09

1 0 0
                                    

Eli's POV

Nagising ako sa amoy ng niluluto ni Luis. Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko at tinignan sya habang nagluluto.

Hala? Himala ata nagluluto 'to? Mukhang may nakain o naihip ng mabuting hangin.

"Hey, gising ka na pala" Sabi nya while busy cooking.

"Uhm...yeah. Medyo nahihilo" Dahan-dahan akong bumangon at nag-lakad patungo sa lamesa.

"You forgot your keys again for the nth time, Eli"

Ay oh! Boyfriend yarn??

"Yes, obviously?"

"Here" nilapag nya sa lamesa namin yung niluto nya.

"Marunong ka pala mag-luto?" Sabi ko sabay kuha ng kutsara para tikman. "And masarap ha. Galing mo sa part na 'to"

"Of course, nagpaturo ako before sa mama ko. That's why" Sabi nya habang naglalagay ng plato sa lamesa.

Umupo na sya sa upuan at ngayon kumakain na kami. Pansin ko yung buhok nyang hindi magulo kaya medyo nanibago ako. Iba ang awra ng isang Luis Alcantara ata ngayon?

"This is so good"

"Ang arte mo. Fried egg lang 'yan" Sabi nya with his iritadong facial expression again.

"Eto naman! Pinupuri na nga yung magandang nagawa mo ngayong umaga" Sabi ko habang tuwang tuwa sa niluto nya. Well, masarap honestly.

"Sobra naman pagka-lasing mo kagabi" Sabi nya.

Sa pagkakataong 'to ay para akong sesermonan ng isang strict boyfriend na may mga rules.

"Masyadong masaya lang talaga kahapon.  Dami ngang students don kahapon. Hindi ko alam bakit ayaw mo pumunta sa mga ganon"

"Alam mo na kung bakit" sabi nya sabay tingin sa libro nya.

"Well, yeah...pero diba iba naman yung feeling na...." Na-distract ako sa titig nya sa akin kaya naman iniba ko agad yung sasabihin ko. "Iba yung feeling na nag-aaral talaga. Good job. Keep it up hehe" natawa naman sya sa sinabi ko dahil biglang transition ng topic.

"Siguro before..." nahinto sya sa pag-salita na para bang may naalala sya. Napatingin lang sya sa baba at hindi na nag-salita.

Kaya naman to the rescue akong maiba yung topic dahil baka saan pa mapunta yung usapan.

"A-Ang sarap ng itlog mo in fairness ha" Sabi ko sabay nguya. Feel na feel ko pa man din ang pag-nguya ko not until may na-realized ako.

"What the...?"

"Y-Yung itlog na niluto mo! Yun kasi! Ikaw iba agad iniisip" I awkardly smile then natawa nalang sya.

Habang kumakain kami ay biglang tumunog yung phone nya kaya sinagot nya muna.

"Excuse me" Pag-tingin nya kung sino tumawag ay biglang nawala ng saya sa mga mata neto at biglang sumimangot.

Bumalik sya sa pagkain pero now nawala yung masayang Luis na kausap ko.

"Ayos ka lang ba?" Sincere kong tanong.

"Y-Yeah. Of course. Wala yung kanina wrong number ata natawagan"

Iba ang nararamdaman ko pero hindi ko na kinulit na tanungin dahil masama ang kutob ko.

Maybe someone na importante sa buhay nya before? Hindi kaya yung ex nya 'yon? Pero for sure naman hindi na sila magkakaroon pa ng connection together again?

Us Beneath The Stars (Nursing Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon