Chapter 10
NILILIPAD ng hangin ang buhok ko habang narito sa veranda ng kwarto namin. Malalim ang iniisip dahil sa tuluyan na nga akong nahulog sa bestfriend ko.
Kakayanin ko ba ang sakit kapag nalaman ni Adrian na gusto ko siya?
Sure akong lalayuan niya ako pagnalaman niya. Iniisip ko palang mangyayari ay natatakot na ako. Pinangungunahan na agad ako ng kaba at lungkot.
Kasi ang akala ko talaga kaya kong panghawakan na hanggang magkaibigan lang kami. Pero una akong sumuko. Nauna akong bumigay at nahulog kay Adrian na hindi ko namamalayan.
Siguro, ang magagawa ko nalang ngayun ay hindi ipahalata kay Adrian na may pagtingin ako sakaniya. Para walang may mailang at walang iiwas saaming dalawa.
Gusto ko parin maglambing sakaniya pagtrip kong mang asar. Gusto ko siyang yakapin na hindi na iilang.
Gusto ko siya ikiss sa pisngi pag inutusan niya akong ikiss siya. Pero paano ko magagawa lahat nangyun na hindi na mumula ang aking mukha? Paano ko magagawa ng maayos lahat ng 'yon ngayun kung kahit ang kaniyang presensiya palang ay nababaliw na agad ang puso ko?!
Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko! Nakakabaliw pala talaga ang umibig.
Pinagtataka ko lang, nag kacrush 'rin naman ako kay Leomar, pero bakit hindi ko naramdaman ang ibang mga nararamdam ko para ngayun kay Adrian?
Kay Leomar, masaya lang ako pagnasatabi ko siya. Kinikilig ako dahil crush ko siya. Ngumingiti ako kapag nakangiti 'rin siya kahit hindi ako ang ngi-ningitian niya. Pag nagu-usap kami ng matagal ay nakakatulog parin naman ako sa gabi ng maayos at hindi masyado nahihibang ang puso ko.
Walang nagwawalang bulate sa tiyan ko kapag kasama o nakikita ko si Leomar. Pero bakit kay Adrian na halos kanina ko lang naconfirm na may pagtingin ako sakaniya ay laging malakas ang kaba ng puso ko!
Wala siya sa harapan ko nasa malayo palang siya pero nagwawala na agad ang puso ko. Naghaharutan naman agad ang mga bulate sa tiyan ko kapag naririnig ko ang tinig ni Adrian. Dati rati hindi naman ako ganito noon.
Siguro nga, habang palagi kami ang magkasama ni Adrian ay unti-unti na pala nahuhulog ang damdamin ko sakaniya ng hindi ko napapansin. Tapos ngayun lang lumabas ang tunay kong nararamdaman ng may umepal na babae sakaniya.
Siguro matagal na akong may pagtingin kay Adrian? Niluluko ko lang talaga ang sarili ko noon pa na hanggang bestie lang kami. Pero ang totoo...na fall na pala ako.
Matapos ko magpakawala ng mabibigat na buntong hininga ay na pagpasyahan ko nang matulog na. Hating gabi na at ako nalang yata ang gising. Tulog na si Sol, kanina pa. Pinaghahandaan niya ang pagswimming bukas.
MAAGA palang ay nauna akong nagising kay Sol, kaya naman lumabas mo na ako ng hotel para mag lakad-lakad na mag-isa. Maganda ang araw na papasikat na.
Nagsuot lang ako ng short at white plain t-shirt. Hinayaan ko ang buhok kong walang tali. Masarap mag muni-muni ng walang magulong kasama.
Alam niyo si Adrian, masungit talaga siya o suplado sabihin natin. May karapatan naman kasi siyang magsuplado dahil pinagpala siya sa katawan lupa niya.
Ngayun ko lang naiisip habang tahimik na binabaybay 'yun tabing dagat. Na masarap naman pala siyang mahalin. Oo, narito na agad ako sa stage na 'to. Mahal ko na agad siya kahit hindi niya alam. Ang bilis, diba? Hindi ko 'rin kasi alam kong bakit.
Basta ang alam ko lang ngayun. Masarap ngang mahalin 'yung lalakeng palangiti. Pero mas masarap naman mahalin 'yung lalaking suplado, pero ako lang nakakapagpa-ngiti.
BINABASA MO ANG
Save The Memories ( COMPLETED )
Romance"Save the Memories" ay isang kwento na puno ng emosyon at pag-ibig. Ito ay tungkol sa isang dalawang taong nagtatagpo muli matapos ang matagal na panahon. Sa kabila ng mga pagbabago at mga pangyayari sa kanilang buhay, ang kanilang mga alaala at mga...