CHAPTER 15

4 1 0
                                    

Chapter 15

NANGINGILID ang luha ko matapos kong masaksihan ang pag-iyak ni Leomar ngayun sa puntod ng mommy niya.

Ang bigat sa puso ko na makitang umiyak ng ganito kalungkot ang unang lalakeng inibig ko. May pinagsamahan kami at tuloy parin naman 'yon hanggang ngayun. Kahit pa may tampo parin ako sakaniya.

"Leomar, tama na." Pagpapatahan ko at tinapik-tapik pa ang likod niya. Basang-basa na ang panyo niya dahil sa luha niya. Pati ako naiiyak na'rin ngayun.

Mga 30 minutes na kami dito simula nang dumating kami. Bumili ng dalawang bulalak na nasa basket si Leomar. Hindi 'raw nakasama ang kapatid niya dahil hindi nakauwe galing sa outing nito.

Naiintindihan ko ang nararamdam ni Leomar ngayun. Dahil naranasan ko ang masaktan at umiyak ng ganito. Pero hindi sa puntod ng Papa ko. Wala siyang puntod. Hanggang ngayun kasi hindi naman alam kong saan ba nilibing ang bangkay ng papa ko ng mga taong pumatay dito.

Noon ay umiyak ako ng umiyak ng malaman kong hindi parin nahahanap ang bakay ng Papa ko. Sabi naman ni Mama ay hindi siya tumitigil ipahanap 'yon. Pero nakalipas na ang 10 years ay wala paring balita. Hanggang ngayun ay hinahagilap parin namin ito.

Huminga ako ng malalim dahil naninikip nanaman ang puso ko. Kapag nalaman ko lang talaga kung sino ang pumatay sa papa ko, sisiguraduhin kong kahit sa kabipang buhay ay hindi ko siya mapapatawad!

"Mommy, naalala mo ang kinuwento ko po sayo nitong mga nakaraang buwan?" Sumisinghot na pagkausap ni Leomar sa puntod ng ina niya.

"Diba po ang sabi ko sayo dadalhin ko ang babaeng mahal ko?" Katabi niya lang ako kaya mabilis niya akong nalingon. Ngumiti lang ako sakaniya para pagaanin siya.

"Isasama ko nalang po ulit siya kapag nakapagtapat na ako sakaniya. Pangako po Mommy, babalik ako na kasama siya bilang girlfriend ko." Pursigudong pangako niya. Napalunok ako dahil hindi ko siya maintidihan. Pero binalewala ko nalang ito. Baka mangliligaw na siya kay Andrea. Sure naman akong sasagutin agad siya nito ng hindi nagdadalawang isip. Kaya no worries.

"Namimiss na po kita My..." umiiyak niya nanaman siya. Hinaplos ko ulit ang likod niya at para mapagaan ang loob niya at maramdam niyang may karamay siya ay nilagay ko ang aking baba sa kaniyang balikat. Dinadaluhan ang pagluluksa niya.

"Shhh...tahan na Leomar, nasa mabuting kalagayan na ngayun si tita. Sure akong masayang-masaya ngayun at proud sayo. Malapit kanang grumaduet. Diba 'yun ang gusto niya na gawin mo?" Bago 'raw nalagutan ng hininga ang mommy niya sa hospital habang nakikipaglaban sa bingit ng kamatayan dahil sa malalang sakit ay ito 'raw ang binilin sakaniya at ang alagaan ang kaniyang kapatid na babae.

Natutuwa naman ako dahil tinutupad 'yon ni Leomar. Kahit na bulakbol itong lalakeng 'to matataas naman lagi ang grades niya. Kaya sure akong subrang proud ngayun ang mommy niya. Sana si Papa 'rin ay proud saakin. Malapit na'rin ako grumaduet.

"Salamat, Ray." Suminghot siya at pinunasan ang luha niya bago niya ako niyakap ng mahigpit. Niyakap ko 'rin siya at tuloy sa pagtapik sa kaniyang likod para pakalmahin na siya.

Habang yakap niya ako ay nag-alala naman akong sinilip ang relo ko at tingnan ang oras. Napalabi ako ng makitang 15 minutes nalang mag-uumpisa na ang laro nila nii Adrian. Baka hinahanap na niya ako?!

Pero, baka hindi 'rin. Dahil sure akong naroon ang babaeng mahal niya.

HINDI ako napapakali sa pagkakaupo ko dito sa kotse ni Leomar ngayun habang papunta kami sa isang restaurant. Sabi niya kasi may binayaran siyang restaurant para don ituloy ang pagluluksa sa mommy niya.

Ayoko naman siyang iwanan nalang na ganito pa kalungkot ang mukha niya. Wala nga siyang kasama kapag pumunta siya don mag-isa.

Para namang sinisindihan ng apoy ang puwet ko dahil hindi ako napapakali. Kanina pa nag start ang laro nila Adrian. Late na ako ng 25 minutes. Saglit lang ang laro diba? Paano pa ako aabot?!

Save The Memories ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon