01

15 3 0
                                    

Eli's POV

SUMMER 2019

"Are you sure na doon ka na?" Tanong ni Pat habang abala ako sa pag-aayos ng mga damit ko.

"Sure na sure na ako" Sabi ko habang abala pa din sa pag-aayos.

"Grabe ba naman kasi yang school mo sobrang layo" Sabi nya sabay upo sa upuan malapit sa higaan ko kung saan ako nagliligpit.

"Wag ka mag-alala babalik naman ako dito kapag sem break tsaka malay mo..." Tumingin ako sa kanya.

"Malay ko ang ano?" Pagtatakang tanong nya dahil bigla lang ako huminto sa gingagawa ko.

"Malay mo pag-balik ko dito may kasama na ako" Biro ko na agad naman nyang sinakyan.

"Ahh....kala ko ba study? Bakit parang napadpad ka na sa ibang goal??" Natatawa nyang tanong.

"Gagi...bonus na 'yon..." Nahinto ako dahil nag-salita ulit sya.

"Ang alin? Study?"

"Anak ng...alam mo na yung..." Nahinto ulit ako dahil biglang pumasok si Mama.

"Ready ka na ba Eli? Ihahatid ka na ng Papa mo"

"Saglit nalang po 'to. Ito kasing si Pat aga aga chinichika ako" Biro ko.

"Well excuse me ako pa ang chikang chika ha"

"Kayo talaga, o sya, sige na Eli at baka ma-traffic pa kayo sa daan"

Nag-madali na ako at agad agad na lumabas na ng bahay.

"Mag-iingat ka ha. Wag ka magpapagutom kung ayaw mong sugurin kita doon" Biro ni Mama habang inaayos yung buhok ko.

"Yes ma" Niyakap ko na sila and sumakay na sa jeep namin.

Kumaway na lang ako sa kanilang lahat habang palayo ng palayo ang sinasakyan ko. Hindi napigilan ng luha kong tumulo dahil alam ko panibagong yugto na ng buhay ko ang kahaharapin ko.

Halos dalawang oras din ang byahe namin bago kami nakarating sa isang for rent bed space na pag mamay-ari ng kakilala ni Papa.

"Here's the key po" Abot sa akin ng isang babae.

"Thank you po" simpleng sagot ko at binitbit ko na ang mga bag at maletang dala ko.

Pag-dating ko sa harap ng pintuan ng room ko ay agad ko na itong binuksan at laking pagtataka ko sa nakita ko.

"2 beds??"

"Yes po sir 2 beds with aircon, ref, kusina and cr. Lakas diba?" Napasigaw ako kay ateng biglang nag-salita sa likod ko.

"Ay pota!" Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang gulat.

"Hay nako Sir. Mukha ba akong multo? Sa ganda kong 'to?" Sabi nya sabay turo sa mukha nya.

"Kasi naman ate, hindi ka man lang nag-paramdam sana pinagalaw mo yung baso" Biro ko.

Tinignan nya lamang ako kaya naman napakamot ako ng ulo at nag-sorry.

"Sinundan kita Sir kasi bilin na din sa akin ni Madam Gina"

"Ahm...okay. Expected ko kasing more than two yung beds sa isang room. Wala lang. Baka namangha lang ako kasi dalawa lang?"

Us Beneath The Stars (Nursing Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon