CHAPTER 2
"SIGURADO kabang hindi ka nagkakagusto kay Adrian, Ray?" Hindi na niniwalang tanong ni Marisol saakin. Nabulunan ako sa iniinom kung tubig sa tambler ko dahil sa bigla niyang tanong. What the heck! Pati ang bff ko ay iyon 'din ba ang iniisip, na possible magkagusto ako sa kumag na'yun? Eeww!
"Hindi ko siya magugustuhan dahil may iba akong gusto, diba? Parang hindi kita bff, eh." Umiling nalang ako dahil mukhang nakakalimutan niya na ang pangalan ng crush ko.
"Talaga? Kasi kung ako ikaw tapos ganyan kami ka-close... nako wala pang isang araw na hulog na agad ang panty ko!" Nakapangalumbaba pa siya habang ang mata niyang kumikislap ay salikuran ko nakatingin. Natawa ako at nilingon ang kanina niya pang tinitingnan doon. Napanguso ako ng makitang nandoon pala si Adrian, sa kabilang mesa at nakikipag-usap sa mga babae. May mga lalake naman pero si Leonel, Marlon at Benjie lang ang kilala ko. Si Leonel naman ay pinsan ni Leomar.
Binalik ko nalang ang tingin ko sa ginagawa kong assignment para mamaya hindi ko na intidihin ito sa bahay. Baka biglang magaya sila Adrian na gumimik hindi na naman ako makakasama kapag may assignment pa akong gagawin. Wala 'rin naman kasi ngayun ang teacher namin sa english, kaya narito muna kasi sa tambayan ng mga estudyante. Dito kami nakaperme kapag walang pasok o breaktime namin.
"Ayaw mo ba siyang tawagin? Papuntahin mo sila dito ng mga kasama niya!" Utos niya saakin. Pumikit ako sandali dahil ang gulo niya. Nag fofocus ako dito,eh!
"Tawagin mo kung gusto mo. Kita mong maraming kausap." Napipikon na ako sakaniya dahil magulo siya. 'Wag niya akong guluhin dahil Math itong sinasagutan ko. Mahina ako dito, eh!
"Sos! Ayaw mo lang kasi wala diyan 'yung crush mo!" Nanga-asar talaga siya? Wala akong pake kung nandiyan sila kahit pa 'yung ugok na 'yon! Basta Mathematics ang assignment ko ay dito muna ako magfocus.
"Bahala ka diyan." Hindi ko na siya pinansin kahit ang dal-dal niya. Hinayaan ko nalang siya magsalita ng mag-isa dahil tatlo pa ang kailangan kong sagutan. Bakit ba kasi hindi ko makuha ang tamang sagot?! Napipikon na ako sa assignment ko at gusto ko na itong lamusakin sa gigil!
"Hindi mo makuha, no? May alam akong makaktulung sayo." Tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay, alam ko ang mga galawan niya. "Patulong ka kay Adrian, sure ako wala pang isang minuto tapos 'yang problema mo." Suggestion niya habang nagtaas baba pa ang dalawa niyang kilay. Ang galing niya...tama siya pero inuuto niya lang ako para mapapunta dito si Adrian! Palibhasa crush niya 'to.
"Tumigil ka nga! Kaya ko 'to, no. 'Wag ka kasing maingay diyan!" Nagisip na ulit ako ng sagot at nag solve-solved pa sa scratch.
"Omg! Alam ko na kung kanino ka magpaturo!" Tili niya kaya hinampas ko siya ng bullpen sa braso niya.
"Ang ingay mo naman!" Reklamo ko at hahampasin pa sana ulit, kaya lang hinawakan niya ang kamay ko.
"Si Leomar, nandiyan!" Kinikilig niyang sabi. Medyo malakas ito pero mabuti nalang hindi dinig doon sa kabilang table, hindi naman sila lumingon saamin. Ipapahamak talaga ako ng babaeng 'to! Pero saloob-loob ko ay kinabahan ako bigla! Siguro dahil nandiyan 'daw si Leomar. Sakaniya lang talaga tumitibok ang puso ko ng ganito kabilis, eh!
"Ay. Bakit may paghalik sa pisngi si Andrea kay Leomar?!" Nagulat siya kaya lumingon na ako sakanila. Nagtuwid ang nakakunot kong kilay ng makita kong nakahawak sa braso ni Leomar si Andrea. May something ba sakanila or sila na?
"Alam mo bang mag-jowa sila?" Tanong ni Sol, mabilis ang lingon ko sakaniya habang nagtatanong. Naguguluhan at kinabahan. Bakit sila na ba? Talaga? Bakit hindi ko alam?!
"Kailan pa?" Matamlay na tanong ko at pinigil ang sarili na 'wag masaktan. Mukhang naunahan ako. "Aray ko!" Sigaw ko dahil bigla niya ako hinampas sa kamay! Bakit ba?!
BINABASA MO ANG
Save The Memories ( COMPLETED )
Romance"Save the Memories" ay isang kwento na puno ng emosyon at pag-ibig. Ito ay tungkol sa isang dalawang taong nagtatagpo muli matapos ang matagal na panahon. Sa kabila ng mga pagbabago at mga pangyayari sa kanilang buhay, ang kanilang mga alaala at mga...