CHAPTER 19

2 0 0
                                    

Chapter 19

HABANG nakayuko ako sa gilid ng kama niya at hawak-hawak ang kamay niya, ay nararamdaman ko ang paggalaw niya.

Naapangat ako ng ulo ng maramdam kong parang may humaplos sa buhok ko. Pero nang makita ko siya ay tumalikod lang agad saakin habang nakapikit ang kaniyang mata.

"Gising kana ba?" Tanong ko at agad na kinapa ang noo niya, tapos kinapa ko 'rin ang noo ko saka binalik ulit sa noo niya. Pero mabilis niyang tinanggal ito at tinapon. Umirap ako sa kawalan.

"Buong araw ka natulog. Okay na ba ang pakiramdam mo?" Huminga ako ng malalim na tanong ko. Napakusot ako sa mata ko ng mapatingin ako sa bintana. Madilim na pala.

"I'm fine now, umalis kana. Doon ka matulog sa kwarto." Galit parin siya at nahihimigan ko 'yon. Pero hindi ko puwede sabayan ang galit niya. Hindi kami magkakausap ng maayos kong magagalit 'rin ako sakaniya.

Tumayo ako at binuksan abg katabing ilaw niya sa maliit na mesa.

Umupo na ako sa gilid ng kama niya at nahihiyang tiningnan siya nagtama ang mga mata namin. Sabay namin kaming umiwas.

"Alam kong galit ka saakin. Pero mali 'yung nakita mo nong gabing 'yun. Hindi ko gusto 'yun, Adrian. Bigla nalang akong hinalikan ni Leomar at nagulat 'rin ako. Nagsasabi ako ng totoo, Adrian." Umpisang paliwanag ko. Dahan-dahan siyang umupo mula sa pagakakahiga. Inalalayan ko pa siya pero ayaw niya talaga.

"Umalis kana. I want to get some rest." Balewala niyang sabi sa paliwanag ko. Alam kong galit at nagtatampo pa siya saakin dahil ginagamit niya ang salitang English. Ganito si Adrian kapag galit, nagsasalita ng english.

Ngumuso ako sakaniya at umurong pa lalo sa gitna ng kama niya. Hindi ako aalis bahala siya diyan.

Tingnan niya ako na parang nagtatanong kung ano ba ang ginagawa ko dahil pinapaalis niya nga ako. Pero umusog pa ako sa gitna ng kama niya.

"Ray, alis na. Kapag na nakikita kita, naiinis lang ako." Taboy niya saakin at bahagyang tinulak ako gamit ang paa niya. Mahina lang naman ito tamang nagalaw lang ako pero hindi niya ako nai-urong.

Naluluha na ako ngayun at ang bigat na ng paghinga ko. Ganito niya ba ako bawian? 'Yung ipagtabuyan niya ako dahil ayaw niya akong makita?

"Naiinis ka at galit parin saakin?" Nangingilid na ang luha sa mata ko.

Umiwas siya ng tingin saakin at lumunok. Inayos niya ang kumot niya.

"Oo. Naiinis ako." Sagot niya. Hindi ko inaalis ang naiiyak kong mata sakaniya. Nilingon niya ako pero umirap lang siya saakin. Parang bata!

Pero hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng luha ko at nagtuloy-tuloy na iyon. Huminga siya ng malalim at kinunot ang noo tapos nahihirapang tingnan muli ako.

"Kasi naman, kaya nga kita sinundo ng gabing 'yon dahil alam kong bored ka do'n. Hindi naman kasi mahilig sa party. Nag-alala pa ako sayo dahil mahirap ang sakayan ng pinag-envuehan ng party niyo. Tapos gusto ko 'rin mag-sorry na sayo para magkabati na tayo. Pero pagbaba ko sa sasakyan ko...iba naman pala ang madadanat at makikita ko." Lumunok muna siya bago nagtuloy sa pagsasalita. Nakikinig lang ako ng mabuti sakaniya. "Hindi naman pala bored, eh. Dahil may kahalikan ka—tapos nasira pa 'yung kotse ko pumutok 'yung gulong!" Paglalabas ng sama ng loob niya. Napahilamos saiya sakaniyang palad.

"Adrian..." tangin na sabi ko lang ngayun dahil umiiyak parin ako.

"Nakakasawa na ang mga ginagawa mo saakin, Ray." Reklamo niya habang hindi na ako tiningnan. Nakatagilid ang ulo niya para hindi ako makita. Ako naman ay napayuko nalang habang lumakas ang pagyug-yog ng balikat ko. Ngayun ko lang naisip na grabeng sakit na pala ang nagagawa ko sakaniya. Pasakit nalang pala ako sakaniya.

Save The Memories ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon