20

0 0 0
                                    

Eli's POV

Pagkatapos ng exam ay nag-kita kaming tatlo dito sa mini park na pinagtambayan ko dati.

Tahimik ang paligid sa mga oras na ito dahil wala gaanong estudyante ang mga tumambay dito ngayon.

"Magkakilala kayo ni ate?" Pagtataka ni Luis

"Oo" sabi ko.

"Paano??"

Bakit ba parang bawak ko makilala si Max sa tono ng pagsasalita neto?

"Nakakadalawang tanong ka na ha. Syempre mayka-kalase kami" sabi naman ni Max.

"So alam mo din yung about sa aming dalawa matagal na?"

"Walang kinukwento sa akin si Eli. Para namang ang laki ng sikreto mo ha" Sabi ni Max ulit kaya saglit na tumahimik si Luis.

"Actually, I'm happy para sa inyong dalawa!" Masayang pagkakasabi neto ulit.

"Thank you!" Sabi ko naman at ganon din si Luis na ngayon sobrang saya na.

"At dahil dyan, after ng exam punta tayo sa isang beach resort. Kakilala ko may-ari doon. Baka may discount din kahit papaano" biro nya.

"Beach resort? Exciting!!" Sabi ko.

Ngayon lang kasi ako ulit makakapunta sa ganon kaya naman sobra ang excitement ko.

"Sure" agad na sang-ayon ni Luis.

"Sabi nyo ha! Wag kayong bokya! Isasama ko din ibang friends ko noong high school. Kayo ba?"

"Ahm...wala ako lang" tumingin muna sa akin si Luis bago nag-salita

"Wala din ako"

"O-Okay sige! Tatawagan ko mamaya doon sa resort. Pero bago kayo umuwi, Eli pwede ba kitang makausap?"

"Oo naman. Sure"

Tumingin si Max muna kay Luis bago ito tumingin pabalik sa akin.

"In private sana?"

"Ahm...punta muna akong restroom" sabi ni Luis sabay tayo mula sa kinauupuan nya.

Pagkaalis ni Luis ay agad na akong kinausap ni Max ng masinsinan.

"Thank you" seryosong pagkakasabi neto. Then she smiled at me.

"Thank you para saan?"

"Hindi mo pinabayaan ang kapatid kong maligaw ng landas. Pero hindi ko naman inaasahang magiging kayo"

Natawa ako saglit bago nagsalita dahil kahit ako mismo sa sarili ko hindi ko inakala.

*Pffft*

"Kahit ako Max hindi makapaniwala. Eh bwisit na bwisit nga ako sa pagka-cold nyan dati. Pero tama ka ibang-iba ang totoong Luis"

"I told you!" Sabi nya sabay gawa ng isang proud facial expression.

"Pero Eli. Si Sean ba? I really thought na mas may pag-asa kayong dalawa"

Umiwas ako ng tingin sa kanya aa kadahilanang maski ako akala ko si Sean na talaga. Alam nyo yan since day 1. Si Sean ang crush ko.

"In short parang kami ang pinagtagpo pero hindi tinadhana. Actually, before may gusto ako sa kanya"

"Really??" Gulat na tanong neto dahil hindi nya alam yung tungkol doon.

Tumango ako senyales na sumang-ayon ako.

"Pero anong nangyari? Naglaho ba bigla feelings mo for him?"

"Ganoon na nga siguro. Habang tumatagal kasi na nakikilala ko si Luis mas nangingibabaw nalang yung pagiging magkaibigan namin ni Sean. Ayaw ko naman syang paasahin kasi hello? Sino ba naman ako?"

Us Beneath The Stars (Nursing Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon