21

0 0 0
                                    

Eli's POV

Finally! Handa na ang mga gamit ko para sa pupuntahan namin. Tapos na din ang hell week at sa wakas kahit papaano ay makakapag relax and chill muna. TYL.

Papunta na din sila Luis dito kaya naman kinuha ko na ang bag ko para mag-hintay na sa labas.

*One message received*

"Malapit na kami, can't wait to hug you Moo"

"Moo?" Reply ko.

"My Only One"

"Tss. Ano ba yan? Kahit kailan ang korni mo"

"Mas korni pa yung jokes mo"

"Sige na! See you later" I replied

"Naku! Nakangiti habang nagtetext. Iba talaga ang na crushback" biro ni ate na ngayon palang pumasok.

Napangiti na lamang ako dahil totoo naman. Can't deny that, actually.

------------------

Maya-maya pa ay may humintong van sa harap ko at bumaba si Luis at agad na niyakap ako.

"I miss you, Love" bulong nya.

"Oh akala ko ba "Moo"?"

"Kahit ano pang callsign yan ikaw lang din naman ibig sabihin non" sabi nya then patted my head.

"Hay... I miss you more"

Tanggal ang angas ni Luis sa oras na ito at mukhang nagba-blush na naman ako as of now.

"Tama na kayo! Pasok na" biro ni Max na agad pinindot ang busina ng van. Take note: hindi sya ang nagda-drive ngayon ha.

"Akin na 'to" sabi nya sabay kuha sa bag ko at ako ang pinauna nyang pumasok sa loob.

--------------------

Isa-isang sinundo ang iba pa naming makakasama at lahat naman sila ay mabilis pakisamahan.

Habang nasa gitna kami ng byahe ay nakaramdam ako ng antok kaya naman kinuha ko yung earphones ko para sana makinig ng kanta habang nasa byahe. Best feeling kaya 'yon alam nyo 'yan.

Pag-suot ko ng earphones ko ay agad na inagaw ni Luis ang isang pares neto.

"Makikinig din ako" sabi nya.

"Baka hindi mo type mga nasa playlist ko"

"Tsk! Ikaw nga type ko playlist mo pa kaya?" Kalmado lang ang reaksyon ko pero sa loob ko ay halos nagwa-wala na ang mga organs ko.

Napailing na lamang ako sa kakornihan nya. Maya-maya ay sinandal nya ang ulo ko sa balikat nya. Kaya naman while listening to a music ay nakahawak sya sa buhok ko.

Kilig na kilig na ako mga Ma'am/Sir. Please help me.

------------------

Ilang oras pa ang lumipas bago kami nakarating sa destinasyon namin. Madaming tao sa araw na'to at agaw pansin ang tarpaulin sa labas kung saan may nakasaad na anunsyo na magkakaroon ng live band sa mismong araw pala pananatili namin dito. May mga activities din na gaganapin like bonfire, volleyball at marami pang iba.

Kaya naman kaming lahat ay binalot ng saya at excitement dahil magiging masaya ang araw namin dito.

Pumasok na kami sa loob at sinalubong kami ng kaibigan ni Max.

"Okay about sa mga rooms. Yung mga available lang is one bed each room. So, pwedeng two person ang magsama" sabi neto kaya naman nag-usap-usao na ang mga gusto magkasama.

Since katabi ko si Luis ay kinalabit nya ako gamit ang siko nya.

"I think magkasama ulit tayo ah"

"Ayos lang. Sanay naman ako sa katahimikan mong taglay, Mr. Cold"

Us Beneath The Stars (Nursing Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon