Chapter 19

67K 948 33
                                    

Chapter 19

"The past can't hurt you anymore, not unless you let it."

– Alan Moore

***

Mahigpit ang hawak ko sa aking shoulder bag habang humahakbang palabas ng restaurant. Sa likuran ko ay tahimik si Arriane na nakasunod sa akin habang nakamasid kami kay Keaton. Naghihintay sya sa labas ng isang fashion boutique at busy sa pagkalikot ng kanyang cellphone.

Nang malapit na ako sa kanya ay hinawakan ako ni Arriane sa braso.

"Please, don't do something stupid," tumango ako at pinakawalan nya ako bago lumayo sa akin.

Nasa harapan na ako ni Keaton at hinihintay na tingnan nya ako. Nang matanaw na nya siguro ang aking paa ay tinignan niya ako. With those pair of pitch black eyes, I did not feel scared. I feel hurt. I feel pain. Paano niya ito nagawa sa akin? He looked at me in the eyes and did not even twitch. Parang wala syang maramdaman habang tinitignan ako. Ganun lang iyon kadali sa kanya. Pero bakit sa akin, napakahirap na walang maramdaman habang nakatingin sa kanya.

"Keaton ..." I muttered under my breath. At halos kasabay iyon sa malambing na sigaw sa aking likod.

"Leigh!" Leigh? No one dared to call him that. Dahil iyon ang pinaka-ayaw nyang parte ng pangalan nya. Nilingon ko iyong babae hoping it's one of his cousins. But no, fvck it, it's not.

Mas matangkad ang babae sa akin, elegante sa suot nitong mint green peplum dress at kulot-kulot na buhok. Pinasadahan nya ng tingin ang aking suot na puting polo at black skinny jeans. I know, I look like I haven't had a good sleep for ages because that's the truth, I haven't had a good sleep lately.

Kumapit syang muli sa braso ni Keaton at nilingon ito. "Who's this girl? Colleague?" tanong nya at bahagya akong nginisihan.

Tinignan ako ni Keaton sa mata at ganoon rin ang ginawa ko sa kanya. He didn't even budge though I caught him off guard dating other woman. Isang linggo kaming hindi nagkita at nag-usap at ito pa ang mabubungaran ko. This is just ... too much to handle. I feel like breaking down.

"Hello, Leigh! Is this girl your friend?" tawag pansin muli ng babae sa kanya.

"C'mon Ash, I'll send you home."

"What? But, maaga pa. Let's go grab dinner," sagot ng babae kay Keaton. Paano ako? Wala lang? Hangin? Parang hindi nila ako makita. At wala rin naman akong kakayahang magsalita. I wanted to slap Keaton but I don't want him anymore to get angry with me. That's below the list.

"Keaton ..." tangi kong naibulong. Tinignan nya akong muli ng isang beses at hinila ang pulso ng babae saka umalis sa harapan ko.

Walang tatlong segundo ay agad na kumawala ang nagbabadyang luha sa aking mata. Ang sakit! Iyong wala ka na talagang halaga sa taong sobrang mahal mo. Iyong siya palagi ang laman ng isip mo pero kahit isang beses ay hindi ka dumaan sa isipan niya. Nais ko ng sumuko. Gustung-gusto ko ng sumuko. Ayoko na!

"Hey," mabilis akong nahawakan ni Arriane sa balikat. "Don't break down here. Halika na!" Inalalayan nya ako hanggang sa dumating kami sa parking lot ng mall. Pinasok nya ako sa front seat ng kanyang sasakyan at sumunod rin sya sa driver's seat.

"That Keaton really needs to grow up! Damn! I wanted to strangle him right there and then. He is so stupid. I cannot believe you loved that kind of guy since we were kids."

Panay ang pagmumura nya kay Keaton pero wala akong sinabi. Nakatingin lang ako sa labas habang parang gripo na umaagos ang luha ko.

"Uwi na'ko, Iane."





Her Unwanted Love (Salvador Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon