CHAPTER 3

9 2 0
                                    

CHAPTER 3

"Anong sabi mo?" Tanong niya. Bumalik ang wisyo ko mula sa pagkakatitig sa labi niya. Inisip kong ano nga ba ang tinatanong niya?

"Huh? May sinabi ba ako?" Napamaang ang labi niya at lumayo kaunti saakin, kaya kita na namin ang isat-isa ngayun, tapos na'rin niya natali ang buhok ko. Hinimas niya naman ang mapula niyang labi habang may sinusupil na ngiti pero pinipigilan niya. Ano ba ginagawa niya? Naguguluhan ako pero napapalunok naman ako sa kaba.

"May sinabi ka, pero mukhang hindi mo 'yon inasahan na maririnig ko." Ngingiti niyang sabi. Kinabahan ako. Teka, ano ba sinabi ko na posible niyang marinig? Wala naman e, alam ko ay saisip ko lang ako nagsalita. 'Yung ang sarap ng labi niya. Saisip ko lang 'yun, eh.

"W-wala naman ako sinabi." Pilit ko pa, pero bakit kusang nag-iinit ang pisngi ko?! Talaga bang saisip ko lang 'yun na sabi o nabigkas ko at narinig niya? Hindi. Overthinking na naman ako!

Tumawa siya dahil naguguluhan ako. Nakaramdam ako ng hiya kaya tumayo nalang ako at umikot papuntang hawakan ng pushcart saka tinulak kong mag-isa.

"H'wag kang mag-alala, Ray! Hindi ko narinig 'yung akala mong inisip mo lang!" Sigaw niya habang natatawa parin. Shit! Talagang nasabi ko pala at hindi lang sa isip ko. Nakakahiya ako. Nakakahiya!

Hindi ko siya nilingon at nagdire-diretso lang akong naglakad palayo sakaniya natatakot na baka habulin niya pa ako at asarin lalo. Mukha akong manyak sa sinabi kong 'yon!


"ANO ang bibilhin mo rito?" Nakapamulsang tanong ni Adrian, habang na salikod ko siya. Narito kami ngayun sa National bookstore dito sa Tacloban, para kuhanin ang i-norder kong book.

Galing pa kasi ang libro sa Manila, at bagong stock lang itong dumating sakanila ngayun, kaya mabilis agad akong pumunta dito. Kasama ko si Adrian, kanina dahil pauwe na kami nang tumawag ang employee ng store na'to.  Kaya nandito kami ngayun.

"Kukuhanin ko lang 'yung binili kong libro sa online." Nasaloob na kami. Dumiretso agad ako sa counter para hingin ang libro. Nagikot-ikot naman si Adrian, habang hinihintay akong matapos.

"Ano nga po ulit ang pangalan niyo, maam?" Mahinanong tanong saakin ng babaeng casher.

"Raylene De Guzman, po." Magalang na sagot ko sa babae kahit na mukhang magkasing-edaran lang kami.

Liningon ko ang kinaroroonan ni Adrian kung saan siya kanina, pero hindi ko siya makita ngayun. Saan kaya nagpunta ang kumag na 'yon? Baka nagtingin-tingin lang 'din ng mga babasahin. Sarcastic akong natawa ng maisip na hindi naman nagbabasa ng kahit anong libro ang lalaking 'yon. Mamaya ko nalang siya hahanapin.

Binalik ko ulit ang tingin sa babeng casher, kasi ang tagal niya naman 'yata hanapin? Napatig ako at kumunot ang noo ko ng makita siyang may tiniti-tigan mula sa malayo. Sino?

"Miss?" Pukaw ko pero hindi manlang ako pinansin. Mangha lang siyang nakatitig sa aking gilid. Sinundan ko ng tingin ang babae dahil na curious ako.

Mula sa amin ay mga tatlong metro ang layo ni Adrian saakin na tahimik lang nagbubuklat ng mga librong nakikita niya. Naisip ko agad.

Hindi kaya....? Tumingin ulit ako kay ate, at nakatulala parin siya. Tulalang nakangiti. Guwapung-guwapo?! Umirap ako at tumikhim para magising siya sa katutohanan na may taong naghihintay dito.

Puwede niya naman mamaya titigan si Kumag, eh, basta bigay niya muna 'yung order ko! Kakainis,dapat pala hindi ko nalang sinama si Adrian. Nakakadistract siya sa mga babaeng busy!

"Ah, miss. 'Yung libro ko?" Hindi ko gustong istorbohin siya sa iniisip niya ngayun, pero ang tagal kong inantay ang libro na 'yun dahil isa 'yon sa favorite kong book dahil isang magaling na Author ang nagsulat no'n. Unahin niya muna ako!

Save The Memories ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon