CHAPTER 6

5 2 0
                                    

CHAPTER 6

MATAPOS naming magmadaling pumunta dito si aking kwarto para hindi makita ni Lola ang sugat ko, ay umalis muna sandali si Adrian para kuhanin ang first aid kit.

Nakaupo ako sa gilid ng kama ko at hinihintay na dumating siya. Mabuti nalang at hindi naman siya nagtagal. Napalingon ako sa bumukas na pintuan at pumasok nga siya doon.

Binigyan niya lang ako ng saglit na tingin at nagmadaling lumapit sa harap ko.

Hinila niya ang upuan ko doon sa aking study table at dina sa harapan ko, saka siya bumuntong-hiningang umupo s'ya do'n.

"Akin na ang buhok mo, itatali ko muna." Umabante ako palapit sakaniya ng kaunti, siya naman ay sinakop ang buhok ko saka niya 'yon tinali.

"Masakit ba 'yan, Adrian?" Kinakabahan na tanong ko. Umirap siya sa kawalan at saka binuksan ang kinuha n'yang betadine.

"Hindi 'to masakit kaya 'wag malikot." Ngumuso ako at tiningnan ang ginagawa niya. Napalabi siya sa kaniyang ibabang labi kaya napalunok ako. Ewan, bakit naisisingit ko pa 'to?!

"Lapit ka pa kaunti." Utos niya at nakahanda na ang hawak n'yang bulak na may patak ng gamot.

"Ahh! Ang hapdi...!" Daing ko at lumalayo pa sakaniya. Kaya naman hinihila niya ulit ako palapit naman sakaniya.

"Hindi ko panga nilalagyan!" Reklamo niya dahil nag hi-histerical na agad ako. Kinakabahan kasi ako baka masakit at mahapdi!

Maya-maya lang ay naramdaman ko ng idinampi n'ya na nga ang bulak sa pisngi ko.

"Ahh! Dahan-dahan lang Adrian, ang sakit talaga!" Bulyaw na daing ko. Napakagat siya ng kaniyang ibabang labi at medyo nag-alala sa'kin.

"Anong gagawin ko?!" Nag-alala n'ya ng tanong.

"Hipan mo! Hipan mo!" Utos ko na s'ya naman n'yang ginawa. Hinipan niya at halos dumampi na ang labi niya sa pisngi ko.

Ilang minuto lang ay nawala na ang kaunting hapdi. Oo, kaunti lang O.A lang talaga ako. Nahiya na akong bawiin sakaniya na hindi naman ganun pala kasakit, kaya hinayaan ko na.

Inabot niya ang band-aid at tinanggal ang mga papel no'n saka maingat na nilagay sa pisngi ko.

Ilang sandali lang binitiwan niya na ako. Agad naman siyang lumayo saakin na parang may nakakahawa akong sakit. Sinundan ko lang siya ng tingin habang inaayos ang buhok ko, pero siya ay umiiwas na tingnan ako.

Nakita ko ng nililigpit na niya ang ginamit sa paggamot at saka binitbit n'ya.

"Sabay tayo mag toothbrush, ah." Paalala ko dahil lagi naman namin 'yun ginagawa. Ang sabay mag sepilyo kapag nandito siya sa bahay at walang lakad. Tumango siya saakin at humarap na. Mabuti naman iisipin ko nang iniiwasan n'ya ako, eh.

"Ikaw..." tinuro niya ako ng daliri n'ya at ginalaw-galaw n'ya na parang pinagagalitan ako. Umirap ako dahil mukhang makakatanggap 'rin ako ng sermon kaniya.

"Sasusunod, ah. 'Wag mo nang papatulan ang mga ganung tao. Nasaktan ka pa tuloy." Sermon niya nga saakin. Sinamaan ko siya ng tingin at napakamot sa ulo nang pinanglakihan niya ako ng kaniyang mata. Sabi ko nga, hindi na.

"Tulad ka 'rin ni Leomar, sinesermonan ako." Pabulong kong imik ngunit narinig niya parin. Lumapit siya saakin at tumabi ng upo sa gilid ng kama ko.

"Hindi. Sinasabi ko lang sayo na pareho naman kayong may mali, kung tutoosin. Pero nakagagalit lang 'yung ginawa nila sayo. Sinaktan ka nila." Paliwanag niya. Sinulyapan niya saglit 'yong may band-aid kong pisngi.

"Sila ang na una at hindi ako, maayos nga akong naglalakad ng bigla nila akong harangin. Diba, ang sama nila kulang sa pagmamahal!" Gigil kong sabi dahil naiinis na naman ako dahil sa pag-alala pa sa mga nangyari kanina.

Save The Memories ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon