Chapter 27

80.5K 1.1K 22
                                    

Chapter 27

"You can spend minutes, hours, days, weeks, or even months over-analyzing a situation; trying to put the pieces together, justifying what could've, would've happened... or you can just leave the pieces on the floor and move the fuck on."
―Tupac Shakur

***



Hindi na ako nag-asam pa na mauulit ang pagpaparamdam ni Keaton sa akin. I never even bumped to Kirslie again or Kaizer or Zeus. And that is actually a good thing. Dahil wala na rin namang rason para magkaroon pa ng connect sa kanila. Kahit malaman pa ni Keaton kung saan ako nakatira, it doesn't matter anymore. It will not change anything. I've made up my mind and I'll stand to it.

"Insolvent pala si Mr. Ferrer, bakit nag-donate pa siya sa foundation?" tanong ko sa aking assistant team leader na si Angeli. Pinag-uusapan namin iyong bagong client na na-assign sa team namin. We are on the first step of completing its company's financial statements.

"I bet he didn't know," umikot ang mata ni Angeli sa akin at tumingin sa iba pa naming team members. "Walang background sa business si Mr. Ferrer."

"And that's why he called for our service," sagot ko dito.

"Right," nginisihan ako ni Angeli.

"We need to talk to him and their board," I looked at Jeno, isa sa pinaka-maasahan na member ng aking team. "As soon as Friday."

"Noted, Lorraine," Jeno winked at me and scribbled on his planner.

I helped myself with coffee on the pantry when my phone beeped. Sinilip ko ito at isang unknown number ang nagtext. Unknown number?

From: +639 xxxxxxxxx

Hi.

Nakataas ang aking kilay nang binasa ang maikling text na iyon. Weird. Maybe some missed text, whatever. Ganoon naman talaga ang ilan, nag-iimbento ng numbers para may mabiktimang bagong textmates. Binalewala ko iyon nang magtext muli ang naturang number bandang alas kwatro ng hapon, nang nag-aayos na ako para makaalis na sa opisina at makauwi na sa kambal.

From: +639 xxxxxxxxx

How's your day?

I deleted the thread at binalewala na ito. Maaga akong nakauwi at nilutuan ang kambal ng baked macaroni. Medyo hiyang sila sa pasta dishes, lalo na si Gale. It's her favorite, I can see it. Si Gray naman ay walang arte, he eats almost anything, kahit veggies pa iyan.

"Follow me, Gray. A!"

Kasalukuyan kong tinuturuan si Gray ng alphabet, ngayong nag-three na sila ay isang taon nalang bago sila pumasok sa prep school. And I want to be there on their very first step sa school. Isa na naman iyong milestone for them.

"B C D E F Z," matamlay nyang sagot sa akin. Diba sinabi kong follow me? Pambihira!

"G iyon, Gray. Hindi pa Z!"

"Z!" he insisted.

"Okay, okay. Z, then," ngisi ko at ginulo ang buhok nito. Gale was very busy with her doll house. Hindi siya nakiki-cooperate sa alphabet session namin. I wonder if I should teach them to write already? Siguro masyado pang maaga. Kailangan ko yatang tanungin si mommy tungkol doon.

"Ma'am, maliligo po ba kayo? Ihahanda ko po ang tubig sa bathtub," ani Angel nang nakasilip sa sala galing sa kusina.

"Ayos lang, Angel. Ako nalang ang bahala doon. Paki-labhan nalang iyong maruruming damit ng kambal. Bukas nalang iyong mga damit ko," sagot ko sa aking dalagang kasambahay. Tumango ito ng isang beses at dumiretso sa kwarto ng kambal.

Her Unwanted Love (Salvador Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon