CHAPTER 18

2 0 0
                                    

Chapter 18

ISANG kambal na malakas ang binigay kong sampal kay Leomar! Ang kapal ng mukha niya para sirain ang lahat!

"R-Ray-"

"Don't you dare to touch me again, Leomar. Hindi lang sampal ang magagawa ko sayo!" Nagngi-ngit-ngit ang galit ko sakaniya. Umiinit ang dugo ko at lahat napunta sa ulo ko!

"I like you, Ray. I like you!" Pilit niya habang hindi nagpatinag na lumapit parin saakin para mag-makaawa. Galit na galit ko siyang tiningnan at hindi ko alam kung bakit parang nang diri ako sakaniya.

"Gusto mo ako, kaya hahalikan mo nalang ako basta-basta without my permission?!"galit na sigaw ko at halos duruhin ko siya. Kahit na alam kong hahalikan niya ako ay hindi ako papayag! Wala na akong kahit na kaunting pagtingin sakaniya. Kaibigan nalang talaga! Pero dahil sa ginawa niya ay pati ang pagkakaibigan namin ay sinira niya na!

"Patawarin mo ako, Ray. Nasasaktan lang ako kasi bakit ang bilis mawala ng pagkagusto mo saakin? Tapos sasabihin mo kanina na mahal mo si Adrian?! Bakit siya?! Bakit siya, Ray?! Bakit hindi nalang ako?" Humina ang boses niya at kita ko ang pagyugyog ng kaniyang balikat. Umatras parin ako para hindi kami magkalapit.

Hindi ako makapaniwala sakaniya. Hindi ko inaasahan na dadating kami sa puntong ganito! Masakit saakin na mag-away-away kami dahil hindi naman kami ganito noon. Dapat ko bang sisihin ang sarili ko dahil nagkagusto ako sa iba imbes na kay Leomar?!

O, dapat kong sisihin ang sarili ko dahil nagkagusto ako sa kanilang dalawa na mga kaibigan ko?

Hindi ko naman siguro masisisi ang sarili ko, diba? Nasaktan niya 'rin ako noon at siguro dahil don kusang na wala ang pagtingin ko sakaniya. At tulad nang sinabi niya kanina doon ko na diskubre ang pagtingin ko kay Adrian. Hindi ko na talaga alam. Naguguluhan ako!

Basta ang nasaisip ko lang ngayun ay ang makauwe na agad para makausap ko si Adrian. Kailangan kong magpaliwanag, baka kung ano ang isipin niya! No...

"Ako nalang mahalin mo ulit, Ray. Ibalik mo 'yung pagtingin mo saakin. Nakikiusap ako..." umiiyak na pakiusap niya. Dahan-dahan ang lakad niya papalapit nanaman saakin at parang nawawalan na siya ng balanse.

Umiling ako at pimikit. Hindi madali ang gusto niya. Hindi ko naman mapipilit ang puso ko na gustuhin pa siya. Lalo na ngayun na binahiran na niya ng mga sugat at pasa. Nasasaktan ako ngayun at nasaktan ko si Adrian! Hindi ko alam ang gagawin ko!

"Kailangan ko nang umuwe." Sabi ko at hinilamos ko ang kamay ko at nagpalipat-lipat ng tingin sa kalsada kung may dumadaan bang mga sasakyan na puwede kong masakyan. Kahit taxi sana. Kailangan kong makausap na ngayun si Adrian. Nag-aalala ako sakaniya!

"Ray, dito kalang muna. Sige na... mahalin mo nalang ulit ako...hmm?" Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil niya iyon. Pero sa subrang galit ko sakaniya ay tinulak ko siya ng malakas.

Dala ng kalasingan niya at parang nanghihina na siya kakaiyak ay natumba siya. Yumuko siya at tanging iyak niya ang naririnig ko habang nakaupo siya sa simento.

"Tandaan mo 'to, Leomar. Kahit kailan hindi kita minahal. Aaminin kong nagustuhan kita—pero noon 'yon at hindi na ngayun. Si Adrian lang ang minahal ko. Magkaiba ang gusto sa mahal. Tandaan mo 'yan!" Dinuro ko siya at gusto ko ulit siya sampalin dahil nanunuot ang sakit sa dibdib ko ang disappointed na mukha ni Adrian  kanina ang nakikita ko. Ang paninigas ng katawan niya at ang sakit na nararamdaman niya kanina ay parang sinasakal ako at naiinis ako sasarili ko.

Bakit kasi nawalan pa ako ng lakas kanina para itulak agad si Leomar?! Sana hindi niya kami nakita ng ganun. Baka isipin niya na gusto ko ang nangyari kanina! Alam kong ganun na naman ang iisipin niya!

Save The Memories ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon