Chapter 21
NAGISING ako sa sobrang lakas ng sigawan sa aking paligid. Napapikit parin ako nang maramdaman kong parang lumulutang ako.
Hanggang sa naramdaman ko na may yumakap saakin ng mahigpit. Nagmulat ako ng mata at kinusot ko ito ng makitang malabo ang mga taong nasa paligid ko. Maliban sa taong bumubuhat saakin. Si Mama ang may karga saakin.
Naririnig ko ang malalakas na sigawan nila at ang pagiyak. Takot na takot na pagiyak.
Tingnan ko ang mga taong may hawak ma patalim. Pero na papikit ako ng maging malabo sila sa paningin ko dahilan para hindi ko sila mamukhaan.
Tatlong tao sila na parehong may mga hawak na patalim. Ang isang tao ay ang nangunguna sa pagsaksak sa baboy. Sinaksak nito ang leeg ng baboy dahilan para magsitalsikan ang mainit nitong dugo sa aking mukha at katawan. Kahit si Mama ay natalsikan pa.
Nakita kong tumayo pa ang kawawang baboy at parang umungol dahil sa sakit. Ngunit ang pinagtataka ko ay bakit nagsalita ang isang baboy ng "tama na..." nahihipang pagmmakaawa ng baboy. Hanggang sa bumagsak muli ito sa higaan at doon na nawalan ng buhay.
Gulat ako at hindi makapaniwalang naluha ako at naawa sa pinagtutulungang baboy.
Pinutol nilang tatlo ang kamay, paa at ang ulo ng baboy. Grabe wala silang awa!
Hindi pa sila nakuntento pati ang tiyan nito ay kanila 'ring pinutol! Nagkalat ang katawan ng kawawang baboy na walang kalaban-laban.
BINABASA MO ANG
Save The Memories ( COMPLETED )
Romansa"Save the Memories" ay isang kwento na puno ng emosyon at pag-ibig. Ito ay tungkol sa isang dalawang taong nagtatagpo muli matapos ang matagal na panahon. Sa kabila ng mga pagbabago at mga pangyayari sa kanilang buhay, ang kanilang mga alaala at mga...