CHAPTER 4
FRIDAY palang ngayun at gusto ko nang hatakin pabilis ang oras para maging sabado na nang gabi. Hindi na kasi ako makapaghintay na makita 'yung tickets namin ni Adrian!
"Uy,bakit nakangiti ka mag-isa diyan?" Siniko ako ni Sol sa tagiliran ko at maluko niya akong tiningnan. Pero dahil good mood ako ngayun ay hahayaan ko siya. Nagtuloy lang ako sa paglalakad kasabay niya. Sumabay kasi siya saakin kanina papunta ng school akala niya kasama ko si Adrian, pero nalungkot siya ng makitang hindi.
May practice 'raw kasi sila ngayun ng basketball sa school niya kaya hindi niya ako naihatid, maaga kasi ang umpisa ng laro nila.
"Manunuod kasi kami ng sine ni Adrian sa linggo." Masayang pagsabi ko. Alam kong magsiselos siya kaya nga sinabi ko,eh para asarin siya!
"Ano?!" Mabilis akong napaharap sakaniya ng bigla niya nalang akong hilain sa braso ko para magkarap kaming dalawa!
"Ang sakit, ah!" Reklamo ko. Pero natawa ako sakaniya dahil sa gulat niyang mukha na pinaghalong selos ang hitsura niya. Ang sarap niyang asarin nakaganti 'rin ako!
"Sorry na, Ray." Nagtuloy na ulit kami sa paglalakad. Okay lang naman hindi naman masyadong masakit kaya kumapit ako sa kamay niya habang plano ko pa siyang pagsiselosin!
"Bakit kayo lang? Kaya ko naman bumili ng sarili kung ticket basta sama niyo 'ko!" Pagpupumilit niya pa habang mabibigat na ang paa niya dahil kanina ko pa siya ginagalit! Kawawa.
"Kahit na gusto kitang isama hindi puwede!"
"Bakit?" Malungkot na siya. Crush na crush niya talaga si kumag! Sabagay kahit sino naman,eh...maliban lang saakin.
"Kasi wala kanang mabibiling ticket dito sa probensiya, kung gusto mo talaga manuod punta kang Manila." Naalala ko 'yung sinabi ng casher saakin.
"Ang layo! Bakit kayo nakabili?" Kahit na selos na selos na siya ay kasabay ko parin siya sa paglalakad dito sa corridor ng school namin. Napangiti ako ng bigla ko maalala ang ginawa ni Adrian, para makabili lang ng tickets. Ang galing niya do'n!
"Gumamit ng magic si Adrian, kaya nakabili kami kahit sa Manila pa manggaling ang tickets namin." Sinabi saakin ni Adrian, na galing Manila pa iyon pero puwedeng gamitin dito sa Tacloban ang tickets dahil isinama ang tickets namin sa mga bintang tickets dito sa Tacloban.
"Wow! Talaga? Ang swerte mo talaga sa kaniya, alam mo kahit magkaibigan tayo hindi niya parin ako close tulad niyo." Nagseselos na naman siya. Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Huminto kami sa paglalakad at hinarap siya saka ngumiti ako sakaniya.
"Alam mo Sol, kung anomang mayron kami ni Adrian ay magkaibigan lang talaga kami. Hindi ko siya crush at hindi niya ako gusto. Alam mo naman diba kung sino ang nilalaman ng puso ko? Kaya 'wag kanang mainggit diyan!" Paliwanag ko sakaniya at 'yun ang totoo. Wala naman kasi talaga kaming feelings saisat-isa. Sobrang close lang namin dahil na sa iisang bahay lang kami nakatira ni Adrian at lagi kami ang magkasama. Pero si Leomar parin talaga ang gusto ko.
"Alam ko. Salamat." Ngumiti na'rin siya kaya napanatag na ako. Si Marisol ang babaeng bff ko dito sa school at sa labas pa rin ng school. Kaya lang lagi si Adrian, ang kasama ko dahil saiisang bahay lang kami nakatira at kaibigan ko 'rin siya na laging nagpepresintang ihatid ako dito sa school, araw-araw.
Minsan nga sinabi kong kaya ko naman. Kaso lang makulit talaga ang lalaking 'yun, kaya hindi ko na pinilit ang sarili ko. Hinayaan ko nalang siya sa gusto niya, nakaiwas 'rin ako sa pagod at pamasahe.
"Teka, bakit si Adrian ang niyaya mong manuod? Bakit hindi nalang 'yung crush mo, si Leomar?" Maaga pa kaya kahit mabagal ang paglalakad namin aabot parin kami sa oras. Hinawakan niya na ulit ang braso ko at sabay na naglakad.
BINABASA MO ANG
Save The Memories ( COMPLETED )
Romance"Save the Memories" ay isang kwento na puno ng emosyon at pag-ibig. Ito ay tungkol sa isang dalawang taong nagtatagpo muli matapos ang matagal na panahon. Sa kabila ng mga pagbabago at mga pangyayari sa kanilang buhay, ang kanilang mga alaala at mga...