Chapter 30

85.4K 1.3K 50
                                    

Chapter 30

"The battle you are going through is not fueled by the words or actions of others; it is fueled by the mind that gives it importance."
― Shannon L. Alder

***

"Mommy ..." yugyog sa aking balikat ang nagpagising sa akin. "Mommy ..." ang boses ni Gale malumanay na tumatawag sa akin kaya dinilat ko na ang aking mga mata. Gale caressed my face with her free hand.

Sa kanyang tabi ako nakatulog nang nakaub-ob sa gilid niya. I had my eyes on her, hindi ko na nga namalayan kung anong oras na akong nakatulog muli. Sinilip ko ang wall clock sa kanyang kwarto, malapit ng mag-alas nuwebe ng umaga.

"Mommy, hungry!" she pouted at me.

Hinaplos ko ang kanyang buhok at hinalikan siya sa noo. "Good morning, baby ko. How are you? How was your sleep? May masakit ba sa'yo?"



Umiling siya sa akin. "Wala na p-po, mommy. Hindi na po a-ako sick. Si k-kuya Gray?"

Agad kong nilingon ang couch. I sighed dreamily with the view. Sa mga braso ni Keaton ay yakap-yakap niya si Gray samantalang nakaunan ito sa kanyang dibdib. They're both sleeping soundly. At hindi kaduda-duda na mag-ama sila. Gray's eyes and lips resembled Keaton's perfectly.

"You want to eat na, baby?" nilingon ko si Gale. She smiled and nodded at me. "Sige, tatawagan ko na si Yaya Angel para dalhin ang breakfast natin. Okay?"

"Yes, mommy." Binuksan ko ang tv para sa kanya bago hinaplos ang kanyang noo. Mataas pa rin ang lagnat niya pero dahil cheerful talaga si Gale ay hindi niya siguro ito nararamdaman. But her eyes are heavy and she really looks pale.

Nasasaktan ako na nakikita siyang nakahiga lang sa hospital bed. She should be running right now around the couch and is dancing to the stereo. But here she is.

Pumasok ako sa CR ng private room para maligo at magbihis. Mabuti nalang at mabilis akong dinalhan ni Angel ng mga damit kaninang umaga bago siya bumalik sa bahay upang magluto ng umagahan at dalhin na naman dito. Nagpapasalamat talaga ako at nandyan siya dahil hindi ko kakayanin lahat ng ito ng mag-isa.

Paglabas ko ng CR ay nakatulog si Gale habang nanonood ng tv kaya pinatay ko na lamang ito. Nilapitan ko ang couch at akmang kukunin na si Gray sa mga braso ni Keaton nang biglang nagising si Keaton. I was stunned when he looked at me straight in the eyes.



"Uhm, s-sorry nakatulog ako." Mabilis siyang tumayo at inayos sa aking bisig si Gray na nagsimulang mag-inat. Mukhang magigising na ito.

"No, o-okay lang. I ... uhm, thank you sa pagsama sa amin dito ka-kahit ..." umiwas ako ng tingin sa kanya. "B-Baka hinahanap ka na." Ng girlfriend o asawa mo, perhaps. I can't get that off in my mind since I saw him again. Baka naman may girlfriend siya ngayon, o baka pamilya talaga at hindi sadya ang pagkikita naming ito ngayon.

We did not talk details like that. Ang napag-usapan lang naman namin kaninang umaga ay tungkol sa pangalan ng mga bata and that was all. Hindi ko alam kung ano ang plano niya ngayong nakita na niya kami. At hindi ko rin alam kung ano ang gagawin kung ano sakali ang plano niya sa amin. Hindi ko alam kung paano tatanggapin kapag hindi niya pala kayang maging ama sa mga anak namin. Kung ganoon ang mangyayari, maybe, I should not introduce him to the kids, para hindi masaktan ang mga ito kung sakali.

"No, I'm staying here. Wala kang kasama para bantayan sila. You need me, Raine."

What? "Huh? N-No. It's fine. Hindi mo kailangang narito, Keaton. Baka may iba ka pang gagawin o kailangang puntahan. Ayos lang talaga besides parating na ang katulong ko. She will help me." Umiwas akong muli sa kanya at nilagak si Gray sa katabing sofa.

Her Unwanted Love (Salvador Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon