bang sinadya ko lang asarin ka araw-araw para hindi naman maging boring ang araw mo. Masaya naman akong kasama diba? Masarap naman akong kausap diba? Alam mo ba Raylene, masmasarap ako kung mamahalin mo 'ko. Hehe ang corny ko sa part na'to! "

Napatawa ako habang binabasa ko ito at pinupunasan ang humaharang kung mga luha sa mata.

"Raylene, Love. Yehey! Masbagay sayo na itawag ko ay LOVE. Gusto ko 'yan kaya wala kang magagawa. Hindi mo man naririnig pero sa tuweng kasama kita at tinatawag sa pangalan mo ang binibigkas naman ng isip ko ay ang salitang 'LOVE' na gusto kong itawag sayo balang araw. Sana ang araw na'yon ay ngayun na ito.

Save The Memories ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon