Chapter 9
KANINA pa ako walang imik at nakatulala lang. Simula ng magsalita sila Adrian at Leomar ng ganun ay parang naputol na ang dila ko. Ang tahimik ko na hanggang sa dumating kami rito sa hotel room namin.
Bumuntong hininga ako na tumagilid sa pagkakahiga dito sa pang tatlo kataong kama. Pero gaya nga ng sinabi ni Adrian, dalawa lang kami ni Sol ang tatao dito. Kaya ang sarap sana sa pakiramdam na hindi namin kasama sa kwarto ang mga garapata. Baka bigla kaming katihin e, galisin pa kaming dalawa ni Sol.
Pero alam kong nasa kabilang kwarto lang 'rin sila. Kaya nakakinis parin.
Gustuhin ko mang ikutin ang loob ng kwarto namin kaya lang hindi ko pa magawa ngayun. Para akong lantang gulay na hindi na ulit nadiligan. Lupaypay akong nakahiga sa kama. Samantalang si Sol, busy kakakuha ng picture. Sa veranda at ang loob ng kwarto namin. Tuwang-tuwa siya at talagang nai-enjoy niya na ang mamahaling hotel ng Subic. Pero ako heto, iniisip ko kung kanino nga ba tumitibok na parang baliw ang puso ko?
Kanina pa kasi ito na hanggang ngayun ay nababaliw parin.
Hindi ko na tuloy maintidihan at makilala ang sariling damdamin ko dahil parang nalilito ito, kung kanino siya titibok ng malakas!
Kay Adrian ba o kay Leomar na siyang original niyang tinitibok noon pa?!
Kailangan ko alamin ang takbo ng puso ko. Baka hindi ko alam na naliligaw na pala ito! Pero ngayun hahayaan ko munang i-enjoy siguro ang sarili ko tatlong araw lang kami rito. Minsan lang ang pagkakataon na nandito kami sa lunsod kaya susulitin ko muna.
Itataboy ko nalang muna ang kinababaliwan ng puso ko at kinagugulo ng isip ko. Sana nga...
Napabalikwas ako ng pag-upo sa kama ko ng bigla nalang may kumatok sa labas ng pintuan namin.
Halos mahulog pa ako kamamadaling buksan. Baka ito na 'yung pagkain na pinahatid ko nalang sa room service. Kasi wala pa akong mukha na ihaharap sa dalawa lalo pa't mukhang galit sila saakin. Nagsisisi na nga ako, eh!
Pagdating na pagdating kasi kanina ay inakyat lang nila ang mga dalang maleta bago nagsibabaan sa food area. Sakto naman 'daw may buffet kaya marami silang nakain sabi ni Sol.
Magdadala nga sana siya ng pagkain ko, pero pinigilan naman 'daw siya ni Adrian. Kaya walang nagawa si Sol.
Siguro naasar parin si Adrian saakin? Kaya pinababayaan niya ako.
Naglalakad na ako patungo sa pintuan. Wala si Sol, dahil naroon sa banyo mukhang naghahanda na para mamaya sa paglalakad-lakad namin. Hapon na kasi kami nakarating dito sa Subic, kaya naman 'yung iba mga tulog pa. Siguro tulog din 'yong mga boys.
"Ako nalang po kuya-" nalaglag ang panga ko at napatigil sa gulat ng lalakeng bagong ligong bumungad saakin, ng buksan ko ang pinto. Parang pamilyar ang amoy niya?
Napalunok ako dahil sa basa niyang buhok ay dumaloy ang butil ng tubig sa kaniyang leeg. Hindi ba siya marunong magpunas? Bakit basa masyado ang buhok niya?!
"Bakit hindi ka sumabay saamin kumain kanina?" Malamig na tanong ni Adrian sa'kin.Umiwas ako ng tingin at napaatras ng walang pasabing pumasok siya sa loob ng kwarto namin.
"Nasaan si Sol?" Nilapag niya sa maliit na mesa ang dala niyang pagkain ko. Tiningnan ko ang banyo namin. Napatigin si Adrian doon at tumikhim siya at sinuklay ang basa niya pang buhok gamit ang kamay niya.
"Ubusin mo 'yang dinala ko. Kinancel ko 'yung order mong pagkain sa room service dahil hindi naman 'yon nakakabusog." Hindi ko alam kong galit parin siya saakin kasi bakit concern parin naman siya? Hay, ewan!
BINABASA MO ANG
Save The Memories ( COMPLETED )
Romance"Save the Memories" ay isang kwento na puno ng emosyon at pag-ibig. Ito ay tungkol sa isang dalawang taong nagtatagpo muli matapos ang matagal na panahon. Sa kabila ng mga pagbabago at mga pangyayari sa kanilang buhay, ang kanilang mga alaala at mga...