Chapter 2

85.1K 1.3K 29
                                    

Chapter 2

"If she loved him the way she said she did, she wanted him whole. Maybe this was what love meant after all: sacrifice and selflessness. It did not mean hearts and flowers and a happy ending, but the knowledge that another's well-being is more important than one's own."

― Melissa de la Cruz, Lost in Time

***

Mabilis na lumipas ang mga araw na nagmamahalan kami ni Keaton. Magtatatlong taon na ang relasyon pero wala pa ring nagbabago. Siguro ang nagbabago lang ay mas minamahal ko siya sa bawat araw na dumadaan. Hindi na siya nahihiya na magpahayag ng damdamin niya sa akin. He was so sweet. Always full of surprises.

Monthsary. Anniversary. Birthday. He never missed to make me extraordinarily happy on those days.

Tumatambay ako sa gazebo malapit sa football field ng aming university kasama ng aking mga kaibigan. Busy na kasi kami sa mga requirements since graduating na kami kaya malimit na rin kaming tumatambay ni Keaton na magkasama.

"Gremaica."

Tiningala ko si Karissa mula sa pagsusulat. "Bakit?"

"Ilang t-taon na nga ulit kayo ni K-Keaton?"

"Magtatatlong taon na," pagngiti ko.

"Antagal niyo na pala noh?" saad naman ni Brittany.

"Syempre, papatunayan nila na may forever. Diba, girl?" tawa naman ni Arianne sa akin.

"M-May iilan kasing matagal na m-magkarelasyon na naghihiway din naman. Aakalain ng iba na panghabang-buhay na sila pero may dumadating na problema sa relasyon nila kaya nauuwi sa hiwalayan," saad ni Brittany.

I smiled at her. "Kasi madali silang sumuko. Hindi kami ganun ni Keaton. Hindi namin susukuan ang isa't-isa."

Marahan siyang tumango at nagtinginan sila ni Karissa bago niya ako nginitian. Panay naman ang ngisi ni Arianne sa'kin. Nginitian ko silang lahat.

I trust my Keaton. He loves me so much, I know. I feel it.

Napasinghap ako nang may umikot na braso sa leeg ko at dinampian ako ng halik sa pisngi. "Hi, love," bulong nito sa tainga ko.

Nilingon ko ito at nginitian. "Hello, mahal ko."

Umimpit ng tili si Arianne at parang kisi-kisi na kinikilig. "Nakakakilig talaga kayong dalawa. Sana ligawan na rin ako ng crush ko."

Humahalakhak si Keaton sa tainga ko habang dahan-dahan na pumupulupot sa bewang ko ang braso niya. Nilingon ko siya. Muntikan na kaming magkahalikan sa lapit ng mga mukha namin. 'Pag may makakita talaga sa'ming professor dito, maga-guidance talaga kami.

"May klase ka pa, diba?" tanong ko.

Umiling-iling siya at tinitigan pa rin ako. "M-May problema ba?" tanong kong muli.

"Kiss me, please."

"Hu-Huh?" Nag-init ang aking mukha nang nakita kong bumaba ang kanyang tingin sa'king labi. Damn, mapapa-guidance na talaga kami nito. Hindi niya naman siguro iniisip na magmake-out kami noh? God! Nakakahiya!

"Kiss me, Raine."

"P-Pero ..."

"Kiss me." Mas tumigas ang kanyang boses. Napatingin ako sa aking gilid at sa kabilang gazebo. Wala namang tao roon saka ang mga kaibigan ko ay seryoso naman sa kanilang ginagawa pagre-review. Pero ... ugh! Namumula na siguro ako na parang kamatis.

I slowly closed my eyes and pushed my face closer to him. I felt his warm lips moving over mine. When he licked my lower lip, napadilat ako. No, we can't make out here. Nasa gazebo kami for humanity's sake, sa harap pa ng mga kaibigan ko.

Her Unwanted Love (Salvador Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon