11

0 0 0
                                    

Eli's POV

*At the campus*

Nandito ako ngayon sa classroom at usap-usapan na ang event na gaganapin dito.

"Are you guys excited sa gaganaping event dito sa school?" Tanong sa amin ng kaklase kong si Danna.

"The upcoming band?" Tanong ni Max.

"Yes girl!"

"Tama lang? Not sure if pupunta ako" Sabi ko.

"Ay why? Saan punta mo?" Tanong ni Max

"Wala, di ko lang feel pumunta"

"Elijah! May naghahanap sa'yo sa labas. Mukhang baby mo ah. Ikaw ha silent but deadly ka din" Biro ng kaklase ko.

"Ha? Gagi ka talaga" tumayo ako at tumingin sa labas kung sino ang naghahanap sa akin.

Sino ba 'tong naghahanap bakit di ko naman makita.

Lumabas na ako para malaman kung sino. Pag-silip ko ay bumungad sa akin si Sean.

"Oh? Ikaw pala. Akala ko naman kung sino. Hanap mo daw ako?"

Ang cute ngayon ni Sean. Sa color white nyang suot ay sobrang linis nya tignan. Take note! Amoy baby!

"Wanna ask if free ka ba later?" Tanong nya.

I can't say no talaga kapag si Sean na ang nagtatanong kaya naman sumang-ayon ako.

"Yes, free na free"

"Pupunta nalang ako dito mamaya"

"Why? Baka hindi tayo tugma ng sched. Gusto mo ako nalang pupunta sa'yo mamaya?"

"No...Mas maaga kami mamaya"

"Ow...okay sige. Sabi mo yan ha"

Ngumiti sya na parang inaakit na naman ang buong pagkatao ko.

"See you later" Sabi nya sabay gulo sa buhok ko.

"Uyy!! Yung buhok ko!"

"Ayieee!!!!" Rinig kong sigawan ng mga kaibigan ko sa loob.

Nagpatuloy na sa pag-lakad si Sean pababa. Ako naman ay pumasok na sa loob ng room at halos saktan na ako ng mga kaibigan ko sa kilig.

"Spill the tea!" Girl 1

"Agree! Kayo ba?" Girl 2

"Kaibigan ko lang yun ano ba kayo" Sabi ko at naupo na sa upuan ko.

"Sean pala ha" Pang-aasar ni Max na agad ko namang binigyan ng masamang tingin. "Kaya pala sobrang concern at ingat na ingat sya sa'yo noong nalasing ka"

"Argghh. Kaibigan lang tingin ko sa kanya. Okay??"

"Alam mo...no need to hide. Saan ba kayo mamaya?"

"Hindi ko alam. Gusto nyang lumabas kaming dalawa"

"KAYONG DALAWA LANG!?" Sabay sabay na tanong nila.

"Oo? Bakit? May nakakagulat ba?"

"Ikaw na! May date ka pala today. Sana ako din soon" -Girl 1

"Basta ako, I'll support you" Kinikilig na pagkasabi ni Max.

Sa pagkakataong ito ay hindi ko napigilang mapangiti.

"Ayan na! Tinapos na. Napangiti na" Pang aasar ng isa ko pang kaibigan kaya naman nag-tawanan na ang lahat.

-------------------------

Pagkatapos ng huling klase namin ay napatingin ako sa labas at pansin ko na ang pagdating ni Sean.

"Ahm...excuse me, nandyan pa ba si Elijah?" Rinig kong tanong nya sa isa kong kaklase na kakalabas lang ng room.

"Ay oo, nandyan sya sa loob"

"Sige, salamat"

Lumapit sya papasok sa room at sumilip para hanapin ako at nung nakita nya na ako ay bigla syang ngumiti.

Hala! Teka oh! Hindi pa ako handa! Ang cute! Nasaan na ba yellow basket?? Order na 'to. De joke.

"Uy! Nandyan na pala sundo mo, Eli" Sabi ni Max at yung mga nasa likod kong kaklase ay hindi na maitago ang kilig.

Tumayo na ako at nag-tungo palapit sa kanya.

"Lets go?" Cute na pagkaka-tanong neto.

"Yes. Tara"

Nagsigawan ang mga kaibigan kong akala mo ngayon lang nakakita ng nag-usap at sabay lalabas ng room.

Pag-lingon ko kay Max ay maging sya ay kasama sa pumapalakpak kaya naman natatawa nalang ako sa oras na 'to.

----------------------

Luis' POV

Kakatapos lang ng klase namin at nag-desisyon na akong tumuloy na pauwi. Habang nagla-lakad ako palabas ng gate ay naka-salubong ko si Sean at Eli. Masaya silang nag-uusap ngunit parang hindi nila ako nakita dahil busy silang dalawa.

Nakaramdam ako ng kirot at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Nahinto ako sa paglalakad at sinundan na lamang sila ng tingin.

May gusto kaya si Elijah kay Sean? Ano na bang meron sa kanilang dalawa? Masyado na ba akong nahuhuli?

Pag-labas nila ay saka ako nagpatuloy sa paglalakad.  Sinubukan ko silang sundan para malaman ko kung saan sila tutungo.

Tahimik ko lamang sila sinundan hanggang sa makarating kami sa parking space. Sumakay sila dalawa doon ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakita nila ako kaya naman huminto sila saglit sa kinaroroonan ko.

"Hey Luis. Pauwi ka na ba?" Tanong ni Sean.

"No, may pupuntahan lang ako" cold na pagkakasabi ko.

"Sa parking?" Tanong naman ni Eli.

"Ah...oo, h-hinihintay ko lang yung kaklase ko may bibilhin kaming materials" dahilan ko pa para hindi mahalatang sinundan ko sila.

"O sige sige bro. Una na kami" Sabi ni Sean  kaya naman napatango na lang ako.

"Hays, bwisit" bulong ko habang tinitignan ko na lamang ang sasakyan palayo.

------------------

Eli's POV

"A-Ang ganda naman dito parang lakas maka-yaman" Sabi ko habang nililibot ang paningin ko sa paligid. Pansin ko ang mga magagandang larawan sa pader at aesthetic vibes na lokasyon na 'to.

"Siguro nadaan lang sa designs. Pero sigurado din akong magugustuhan mo dito. Lalo na't sobrang sarap dito" Sabi ni Sean.

"Sige nga, sabi mo ha" biro ko pa.

Umorder na kami at habang naghihintay ay masaya kaming nagku-kwentuhan. May pagka romantic din ang place na'to dahil may pa-music pa sila using violin lang.

Pagdating ng binili namin ay masayang inintroduce ni Sean yung mga pagkaing nasa harap namin.

"Alam na alam mo ah? Siguro dito ka tumatambay. Dito mo siguro dinadala mga espesyal na tao sa'yo no?"

Natahimik sya saglit at napa-tingin lang sa akin.

"Actually...i-ikaw palang dinala ko dito"

Nagulat ako sa sinabi nya at hindi ko nagawang mag-salita pa. Napatitig na lamang ako sa mata nya.

Sa mga tingin pa lamang nya ay parang hindi nya na ako pinapakawalan. Jusko! Sign ba 'to? Si Sean na ba? Sya na ba?

Ngayon ko na lamang din napansin ang musikang pinapatugtog gamit violin.

*Paraluman by Adie Violin Cover *

"Espesyal ka sa akin, Eli"

-------------------------
Chapter 11






Us Beneath The Stars (Nursing Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon