17

0 0 0
                                    

Luis' POV

Pagpasok ko sa loob ng kwarto ay nakita ko si Eli na may hawak na cp sa lamesa namin kaya naman nagtaka ako.

"Ano 'yan?" Tanong ko.

"Ha? Cellphone?"

"Tss...kanino galing?"

"Kay Sean. Pumunta sya dito kanina nabalitaan nya daw nangyari sa atin kagabi tapos inabot nya sa akin 'to. Hindi ko nga dapat tatanggapin kanina. Sabi ko nakakahiya"

Napabuntong hininga nalang ako at kinuha yung phone na hawak nya at nilagay sa bulsa ko.

"Huy!"

"Binilhan kita" sabi ko sabay abot sa kanya.

"Anak ng!! Nakakahiya! Hindi nyo naman ako kailangan gastusan" sabi nya at hindi kinuha ang inaabot ko.

"Ayaw mo?" Tanong ko

"Hindi sa ayaw ko pero-----"

Lumapit ako sa kanya kaya natigil sya sa pagsasalita.

"A-Anong---"

"Tatanggapin mo o hahalikan kita ngayon?"

"Gago ka ba??"

"Pumili ka"

Magkalapit ang mukha namin sa oras na 'to at tanging eye contact ang nanlalaban sa aming dalawa.

"Hello-----" nagulat kaming dalawa sa nag-bukas ng pinto.

"Ay! Sorry! Sorry!" Sabi ni ate na mabilis na sinara ang pinto.

Nagkatinginan pa kami ni Eli bago sya tumayo.

"Thanks dito" sabi nya sabay kuha sa akin ng paper bag.

Dumeretso sya papunta sa pinto at binuksan para kausapin si ate. Samantalang ako ay kinikilig for some reason.

-----------------

Eli's POV

"Ate wag mo pag-isipan ng iba yung nakita mo kanina hindi yun ganon" explain ko sa kanya.

Binigyan nya lamang ako ng isang nang-aasar na ngiti dahil parang hindi sya naniniwala sa sinabi ko.

"Ikaw ha. Deny deny ka pa last time. Sabi na e. Malakas talaga ang pakiramdam ko" pang-aasar nya.

Natatawa nalang ako dahil wala naman na akong magagawa kapag 'yun ang pinaniniwalaan nya. Lumabas na din si Luis at pumwesto sa tabi ko.

"Well, first sorry kasi nakalimutan kong kumatok at naistorbo ko ang moment nyong dalawa. Nandito ako kasi pinapatawag kayo sa akin ni Madam. Alalang-alala sa inyong dalawa dahil nabalitaan nya yung nangyari kagabi. Hinihintay nya kayo sa baba"

------------------------

"Hay nako, mga bata kayo. Kamusta kayong dalawa?" Pag-aalala ni Madam Gina.

"Ayos naman na po. Ewan ko po kay Luis sya kasi yung mas nasaktan kagabi"

Lumipat ang tingin nya kay Luis at naghihintay sa isasagot nito.

"Ayos naman din po ako. Basta maayos din yung isa dyan"

Nanlaki naman bigla ang mata ko sa sinabi nya kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Ano bang pinagsasabi mo? Jusko Madam pasensya na kay------" pagharap ko sa kay Madam ay nang-aasar din ang ngiti neto at mukang dalawa na sila ni ate ngayon.

"Kayo talagang mga bata kayo. Kahit ang seryoso ng usapan nadadaan nyo pa din sa landian no?" Biro nya.

"Wag nyo po sana pag-isipan ng iba 'yung sinasabi neto Madam" sabi ko.

"Ganyan din ako noong kabataan ko. Nakakatuwa nakikita ko ang sarili ko sa'yo, Eli" natatawang sabi ni Madam kaya naman natatawa nalang din ako sa oras na'to.

"Naiinggit nga ako Madam. Nagkaka-love life pala ang mga nakatira dito. Iniisip ko na din na subukan kong dito na din manuluyan baka lalabas akong may boyfriend"

Natatawa naman kami kay ate na hanggang ngayon hindi pa din namin alam ang pangalan.

"O sya, kinamusta ko lang kayong dalawa. Sa susunod wag kayo masyado magpa-gabi at lagi kayong mag-iingat"

"Thank you po" sabay kaming nagsalita ni Luis.

"O sya, sige na at baka may ginagawa pa kayo"

"Ay...ayaw ko na lang mag talk" pang-aasar ni ate sa gilid.

Rinig ko naman ang pigil na tawa ni Luis kaya naman tumingin ako sa kanya.

"Sige po, Madam. Mauuna na po kami" paalam ko at nagpaalam na din si Luis kaya bumalik na kaming dalawa sa taas.

Pag-balik namin sa loob ay naupo kami para buksan yung binili nya.

"Nakakahiya talaga Luis pero thank you" sabi ko

"No problem po. Sige na buksan mo na"

"Tsss...parang mas excited ka pa sa akin ah" biro ko.

"Tulungan pa kita sa pag-bukas nyan e"

Pagbukas ko ay namangha ako sa kulay nito.

"Ang cool!" Tanging nasabi ko. Color black kasi ang kulay neto.

"Same tayo look" nilabas nya ang kanya at color white naman ang kanya.

"Thank you ulit ha" masaya kong pagkakasabi. "Pero wait, paano yung bigay ni Sean? Nakakahiya naman gumastos sya dyan"

Walang pagdadalawang isip na inabot nya sakin yung binigay ni Sean.

"Ayan na. Edi dalawa na cellphone mo" biro pa nya kaya natawa ako.

Kinuha nya yung binigay nya sakin at may kung anong tinataype sya.

"Anong ginagawa mo?"

"Wait..." Takang-taka naman ako sa ginagawa nya at kahit anong pilit kong silipin kung ano ay inaangat naman nya yung phone kaya nahihirapan akong malaman.

"Here, number ko yung pinaka unang naka save dyan. Bumili ako ng new sim card kanina" sabi nya sabay balik sa akin ng cp.

"Wow ha. Pero thank you ulit"

He just smiled at me and patted my head.

Lub-dub
Lub-dub
Lub-dub

----------------------

Us Beneath The Stars (Nursing Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon