Eli's POV
Pagkatapos naming mag-dinner together ay nagsibalikan na kaming lahat sa mga kwarto namin upang makapag-pahinga ng maaga dahil maaga kaming aalis bukas.
Humiga na si Luis sa higaan at binigyan ako ng nakakainis na tingin.
"Makatitig ka naman akala mong kakaanin mo ako" natauhan ako sa sinabi ko dahil baka iba na naman ang ibig sabihin para sa kanya. "H-Hindi yung iniisip mo ha. Baka ano na naman yang nasa isip mo"
"Ikaw lang naman nasa isip ko wag ka mag alala"
"Tsk, yan ka na naman e"
"Ayaw mo ata ako tabihan e" umusod sya sa gilid para may space ako.
"Hindi pa naman ako inaantok baka mamaya lumabas muna ako"
Sinamaan nya ako ng tingin at tumayo bigla.
"Oh? Bakit?" Curious kong tanong.
Lumapit sya sa akin at bigla nya akong hinawakan papalapit sa higaan.
"Huy! Ano ba!" Natatawa kong sabi.
"Ayaw mo matulog ha" tinulak nya ako sa higaan at tinabihan nya ako.
"Tsk!" Kahit anong reklamo ko naman ay wala akong magagawa.
"Love? Matutulog na, oki?" Malambing na pagkakasabi neto.
Eh paanong gagawin? Weakness natin diba? Wala na. Payag na ako. Matutulog na.
"Matutulog na. Eto na po" Niyakap nya ako ng mahihpit habang nakapatong ang ulo ko sa braso nyo at nakaharap sa kanya. He touched my hair hanggang sa makatulog ako.
-------------------------------
Pag-uwi namin ay isa-isa kaming hinatid sa mga tinutuluyan namin. Kasama ko na ngayon si Luis ulit dito sa kwarto namin.
"Pasok ulit bukas" sabi ko habang pinapalitan yung bed sheet ko.
"Ayaw mo non? Balik ulit tayo pag rereview together"
I just rolled my eyes pero wala naman na din magagawa. Ganito talaga ang buhay ng isang estudyante.
"Gusto mo tabi ulit tayo?" Tanong ni Luis na agad ko namang sinagot.
"Aba?! Dati ayaw mo akong pahigain dyan tapos ngayon gusto mong magkatabi tayo?" Natatawa kong sabi.
"Ganon talaga, Love"
"Tama ka na. Bahala ka dyan"
-------------------
*In the middle of the night*Bumaba ako dahan-dahan at kinalabit si Luis.
"Luis" mahina kong sabi.
Dahan-dahan naman nyang dinilat ang mga mata nya at nagtataka kung bakit ako nang-gising.
"Yes, Love?" Malambing netong tanong.
"Tabi tayo?" He smirked at me dahil sa sinabi ko.
"Hindi ko marinig"
At mukhang nang-aasar na naman po sya.
"De joke. Trip lang kitang gisingin alam ko kasing hindi ka pa tulog" sabi ko at akmang tatayo pero bigla nyang hinatak ang kamay ko pabalik sa kanya.
"Walang bawian" sabi neto sabay taklob nya sa amin ng kumot
---------------------------
Luis' POV
Kinaumagahan ay maaga kaming pumasok ni Eli dahil sabay naman ang sched naming may 8 am class.
Bago kami maghiwalay ng nilalakaran ay sinabihan ko syang pag-uwi nya mamaya dumeretso sya sa rooftop at may surprise ako. Sumang-ayon naman sya at saka kami pumunta sa mga respective rooms namin.
BINABASA MO ANG
Us Beneath The Stars (Nursing Series #2)
أدب المراهقين[Completed] Luke Elijah Galvez, a.k.a. Eli, is a high achiever and dedicated student who wants to help his family and live life to the fullest. He was a university scholar who needed to distance himself from his parents. He will meet his roommate, A...