Chapter 16

66.2K 907 28
                                    

Chapter 16

"Stab the body and it heals, but injure the heart and the wound lasts a lifetime."

― Mineko Iwasaki

***

"NGAYON AKO mamimili ng ingredients para sa lulutuin ko kay Keaton. Sabi ni Myreisl, hindi daw uuwi ang kuya niya sa birthday nito. Wala daw itong sinabi kung paano magsi-celebrate ng birthday."

Dismissal na ng Friday ng balak kong mamili. Nag-research na rin ako sa mga rekado sa mga nais kong lutuin para bukas. Adobong manok, seafood pasta at ang paborito naming dalawa na Japanese maki ang susubukan kong lutuin. Sana nga ay matagumpay kong maluto ang mga iyon kahit wala akong experience. O baka ayain ko rin syang tulungan nalang kami para may bonding naman kami sa kusina. Nais ko rin sanang ako mismo ang mag-bake ng birthday cake pero baka dadagdag lang iyon sa mga palpak kong gagawin. Napa-iling ako at nag-isip na bumili ng cake sa paborito naming bakeshop.

"Oh? Baka naman paparty sa bar."

"Ang nega mo naman. Samahan mo nalang kaya ako, Iane."

"Naku! Hindi ako pwede ngayon eh. Pinapa-part time ako ni mommy sa bangko namin. Alam mo na, experience. Andyan na nga sundo ko oh, mauna na ako."

"Huh? Hindi mo ako isasabay?" nguso ko nang narating na namin ang waiting area sa tabi ng gate.

"Hindi na kita maisasabay kasi sasakyan 'to ng bangko. Taxi ka nalang, kaya mo na 'yan."

"Huh?" nakanguso akong tumingin sa kanya. "Sige na nga. Bye!" tumawa muna sya sa akin mula sa bintana ng kotse ng kanilang bangko bago umibis ang sasakyan paalis sa aking harapan.

Nang nawala na ang kotse sa aking paningin ay nagsimula na rin akong maglakad papunta sa jeepney stop sa kalsada nang matanaw ko ang papalapit na sasakyan ni Vander.

Tumigil iyon sa tabi ko at agad na lumabas si Vander mula sa kotse.

"Vander? Naku! Umalis na tuloy si Arriane, magpapart-time daw sya sa bangko nila."

"Ikaw talaga ang sadya ko, Grem," nakapamulsa nyang tugon sa akin.

"Huh? Ako? Pero bakit naman?" nalilito kong tanong. "May kailangan ka ba?"

"Libre ka ba n-ngayon? P-Pwede ba tayong lumabas, may s-sasabihin sana ako."

"May lakad kasi ako ngayon, V-Vander. Medyo busy kasi ako, may gagawin ako para sa birthday ni Keaton bukas."

"Ahh, saan ba? Baka pwedeng s-samahan nalang kita?" Mariin ko syang tinignan at nag-isip. Close naman kami ni Vander, in fact, sya nga ang bestfriend kong lalaki. Ayos lang naman kung magkasama kami, maasahan si Vander at tunay syang kaibigan, elementary pa lang kami.

"S-Sige, grocery lang naman ako."





"KUMUSTA NGA PALA ang trato ni Keaton sa'yo? Huli kong narinig ay iyong hindi ka pa rin niya napapatawad pero nagkabalikan pa rin kayo. Hindi ka naman nya siguro sinasaktan, ano?"

Napalingon ako sa kanya mula sa pagkukumpara ng dalawang malaking bell pepper. "H-Hindi. Maayos syang makitungo sa akin, Van. Unti-unti naman kaming bumabalik sa dati. Masaya ako na ganoon, Vander."

"M-Mabuti kung g-ganon," nagdampot siya ng isang mas malaki at mas malinis na bell pepper at binigay sa akin. "Ito oh."

"Salamat, Van," nilagay ko iyon sa cart na tulak-tulak niya. Marami na iyong laman na mga ingredients kulang nalang ay iyong mga karne at iilang gulay na gagamitin ko. "Ano nga pala iyong itatanong mo sa akin kanina?"

Her Unwanted Love (Salvador Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon