05

0 0 0
                                    

Eli's POV

"I'm so sorry po Ma'am Gina" sabi ko kay Ma'am Gina na nasa kabilang linya.

"It's totally fine. Ayos na din 'yon dahil nabilhan na ng bagong door knob. New keys, new room" Biro pa nya.

"Pasensya na po talaga sa abala"

"It's okay. O sya, may gagawin pa ako dito. Currently, nasa salon ako"

"Thank you po ulit" Sabi ko sabay abot na kay ate ng phone nya.

"Thank you din ha" sabi ko sa kanya.

"Naku, sige na magpahinga na kayo mukang natagalan pa kayo sa taas ni Sir ha. Boyfriend mo?"

Nanlaki bigla ang mata ko sa tanong nya. Buti nalang nasa loob na si Luis at hindi narinig.

"What?? Hindi po ah. Jusko, sa iba nalang ako kung ganon" Biro ko.

"Kayo ha...o sya, mauuna na ho ako" Iba ang tinginan ni ate na kala mong nang-aasar pa sya bago tuluyang umalis.

Never akong magkakagusto sa isang ganon. Arggg. Baka araw-araw yung inis ko.

Pumasok na ako sa loob at sinarado na ang pinto. Pag-lock ko ng pinto ay bigla tumunog ang tyan ko.

"Kakain muna ako sa labas" Paalam ko.

"Bilhan mo nalang ako" sabi nya habang inaayos yung mga gamit nya para mag-aral.

"Kailan mo pa ako naging utusan?"

"It's just a favor"

"Favor your face! If gusto mo sumama----" nahinto ako sa pagsasalita dahil sa kanya.

Tumayo sya at kinuha ang shoulder bag nya.

"Fine" Cold na pagkakasabi nya.

Speechless ako at nag-lakad na kami palabas. Sa gitna ng paglalakad namin patungo sa convenient store na pinuntahan ko last time ay bigla syang nag-tanong.

"Saan ba tayo? Pwede naman atang sumakay nalang ng tricycle or bus?" Natawa ako dahil seryoso yung pagkakatanong nya ay hindi ko kinayang marinig yung "bus" na sasakyan papunta sa pinagkainan ko.

"Anong nakakatawa sa tanong ko?" Seryosong tanong nya ulit.

"Alam mo ang funny mo pala no?" Natatawa kong sabi.

"As if namang nagpapatawa ako"

"Tsk, eto naman ang seryoso. Mabilis kang tatanda nyan. No need na sumakay sa mga binanggit mo. Actually, ayan na nga oh" Sabi ko sabay turo don sa store. "Diba malapit lang"

"Tsss"

Nag-patuloy nalang kami sa paglalakad dahil itong kasama ko hindi mabiro-biro. Ang serious sa life.

Pagdating namin ay nag-hanap na kami ng pwedeng bilhin.

"I think pasta nalang kakainin ko tonight" Sabi ko pero hindi nya ako inimikan dahil umikot sya sa kabilang line.

"Wag mo ko papansinin ha" Bulong ko.

-------------------------

Habang kumakain kami ay pansin kong hindi nag-sasalita si Luis ulit.

"Alam mo ang tawag sa taong hindi nagsasalita?"

Ang random ng tanong ko tangina. Bahala na.

Tinignan nya ako at tumitig lang sa akin.

"Edi quiet person" I awkardly smile.

*crickets chirping*

Hoy ano? Tingin tingin ka nalang dyan? Support naman dyan oh.

"Fuck...sabi na eh. Dapat hindi ko na sinabi 'yon"

"Pffft" Napitingin ako sa kanya dahil halatang nagpipigil sya ng tawa.

"Panalo ba? Gusto mo pa isa?" Tanong ko.

"No"

Ang bilis naman mag-bago ng mood nito. Pangit ka-bonding amputa.

"Anong tawag sa star na nai-inlove na?"

"What?" Cold na tanong nya.

"Falling star" And I awkardly smile again.

*crickets chirping*

*pffft* "Please stop. Muka kang ewan" Sabi nya habang pinipigilan yung tawa pero focus lang sya sa pagka-cold nya.

"Sabi na eh. Last joke na 'yon" Sabi ko at kumain nalang.

"That's funny, honestly" Sabi nya sabay tayo at pumasok sa loob ng store.

Ehe! Makikilala din kita ng buo, Mr. Cold. Not now pero soon. Feeling ko may tinatago ka talagang kagaguhan.

Pag-labas nya ay inabutan nya ako ng water.

"Seryoso ba 'to?" Tanong ko.

"Muka bang joke na inabutan kita ng tubig? Baka makapag-isip ka na naman ng kung ano-ano"

Natawa ako bahagya kaya naman kinuha ko na lang at uminom.

"Thank you" Sabi ko.

------------------------------

Umuwi na kami sa room namin at ngayon sya na may hawak sa susi namin dahil baka makalimutan ko na naman.

Kinuha nya ang toothbrush nya at naupo sa ginawa nyang study table.

"Naks, aral is life" Biro ko habang naglalagay ng toothpaste sa toothbrush ko.

"Of course"

After non ay ginawa ko na ang mga dapat kong gawin gaya ng maligo bago mahiga sa higaan ko.

I checked my phone and saka ko lang napansin na nag text pala parents ko kaya nireplayan ko muna.

Nag social media lang ako buong oras and around 10 pm ay naisipan kong tignan si Luis if he still studying.

Pag-tingin ko sa higaan nya ay naka-higa na sya and natutulog na. Napansin kong naiwan nyang bukas yung lamp nya. I sighed before deciding na bumaba para i-turn off 'yon.

Pagkapatay ko sa lamp ay napansin ko ang naka-open nyang notebook kaya naman isinara ko iyon at may nakita akong sticky note sa harap kaya naman nabasa ko kung ano ang nakasulat.

"For Mom and Dada"

Napangiti ako dahil family-oriented pala 'tong cold person na 'to akala ko 100% sure na manhid 'to sa lahat e.

Pagkatapos non ay bumalik na ako sa higaan ko at nag-pahinga na.

-------------------

"Hey...hey" naalimpungatan ako sa kalabit ng kalabit sa akin.

Anak naman ng tokwa. Ano ba meron?

"Uhm??"

"Please turn off your phone or keep it in silent mode"

Arrggg. Shuta. I forgot my alarm.

"Sorry" Sabi ko sabay turn-off ng alarm.

Sunday na pala and may naka-sched na orientation this day. Kaya naman dinouble check ko ang sched ko and luckily mamaya pa kaming 1 pm.

Bumangon na ako nag inat-inat for a while. Nagpa-init na din ako ng water sa electric kettle to have some coffee. Kaya naman lumabas muna ako para bumili ng kape sa pinaka malapit na tindahan.

Pag-balik ko sa loob ay hindi pa tapos maligo si Luis. Kaya naman sinabihan ko na sya.

"Hoy, Mr. Cold, napaka tagal mo naman lumabas dyan. Maliligo pa ako" Sabi ko habang nagtitimpla ng kape.

"5 more minutes!!"

"5 more minutes nye nye" Bulong ko.

Umupo ako sa upuan habang hinihintay syang matapos at hinihigop ko na din 'tong mainit na kape.

Habang iniinom ko ang kape ko ay biglang lumabas si Luis na topless at nagpupunas ng buhok nya. Kaya naman muntikan ko ng mabuga yung kape.

Sheessh! Breakfast yarn? Ay...mali!

---------------------------------------
Chapter 05

Us Beneath The Stars (Nursing Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon