Eli's POV
Pag-uwi namin ay pinaupo ko si Luis sa upuan at agad kong kinuha yung first aid kit ko.
"Sigurado ka bang ayos ka lang ngayon?" Pag-aalalang tanong nya habang nagpi-prepare ako ng gagamitin pang-linis sa sugat nya.
Umupo ako sa tabi nya at kumuha ng bulak.
"Medyo mahapdi lang 'to pero tiisin mo muna" sabi ko.
Hinawakan ko braso nya at saka dahan-dahang nilinis ang sugat nya. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay medyo nanginginig pa ang kamay ko dahil sa nangyari at naluluha.
*Sniff*
"Hey, umiiyak ka ba?" Tanong nya sakin
"H-Hindi ah" sabi ko habang pinipigilan ang nangingilid kong luha.
Inangat nya ang ulo ko dahan-dahan para makita nya ako. Sa pagharap ko sa kanya ay hindi ko napigilang maluha dahilan kung bakit ko sya niyakap agad.
"Sorry...thank you...*sniff* kung wala ka kanina hindi ko alam baka napano na ako doon" umiiyak kong sabi.
Hinawakan nya naman ang ulo ko at pinapatahan nya ako.
"Tahan na"
"Sorry...dahil sa akin nasaktan ka pa" *sniff*
"Ayos lang masaktan ako, wag lang ikaw. Always remember that"
Dahan-dahan akong bumitaw mula sa pagkakayakap sa kanya. Pagtingin ko sa mga mata nya ay pansin ko ang nangingilid nyang luha.
Hinawakan nya ang kamay ko at tumingin sya sa mga mata ko.
"Gagawin ko ang lahat basta ligtas ka"
Mas lalo akong naiyak sa sinabi nya at niyakap nya ako.
"Tahan na" bulong neto sa akin ngunit hindi ko napigilan ang sarili kong humagulgol.
---------------------------
Pag-pasok ko kinabukasan ay agaw pansin ang pasa sa kaliwang banda ng labi ko.
"Huy? Anong nangyari sa'yo?" Pag-aalalang tanong ni Max.
"W-Wala. Wag mo nalang pansinin"
"Ayos ka lang ba?" Tanong nya ulit.
"Maayos naman ako. Salamat"
Tahimik lang ako buong araw klase. Hanggang sa makabalik ako sa tinutuluyan ko. Maaga akong nakauwi dahil sa takot dulot ng nangyari sa amin kagabi. Buti nalanh kahapon ay hindi ko bitbit yung mga libro ko kung hindu ay baka makabili na naman ako ng bago. Buti nalang din at may naitago akong pera kahit papaano sa cabinet ko.
Habang nag-aayos ako ng sarili ko ay biglang may kumatok sa pinto kaya naman binuksan ko ito.
"Uy Sean ikaw pala"
"Pwede ba ako pumasok?"
"Ah, sure. Sige"
Pianupo ko sya at kumuha ng maiinom. Sakto may juice dito sa ref.
"Nabalitaan ko yung nangyari sa inyo kagabi. Hinanap kita sa school kanina. Ayos ka lang ba?" Bakas sa mga mata nya ang pag-aalala.
"Oo ayos na ako. Don't worry"
"Nga pala, para sa'yo" binigay nya sa akin ang isang paper bag.
"Cellphone 'to ah? Naku, wag na Sean" sabi ko sabay abot ulit sa kanya
"Ano ka ba? Para sa'yo 'yan. Tanggapin mo na. Kesa wala kang gagamitin?" Inabot nya ulit sa akin ang paper bag.
"Hayy...salamat ha. Nakakahiya. Sobrang laking bagay neto"
Hinawakan nya ang kamay ko.
"Mag-iingat ka palagi. Wag kang uuwi ng ikaw lang mag-isa. You can call me anytime kapag gagabihin ka. Para naman safe ka pag-uwi"
Iba din pala 'tong si Sean kapag concern sa'yo. Ngayon alam ko na ang ibig sabihin ng sinabi nya sa akin. Na espesyal ako sa kanya. No need any confession dahil ngayon palang ramdam na ramdam ko na. May gusto ako kay Sean since day 1 pero habang mas nakikilala ko si Luis dahan-dahang naglalaho yung nararamdaman ko for him. Hindi ko din maintindihan...pero habang tumatagal mas nagiging komportable ako kay Luis. Oo sa una inaamin kong nabu-bwisit ako sa kanya dahil sobrang moody nya at cold. But, now...ibang side naman ni Luis ang nakikita ko. Tama nga si Max.
"O sya, Eli. Mauuna na ako. Pupunta ako sa school may group meeting kasi kami"
"Ganon ba? O sige, ingat ka"
Palabas na sana sya ng pinto ngunit nahinto sya dahil nag-salita ako.
"Ahm...Sean"
"Hm? Ano 'yun"
Potek, tatanungin ko ba sa kanya if nakita ba nya si Luis? Tsk. Wag na nga lang.
"W-Wala. Sige, ingat ka ha"
"Sige. See you" sabi nya sabay ngiti.
"See you" nakangiti ko ding pagkakasabi pero pag-alis nya ay nawala ng saya sa labi ko at napalitan ng pag-aalala dahil naiisip ko lang si Luis.
--------------------
Luis' POV
Nandito ako sa isang kilalang mall para sana bumili ng phone for Eli. Para may magamit sya sa studies nya at para ma-contact din sya.
"Hello, Sir. Ano pong hanap nila?"
"Hi ahmm...can i have this unit? Bibilhin ko na"
----------
Habang inaayos nya yung binili ko ay bigla nya akong kinausap.
"Para sa girlfriend mo po 'to Sir no? For sure matutuwa 'yun sa'yo"
Napangiti naman ako bigla sa sinabi nya.
"Ang cute din ng smile mo, Sir" sabi nya sabay abot sa akin ng binili ko.
"Ganon ba? Thank you. Hindi naman 'to para sa girlfriend ko" sabi ko sabay abot ng payment.
"Ay? Single ka, Sir?"
"Actually....para sa boyfriend ko"
"Omg!!!" "Shit! Kinikilig ako!" "Love wins talaga" Sabay sabay nilang reaksyon kaya naman natatawa ako.
"Ang swerte ng boyfriend mo, Sir. Here's your change po. Thank you"
"Thanks" kumaway pa ako sa kanila bago ako lumabas pero rinig ko pa din ang kinikilig na mga reaksyon nila.
-------------------
Chapter 16
BINABASA MO ANG
Us Beneath The Stars (Nursing Series #2)
Teen Fiction[Completed] Luke Elijah Galvez, a.k.a. Eli, is a high achiever and dedicated student who wants to help his family and live life to the fullest. He was a university scholar who needed to distance himself from his parents. He will meet his roommate, A...