Chapter 7
"Real love is more than a physical feeling. If there's even the slightest doubt in your head about a guy, then forget about it. It's not real."
- Ethan Embry
***
Nanatili akong nakahiga sa aking kama ng alas-diyes isang Martes ng umaga. Hindi ko malaman kung alin sa naiisip ko ang uunahin kong gawin. Ang maka-usap si Brittany o ang maka-usap si Keaton. Tatlong araw akong nag-iisip at urong-sulong sa desisyon kong makausap si Keaton. Tatlong araw na rin ang nagdaan pero parehong kong hindi alam kung saan mahahagilap ang dalawa.
Keaton has an advantage actually, magkapit-bahay lamang kami, alam ko kung saan ang condo nya pero paano kung wala sya sa dalawang lugar na iyon. Saan ko sya hahanapin?
That if he wants to talk to me in the least.
Gumulong ako at sinilip ang aking cellphone. Walang kahit anong panibagong text o missed call ang napadaan doon. Chi-neck ko ang aking call log. Ang huling tawag ni Keaton sa akin ay noong hinatid nya ako sa Tazza Bar nang bandang alas-diyes ng gabi. He must have been concerned for me, right. Right?
I crawled back on the bed again facing my pillow. Everything - as in from the moment I wake up in the morning until I lay in my bed at night - is changed. Nasanay ako sa araw-araw na kasama si Keaton. That I'll not be shocked if he came in running inside my room to wake me up.
Na siya na minsan ang nagluluto ng agahan sa kusina namin kapag ako ang pinakahuling nagigising. Na halos dito na siya nakatira sa amin kapag wala akong planong gawin sa buong weekend. Na feeling ko bago kaming kasal kapag pinipilit niyang magluto ako sa condo nya kahit hindi ako marunong. Na kahit anong pag-tantrums at pag-PMS ko ay iintindihin niya. Keaton was always there on the small pieces that made my entirety.
Maybe, I was too dependent on him. Not just maybe, but indeed I am.
I felt before that my dependency of him is dangerous. Pero binalewala ko iyon dahil alam kong kami na talaga hanggang sa huli. Pero hindi ko malaman kung paanong pinaglaruan ng tadhana ang estorya namin. We are on this situation that I am wrecked but I think he is absolutely fine.
"Sh1t!" I flinched at the pain in my chest. Parang may bubuhos na naman na luha sa mga mata ko.
"Gremaica," katok ni mommy sa aking pinto. "I need to go to the firm."
Pinalis ko ang namamasa kong mata at saka umikot para tumayo mula sa kama at pagbuksan ng pinto si mommy. "Po?"
"I need to go to the firm, urgently. Ayos lang ba kung ikaw na muna dito mag-isa. You don't have review today, right?"
"W-Wala po. Pero baka mag-study out ako or whatever," sagot ko.
"Okay, nandito naman si Manang Yolly. Text mo ako kapag aalis ka ng bahay, okay?" pinalis ni mommy ang kanyang buhok patungo sa likuran at nakita ko ang kanyang kwintas na katugma ng kay daddy.
"Yup. I'll text," sagot ko at agad nang bumaba si mommy. Nang narinig ko ang pagharurot ng sasakyan namin palabas ng gate ay nanatili akong naka-sandal sa may bintana at tinanaw ang bahay nila Keaton.
His younger brother was at their front lawn playing a guitar with a friend. Wala roon sa kanilang garahe ang kotse ni Keaton pero naroon ang kotse ng kanyang mga magulang. What if I ask tita Mira where Keaton is? Pero what if she will ask me instead bakit hindi ko alam? O baka alam na nilang hiwalay na kami ni Keaton?
But my parents don't know it, yet. Kung alam nila tita Mira marahil dapat alam na din ito ng mga magulang ko.
Determinado ay naghanda ako at nagbihis para pumunta sa bahay nila tita Mira at tito Kevin. Pinindot ko ang doorbell ng dalawang beses at agaran itong bumukas. Ang bunsong kapatid ni Keaton ang nagbukas.
BINABASA MO ANG
Her Unwanted Love (Salvador Series #1)
Fiksi UmumGremaica Lorraine Lazaro is selfless. The happiness of another person is always essential to her. She wants seeing her family, friends and the love of her life, Keaton Leigh Salvador happy. But what if every little thing is coming out of hand? What...