Chapter 26
"And then the day came, when the risk
to remain tight in a bud
was more painful than the risk
it took to blossom."— Anaïs Nin
***
"Claire!" malayo pa lang ako sa reception desk ay tinawag ko na si Claire. Agad siyang tumingin sa akin nang may pagtataka.
"Yes, ma'am Lorraine?"
"Iyong nagpadala ba ng bulaklak, wala bang papel na binigay ang nagdeliver?" Kahit nagtataka ay tumalikod si Claire sa akin at may kinuha sa isang table.
"Mayroon po, ma'am. Ito po oh," she handed me a small paper. May pirma niya iyon bilang proof na na-receive nya pero walang fill-up ang ibang information sa form. Walang return to sender option man lang dahil walang sender's address na nakalagay.
Napasinghap ako at kinuha ang papel. Umalis ako matapos magpasalamat kay Claire. Nang bumalik ako sa aking opisina ay kinuha ko ang aking cellphone mula sa'king bag at di-nial ang numero sa bahay. May nahihinuha ako sa nagpapadala ng bulaklak. Damn it!
Paano kung nalaman na nya kung nasaan ako at ang mga anak nya. Is he going after us? Why? He wants his son and daughter? Ang tanong nga ay kung alam ba nya na dalawa ang anak namin at kambal ito. Well, hindi na rin siguro ako dapat magtaka. Magaling sila mag-trace ng impormasyon. Malamang ...
"Hello?"
"Angel, ang kambal?" agad kong bungad.
"Ma'am, nanunuod po ng Adventure Time."
"Ganoon ba? Sige, Angel, mag-ingat kayo riyan. Saka lagi mong tatandaan ang bilin ko ha? 'Wag magpapapasok nang kung sinu-sino lang. Kapag may kumatok dyan at sinabing kilala ko siya ay wag mo pa rin papasukin. Naiintindihan mo ba, Angel?"
"O-Opo, ma'am," parang nalilito ay sumagot pa rin ang kasambahay ko.
"Sige, wag mong kalilimutan ang pananghalian ng kambal. Mga dinner na ako makakauwi, 'wag ka na magluto. Bibili nalang ako ng pagkain."
"Sige, ma'am. Noted," nabahiran ko ng ngisi ang sagot ni Angel kaya nagpaalam na ako.
Nang binaba ko na ang cellphone ay dumaan ang katrabaho kong si Fem. "Lorraine, andyan na si Madame L."
"Salamat, Fem."
Sobrang productive ko ngayong linggo sa trabaho. Malapit na kasi ang pagpapasa ng financial statements at tax returns bilang requirements sa BIR. Ako ang leader ng team na nagha-handle sa isang malaking kumpanya dito sa Cebu kaya sobrang hands-on ko dapat sa lahat ng detalye. Ganoon naman kasi ang trabaho namin, dapat attentive hanggang sa pinakamaliit na details. Ayon kasi sa kasabihan, mas nakakapuwing ang maliliit na bagay.
Tama nga naman. Often times, the smallest things causes the biggest chaos. If we continue to neglect the smallest things, they pile up and become bigger and that's when they matter. We have the time to solve them before, when they were still immaterial but we chose not to. So, mas lalong lumaki tuloy ang sularanin at mahirap ng solusyonan. Well, it's not a hugot but that is the reality of life.
"Sama ka sa'min, Lor?" isang hapon ay sumilip si Vera sa aking opisina. Nagliligpit na ako ng gamit dahil alas singko na at paniguradong hinihintay na ako ng kambal. Nangako akong magluluto ako ng spaghetti dahil birthday ni Angel ngayon.
"Huh? Saan kayo?"
"Pupunta kami sa Mango Square. Alam mo na, holiday bukas. Minsan lang tayo makalabas eh. Sama ka na."
BINABASA MO ANG
Her Unwanted Love (Salvador Series #1)
General FictionGremaica Lorraine Lazaro is selfless. The happiness of another person is always essential to her. She wants seeing her family, friends and the love of her life, Keaton Leigh Salvador happy. But what if every little thing is coming out of hand? What...