Chapter 1

136K 1.6K 69
                                    

Chapter 1





"A person is, among all else, a material thing, easily torn and not easily mended."

― Ian McEwan, Atonement



***





"Sa'n ang lakad mo, Gremaica?" tanong ni mommy pagkababa ko mula sa'king kwarto.

"Kina Keaton po, my. Ibibigay ko iyong invitation para sa debut ko."

Lumabas si daddy mula sa kusina at inakbayan si mommy. "Siya na ba ang escort mo?"

"Hmm, opo."

"Mabuti iyon dahil kilala naman namin siya. Mabait na bata."

"Sige na po, alis na'ko."

Isang beses ko lamang pinindot ang kanilang doorbell ay pinagbuksan agad ako ng kanilang guard. Kumpara sa bahay namin ay di hamak na mala-mansion ang bahay nila Keaton. May-ari kasi ang kanilang pamilya ng pinakamalaking telecommunication line sa Pilipinas. Ang real estate naman ay negosyo ng pamilya ng kanyang mommy. Kaya ganoon ka respetado ang pamilya nila dahil dalawa ito sa pinakamayaman na pamilya sa bansa.

Zapia-Salvador.

Naabutan ko ang kaniyang nakababatang kapatid na si Myreisl na nakaupo sa kanilang sala at naglalaro sa iPad nito.

"Hi, Reis," pagbati ko dito.

Lumingon ito sa'kin at ngumiti. "Hello, ate Raine."

"Andyan ba ang kuya mo?"

"Hmm. I think he's in his room."

"Yaya, ikaw na muna ang bahala kay Nikolai. Reis ..." Napalingon ako sa maamong boses na iyon at ngumiti dito.

"Oh. Hello, hija."

"Hello po, tita Mira," bumeso ito sa'kin. "May ibibigay lang po sana ako." Inabot ko ang invitation sa kanya at malugod naman niya itong tinanggap. "Debut party ko po. S-Si ..." Nahirapan akong sabihin na si Keaton ang gusto kong maging escort. Papaano kung hindi ito papayag? Mapapahiya lamang ako.

"Si Keaton ba ang escort mo?" nakangisi nitong tanong sa'kin.

Yumuko ako sa kahihiyan. "O-Opo s-sana."

"Hmm." Tinignan ko ito muli at marahang tumatango habang binabasa ang aking invitation. "Yaya, kindly check Keaton in his room. Baka tumakas na naman iyon para magbasketball."

"Uhm, thank you po, tita."

"No problem. I'm sure, papayag si Keaton to be your escort. Crush ka kaya nun."

"H-Hindi naman p-po," hiyang-hiya akong sumagot. I know she's just joking. She was always like that when Keaton and I are around each other.

"Nah!" she giggled like a teenager. "Sige, I need to go. Hinihintay na 'ko ng tito Kevin mo. May date kami eh."

I smiled. I've always looked up to their relationship.Masyado kasi silang sweet, parang may langgam na nagpaparada kapag magkalapit sila. Kaya siguro tatlo ang naging anak nila. I laughed at the thought. Silly me.

"Sige po, ingat po kayo. Bye."

"Bye, mom," paalam ni Myreisl sa kanyang mommy.

"Bye, baby girl." Myreisl pouted. "Bantayan niyo si Nikolai ah? Baka tumakas na naman para makipag-laro sa labas."

Her Unwanted Love (Salvador Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon