Eli's POV
1 week later
Habang abala ako sa paghahanda para sa preliminary examination namin ay ngayon ko naman hindi mahanap ang susi ko again. Susi na ata problema ko sa buong buhay ko dito.
"Luis yung susi ko ba napansin mo?"
"Hindi ko alam" sabi nya habang abala sa pagrereview dahil mamaya pa ang sched nila.
"Dito ko lang kasi nilapag" sabi ko habang hinahanap sa ibabaw ng damitan ko.
"Hindi ko alam"
"Tsk, mamaya ba maaga ka uuwi?"
"Hindi ko alam"
"Argh! Male-late na ako. See you nalang siguro mamaya sa school. Sabay ako sa'yo ha" paalam ko habang nagmamadaling isuot ang sapatos ko.
"Ingat ka wala akong pampalit sa'yo. Good luck!"
"Palit mo mukha mo! Bye! Good luck din sa'yo!" Sabi ko sabay sara ng pinto at nagmadali ng bumaba pero napangiti ako sa sinabi nya kaya naman napailing nalang ako.
---------------------
Dumating naman ako on time sa school dahil hindi ganon ka-traffic sa kalsada ngayon. Buti naman at sana laging ganon.
Pagpasok ko sa room ay naabutan ko ang prof kong kakapasok lang din kaya naman dali-dali na akong umupo sa upuan ko.
"You only have 1 hr and 30 minutes to answer your first subject. Please! Don't cheat kung ayaw ninyong makaalis agad sa kursong 'to ng maaga. Understood?"
"Yes po" Sagot ng lahat.
Kaya naman pinamigay na ang questionnaires at nag-simula na ang oras para mag-sagot ang lahat.
Kailangan kong maipasa 'tong mga major exams ko dahil ayoko mawala sa pagiging scholar dito. Malaking tulong 'to lalo na sa parents ko kaya focus Eli!
-----------------
Matapos ang exam ay para kaming nakipag-sapalaran sa isang labanan. Ang iba ay naiiyak at mukang isa na ako don.
"Eli! Kumusta?" Tanong ni Max.
"Pasado kaya tayo doon? Sana no?"
I badly want to comfort myself dahil hindi ako ganon ka-confident sa mga sagot ko.
"Ikaw pa ba? Yakang yaka mo 'yon"
Sa kabila ng pagiging positive ni Max ay hindi pa din maiwasan ng sarili kong mag-isip. Ang overthinker ko masyado at dahil don nadi-drain ako agad.
Pagbalik ko ay wala pa si Luis kaya naman napaupo ako sa sahig sa tapat ng pintuan namin.
Sinubukan kong tawagan si Luis pero walang sumasagot. Kaya naman I decided na mag-iwan ng mensahe sa kanya. Pagkatapos ay pumunta ako sa rooftop upang magpahangin saglit.
"Natatakot ako" bulong ko. Habang ang luha ko naman ay nangingilid.
"Bakit?" Napalingon ako sa nag-salita sa likod ko kaya agad akong napalingon.
"Uy, Sean? A-Anong ginagawa mo dito?" Pagtataka ko.
"You messaged me"
Nagmadali akong i-check ang cp ko at tama nga sya...mali ang napagsendan ko.
"Now...bakit ka natatakot?" Tanong nya at tumabi ito sa akin.
"Hayst, wala nag ooverthink lang. Takot akong mawalan ng scholarship. First exam palang but I think hindi ko mapapasa yun"
"You know what? Wag mo pangunahan yung mga hindi pa nangyayari. If nagkamali ka edi learn from it. There's tomorrow for a reason"
"What if hindi ko naipasa yun?"
"Wala pang result, Eli. Lets wait sa magiging result"
Hindi ako nakapagsalita at tumahimik nalang.
Humarap sya sa akin at tinitigan ako.
-------------------------
Luis' POV
Nakatanggap ako ng tawag kay Eli kaya naman tinatawagan ko din sya pero hindi na'to sumasagot.
Kaya naman pag-uwi ko ay inakala kong nandito sya sa harap ng kwarto namin ngunit wala akong naabutang Eli dito.
Habang nag-isiip ako ay pumasok sa isip kong baka nasa rooftop sya ngayon kaya naman agad ako nag-tungo doon.
"Eli----" nahinto ako sa nakita ko at nawala ang ngiti sa labi ko.
Nakita ko silang magka-yakap. Sumabay ang pagdampi ng malamig na hangin sa katawan ko kaya lalo akong nanlambot at nanlamig.
So...may the best man win? - Sean
Dahan-dahan akong napaatras at bumalik sa kwarto namin. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon at napaupo nalang ako sa study table ko. Nangingilid ang luha ko habang nagbabasa ng libro. Mukhang tama nga ang iniisip ko noon. May gusto talaga siguro si Eli kay Sean.
---------------------
Eli's POV
Bumitaw si Sean mula sa pagkakayakap sa akin.
"Thank you" tanging nasabi ko sa kanya.
"Gayahin mo nalang ako hindi na ako mag ooverthink"
"Ha? B-Bakit?" Pagtataka ko.
"Alam ko at ramdam kong may nararamdaman ka na para kay Luis kaya hindi ko na ipipilit 'tong nararamdaman ko para sa'yo" malungkot na pagkakasabi nya.
Tama nga ang nararamdaman ko. Ngayon lang inamin ni Sean sa akin pero tama sya. May gusto ako kay Sean dati, pero ngayon mas nangingibabaw ang pagiging mag-kaibigan lang namin. Kahit ganon ay nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman nya ngayon kaya wala akong nasabi kung hindi ang yakapin nalang din sya ulit.
"O sya, nang agaw ako ng spotlight. Pasensya na. *sniff*"
"Thank you dahil pinaramdam mo sakin kahit sa maikling panahon yung pagmamahal mo" naluluha kong pagsabi sa kanya kaya naman agad niyang pinusan ito.
"Wag ka umiyak gagi pati ako naluluha" natatawa nyang sabi pero kita sa mata nya ang lungkot.
"Gagi ka kasi!"
Niyakap nya ako ng mahigpit na parang ito na ang huling yakap na matatanggap ko mula sa kanya.
----------------------
Pagbalik namin sa loob ay pansin kong hindi nakasara ang pinto namin kaya naman pumasok na ako.
Pag-pasok ko ay nakita ko si Luis na abala sa pagbabasa habang suot ang earphones nya
"Kanina ka pa?" Tanong ko pero hindi nya ako pinansin.
Anong problema neto ngayon? Parehas ba kami ng problema? Baka nagooverthink din sa mga tanong sa exam nila?
Para hindi ako maka-abala sa kanya ay nag-tungo nalang ako sa higaan ko at nagpahinga nalang ng maaga dahil bukas sasabak na naman sa exam.
-------------------------
Chapter 18
BINABASA MO ANG
Us Beneath The Stars (Nursing Series #2)
Teen Fiction[Completed] Luke Elijah Galvez, a.k.a. Eli, is a high achiever and dedicated student who wants to help his family and live life to the fullest. He was a university scholar who needed to distance himself from his parents. He will meet his roommate, A...