Luis' POV
Kinabukasan paglabas ko ng kwarto at habang naglalakad palabas ay nakasalubong ko si Sean.
"Huy! Ikaw pala" Bungad nya sa akin.
"Bro...pwede ba kita kausapin?"
Bakas sa mukha nya ang pagtataka kaya naman pumayag sya. Lumabas kami at doon pinagpatuloy ang usapan.
"Ano ba 'yon?"
"Anong meron sa inyo ni Elijah?" Diretso kong tanong.
Gusto ko na din malaman dahil nais na ding manahimik ng utak ko kakaisip kung anong meron sa kanilang dalawa.
Binigyan nya ako ng isang nakakaasar na ngiti.
"Bakit? Natanong mo ata bigla?"
"Gusto ko lang malaman"
"May gusto ka ba sa kanya?" Tanong nya.
"Yung tanong ko muna----"
"Yes"
Natigil ako sa pagsasalita dahil sa narinig ko. Hindi naman ata ako nabingi bigla diba?
"Y-Yes?"
"I like him. Espesyal sya sa akin. Bakit mo naitanong?" seryosong pagkakasabi nito.
"Wala"
"Tss, akala ko naman may gusto ka sa kanya. Uunahan na sana kita" biro nito.
Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin kaso baka kapag malaman nya mas gagawa sya ng paraan para mas mapalapit at gumaan ang loob sa kanya ni Elijah.
"Pero bro, kahit hindi mo sabihin alam ko naman. So...may the best man win?" Sabi nya sabay tapik sa balikat ko at naglakad pabalik sa loob.
----------------
"Arrggh! I knew it!" Sabi ko pagkatapos kong makapasok sa loob ng kwarto at laking gulat ko dahil si Elijah ay nasa harap ko pala.
"Ang alin?" Pagtataka nya.
"A-A, maayos ka na ba? Wala ka na bang lagnat?" Pag-aalala ko dahil naka-uniform sya ngayon.
"A-Ayos na ako. Salamat nga pala kahapon"
Nakatitig lang ako sa mga mata nya at hindi makapagsalita man lang. Natauhan lang ako dahil biglang may kumatok sa pintuan kaya naman ako na ang nagbukas since mas malapit ako.
Pag-bukas ko ay bumungad sa akin si Sean na may hawak na susi.
"A-Anong?---"
"Uy, Luis. Nandyan pa ba si Eli?"
Kung pwede ko lang sana sabihing wala, ginawa ko na!!
"Ah---"
"Nandito pa ako, bakit?" Sabi ni Eli na ngayon ay katabi ko.
"Sabay na tayo? Tamang tama naka-bihis ka na din pala"
Masama lang akong nakatingin kay Sean pero kapag tumitingins akin si Eli ay nag-iiba agad ang facial expression ko.
"S-Sure" sang-ayon ni Eli at ito namang si Sean ay ngiting wagi.
"Una na kami, Luis. See you nalang mamaya" paalam ni Eli sa akin.
"See you"
Yan na lamang ang tangi kong nasabi at sumabay pa 'tong mapang-asar na galaw ni Sean. Kumaway pa sya sa akin habang naglalakad sila palayo.
Argh! Fuck!
-------------------------
Eli's POV
BINABASA MO ANG
Us Beneath The Stars (Nursing Series #2)
Teen Fiction[Completed] Luke Elijah Galvez, a.k.a. Eli, is a high achiever and dedicated student who wants to help his family and live life to the fullest. He was a university scholar who needed to distance himself from his parents. He will meet his roommate, A...