Eli's POV
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Pupunta ako sa school dahil next week na ang start ng class kaya need kong malaman if saan ba banda ang room ko para hindi na ako maligaw sa Monday.
6 am palang naman kaya bumili ako ng almusal ko sa labas. Pansin ko din na tulog pa yung ka roommate kong cold kaya naman I decided na bilhan nalang din sya ng breakfast. Baka naman mag-bago na sya kapag ganon eme.
"Kumakain kaya ng lugaw yon? Baka mamaya hindi pansinin 'to"
Binili ko na lamang 'to at saktong may tumatawag naman sa cp ko.
"Oh? Ang aga naman magising nila mama" Sinagot ko na ang call at inabot ko na din kay ate yung bayad.
"Hello po Ma"
"Eli, anak, ano kumain ka na ba?"
"Kakain palang po. Kakabili ko lang din ng makaka-kain dito" Sabi ko habang patuloy na nagla-lakad pabalik sa room ko.
"Kamusta ka naman dyan?" Tanong ni mama ulit at halatang halata sa boses nya na namimiss nya na ako.
"Maayos naman po. Nagkakaroon na ng mga new friends dito. Kayo po ba dyan?" Binuksan ko ang pinto at sakto tulog pa din etong cold na 'to.
"Maayos din kami nak. Mag iingat ka palagi. Tatawag-tawag kami sa'yo lagi ha"
Nilapag ko na ang binili ko at kumuha ng dalawang bowl.
"Yes po Ma. Kayo din mag-iingat ho kayo palagi"
"Oh sya...kami ay pupunta muna sa palengke ng papa mo"
"Sige po Ma, ingat kayo"
Pagka-tapos naming mag-usap ay sinubukan kong gisingin si Mr. Cold dahil baka mamaya malamig na yung binili ko para sa kanya.
Akma ko na sana syang tatawagin kaso hindi ko alam yung pangalan nya bukod sa apelyido nya kaya naman lumapit nalang ako sa kanya at sinubukang kalabitin.
"Mr. Cold" sabi ko.
"Umh?" Tanong nya.
"May binili akong breakfast. Hindi ko alam kung kumakain ka non pero baka malamig na 'yon mamaya"
"Thanks" Agad namang tumaas ang isang sungay ko sa thanks nya. I was expecting na kahit "thank you". Alam ko ang babaw ng reason. But "thanks" is the word na hindi ko matatanggap parang tinamad ka pa mag-salita.
"Thanks?" Hindi ko din alam pero nag-salita ang bibig ko.
Dinilat nya ang mata nya sabay titig sa mga mata ko na para bang kakainin nya ako.
"Ano ba dapat? I said "thanks", thank you for the breakfast you bought for me. Ayan mahaba na"
"You're welcome" Sabi ko sabay smirk at akmang lalabas na sana ng pinto.
"Saan ka pupunta?" Tanong nya habang naka-upo na sa higaan nya.
Lumingon ako sa kanya and natulala ako sa look nya. He's wearing plain black hoodie at dagdag mo pa yung morning messy hair nya.
"Aalis ako. Bakit?" Tanong ko na medyo pasungit ang tono ng boses.
"Tss...hindi mo ako sasabayan?" Agad namang nawala ang pagka-angas ko sa tanong nya.
Tama ba ang narinig ko? Or nabingi na ako?
"What did you just say?" Tanong ko.
He just smirked at biglang nag-lakad towards me.
"Tss...nabingi ka ata bigla?"
As of now, hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko.
"Narinig kita. Pero bakit ako sasabay sa'yo?"
BINABASA MO ANG
Us Beneath The Stars (Nursing Series #2)
Teen Fiction[Completed] Luke Elijah Galvez, a.k.a. Eli, is a high achiever and dedicated student who wants to help his family and live life to the fullest. He was a university scholar who needed to distance himself from his parents. He will meet his roommate, A...